Sabina NAPAYUKO ako nang salubungin ako ng aking nakatatandang kapatid na si Kuya Mael. Base pa lamang sa kanyang ekspresyon ay kailangan ko talagang kabahan. “We have been contacting you for the last 12 hours, Sabina. Where have you been?” tanong nito sa akin. Tuluyan na kasing na-low battery ang aking cellphone kaya’t wala akong kamalay-malay na tinatawagan na pala ako ng kapatid ko. “Mom was worried sick last night at kami rin. Kulang na lamang ay magpa-dispatch kami ng mga tauhan para lamang halughugin ang lahat ng bar sa Metro.” Kinagat ko ang aking labi. Nawala sa isipan ko ang magsabi sa kanila na hindi ako makakauwi. Gets ko naman ngayon kung bakit galit si Kuya. Masyado akong naging masaya kagabi na hindi ko inisip na may problema akong kakaharapin ngayong umaga. Nagising ak