ARIANA POV
Bakit nandito ang lalaking naka one night stand ko? Kinusot kong muli ang mga mata ko dahil baka dala lamang ito ng aking puyat. Subalit parehas na lalaki ang nakita ng dalawa kong mata. Paano ako magtatago sa lalaking kumuha ng virginity ko?
Nakakahiya naman kung gagawa ako ng eksenang magpapahamak sa akin. Right now, halos gamunggo na ang pawis ko sa kaba. Tila ay nilunok ko ang sinabi kong hindi na kami muling magkikita pa.
"Everyone, good morning to all of you! My name is Adrian Cruz, and I will be your new boss starting today. It's nice to meet you all."
Nagsimulang magpalakpakan ang lahat ng nasa loob ng office maliban sa akin na tulalang tulala pa rin. Nang magtama ang paningin naming dalawa, muli ako nitong ibinalik sa nangyari noong nakaraang araw.
Bakit sobrang liit yata ng mundo? Sinasadya ba ng tadhana na ibalik ang masalimuot na nangyari tatlong araw na ang nakakalipas?
Hindi ako makapag trabaho ng maayos. Lutang na lutang ako at wala ako sa aking sarili. Hanggang sa pag uwi ko, dala dala ko sa utak ko ang masalimuot na pagkikita naming muli ng lalaking ito. Bakit sa lahat ng tao, si Adrian pa talaga ang bagong boss ko?
"I am not expecting to see you here!" sambit ng lalaking may pamilyar na boses.
Napatigil ako sa aking paglalakad. Sa sobrang lutang ko ngayon, hindi ko namalayan na nandito siya kaagad. Sinundan niya ba ako? Bago ko pa man masagot ang tanong ko, hinila na ako sa likuran at sinakay ako sa loob ng isang kotse. Sa amoy pa lang ng pabango ng lalaking ito, walang duda na siya nga si sir Adrian.
Sumisikip ang dibdib ko sa kaba. Pumasok siya sa likod ng kotse at tumabi sa akin. I hate looking directly into his eyes.
"Ano pong kailangan niyo sa akin sir?" nakayukong tanong ko.
Mas naging seryoson ang expression ng kanyang mukha nang sumandal siya sa upuan at tiningnan ako ng matalim.
"Ang buong akala ko ay hindi ako makakakita ng prostitute dito sa office," ani niya na may halong yabang. Ganito ba talaga kaliit ang tingin niya sa akin?
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Gusto kong maglaho na parang bula dahil sa labis na kahihiyan. Oo nagkamali ako kagabi pero sobrang sakit na pinalabas niyang isa akong prostitute.
Pumalag ako sa sinabi niya, "Sir, kahit boss pa kita, wala kang karapatan na husgahan ang buo kong pagkatao. Sana naman ay ihiwalay natin ang personal na buhay natin sa professional work," matapang na pahayag ko sa kanya habang nakatitig ako sa mga mata nito.
Lalong naging cold ang tingin niya sa akin. It seems na provoke ko siya na lalong magalit. Senyales na ba ito na matatanggal na ako sa trabaho? Pero aminado akong takot ako na mawalan ng trabaho lalo na't mayroon pang sakit ang aking nanay.
Kumakabog ang dibdib ko habang hinihintay siyang magsalita, subalit nabalot na ng katahimikan ang kotse. Dahan dahan kong iniikot ang mga mata ko sa kanya. Nang magtama ang aming mga mata, kinuha niya ang kanyang pitaka at nagbigay ng 1500 na nilagay niya sa pagitan ng boobs ko.
"Miss Ariana, ang buong akala ko ay hindi na tayo magkikitang dalawa. Pero ngayon, kailangan kong ipaintindi sayo na hindi ko kailangan ng pera mo so take it back. I was really insulted that you left me that night.
Bago pa man ako mag react, dinagdagan pa niya ng ilang libo ang binigay niya sa akin.
"Yang pera na 'yan ay gantimpala mo kagabi, ang pilit mong kinukuha sa akin. But it does not mean we are on good terms. So as a revenge, I am going to make sure you experience hell inside the office."Get that and leave my car immediately."
Umalis ako sa kotse niya na nanginginig. Mabilis siyang umalis at iniwan akong mag isa sa parking lot, hindi ako makapaniwala na gagawin niyang impyerno ang buhay ko sa loob ng office. Paano na lamang ako nito? Mahirap lang kami ni mama!
Gumuhit ang galit sa aking mga labi pero subalit wala na akong magagawa? Sadyang mababa lamang ang tingin niya sa akin! Tiniklop ko ang kamao ko pero nang maisip kong kailangan ko ng trabaho, kinalma ko ang sarili ko. Nilunok ko na lamang ang pride ko at tinanggap ang perang ibinigay niya sa akin.
"Anak, kailangan bago mag 8 am ay nasa Crimson hotel ka na? Bawal ma late dahil nakakahiya kay Uncle Gerald mo," ang text ni mama.
8 pm nang makarating ako sa Crimson Hotel sakay ng taxi. Labas pa lamang ng hotel ay maganda na. Nag simula akong maglakad bitbit ang regalo sa kamay ko. Nang makapasok ako sa venue, sobrang ganda ng decorations ng buong paligid.
Nang nakita ko si Tita Minda, nilapitan ko siya at niyakap.
"Ariana, mabuti na lang at dumalo ka!" masigla niyang sabi.
Pagkatapos naming magyakapan, binigay ko kaagad ang regalo ko sa kanya.
"Baka pwedeng kayo na po ang mag abot nito kay uncle?" sabi ko, ayaw ko kasi talaga siyang makasalamuha ngayong gabi.
"Maraming salamat sa regalo mo, sige ako na ang bahala," Kitang kita ko ang spark sa mga mata ni tita ng matanggap nito ang regalo ko.
Dinaanan ko rin ang nanay ko at ang iba pa naming kamag anak para batiin ang mga ito at nakisalo pa ako sa aming intimate dinner. At dahil sa ayaw kong makita ang Uncle ko, naisipan ko na kaagad na umuwi.
"Ma, kailangan ko na pong umuwi," pagpapaalam ko sa kanya. Hininaan ko lang ang boses ko para hindi marinig ng ibang mga bisita.
"Anak, hindi mo nga masyadong ginalaw ang pagkain mo. Kakarating mo lang dito tapos gusto mo kaagad umuwi? Hintayin natin ang Uncle Gerald mo. Balita ko mayroon siyang kasamang bisita."
"Ha? Mayroong kasamang bisita si Uncle? At sino naman?" kunot noo kong tanong.
"Ang sabi ng tita Minda mo, anak ng kaibigan ni Gerald ang dadating rito. Ang sabi pa sa akin ni Minda, siya raw ang bago mong boss. If I am not mistaken, isang bilyonaryong negosyante ang kasama niya."
Speaking of the devil, naglingunan kaming lahat ng magbukas ang pinto. Dumating si Uncle Gerald na naka coat na itim. Subalit ang ikinagulat ko ay ang kasama niyang lalak!