CHAPTER 4

1180 Words
ADRIAN POV Nandito ako ngayon sa isang napaka garbong birthday party ng bago kong business partner na si Mr. Gerald. Naniniwala ako na mapagkakatiwalaan ko siya sa malaking investment ko. Pagdating sa larangan ng pagnenegosyo, siya talaga ang isa sa mga kilala sa industriyang ito. Right now, he needs me more than I need him. At nang malaman kong makakaharap ko ang kanyang pamilya, nag effort talaga akong magayos ng aking sarili. I want everyone to worship me like a God on this party. Kaya ngayon, pagdating na pagdating ko pa lamang sa venue, nagmistulan akong isang artista sa paningin ng ibang mga bisita na ang karamihan ay mga kamag anak niya rin. I removed my shade as I scanned the surround. Ang una ko kaagad napansin ay si Ariana na nagtatago sa likod ng isang matandang babae. Kahit malayo kami sa isa't isa, kitang kita ko naman na gulat na gulat ito ng makita ako. The world is really small for the two of us? Pinakilala naman ako ni Mr. Gerald sa lahat ng mga bisita niya. They are all admiring me, sabi nga nang iba sa kanila ay para akong isang modelo. Nakakangalay palang ngumit lalo na kapag hindi sanay. Masyado pang maraming tao ang pinapakilala niya sa akin pero ang isipan ko ay na kay Ariana kaagad na nagnanakaw ng tingin sa akin. Nakipag handshake ako sa bawat tao na pinakikilala niya sa akin. But I am not interested in knowing any of them. Si Ariana lamang ang gusto kong makausap ngayon. No matter how hard she tries to distance herself from me, hindi siya makakalayo sa akin. Sa buong buhay ko, siya lamang ang kaisa isang babae na tumapak sa aking pride kaya kailangan kong iparanas sa kanya ang bagsik ng paghihiganti ko sa kanya. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko na lumabas siya ng venue pero wala siyang dalang bag. --------------------------------------- --------------------------------------- ARIANA POV Nandito ako ngayon sa cr dala ang clutch ko. Ni lock ko ang pintuan at humarap sa salamin ng cr. Kitang kita ko sa mukha ko ang labis na kalungkutan at pagkagulat. Bakit ang liit liit ng mundo para sa aming dalawa? Pati ba naman sa birthday ng Step Uncle ko ay susulpot pa rin siya? Nananadya ba ang panahon at tila ay pinag ku krus nito ang landas naming dalawa? Sabagay, mahilig talagang makipag kaibigan ang Step Uncle ko sa mga mayayaman kaya malamang siya ang nag first move para maging kaibigan niya si Adrian. Kailangan ko nang umuwi. Ayaw kong makita niya ako sa lugar na ito lalo na't pinag iinitan niya ako matapos ang mangyari sa aming dalawa tatlong araw na ang nakakaraan. Huminga ako ng malalim. "Kaya mo yan, Ariana! All you need to do is magpaalam sa mama mo at umalis sa venue," pagkausap ko sa sarili ko. Bumalik na ako sa venue at napaupo sa tabi ni Mama. Pinilit kong itago sa isang masayang ngiti ang kaba ko. "Ano ba anak? Bakit ang tagal mo sa cr?" galit niyang tanong. "Umayos ka ng hitsura mo, wag mong sirain ang araw na ito please, irespeto natin ang Step Uncle mo at si Mr. Adrian!" Bago ko pa man siya sagutin, nakita ko na papunta na sa direksyon namin sila Adrian at Uncle Gerald- ang dalawang lalaking kinakabwisitan ko. Para akong aatakihin sa puso sa kaba. Bakit naman dito pa sila pupwesto sa dinami rami ng upuang bakante sa bilog na lamesang ito? "Ma gusto ko na sanang umuwi," sambit ko sabay kuha ng aking bag. "Anak bakit naman?" "Basta ma kailangan ko nang umuwi," pagmamatigas ko pa. "Ariana? Where are you going? The party has not started yet. Minsan na lang tayo magkita, pati ba naman birthday ko iiwasan mo ako?" Inarapan ko ang Step Uncle ko na may nakakayamot na boses. Paglingon ko ay nakita ko na parehas silang nakangiti ni Adrian. Inayos ko ang facial expression ko at itinago ang inis sa isang maaliwalas na ngiti. Hinawakan niya si Adrian na kasing tangkad niya, "Siya nga pala, meet my new wealthy friend Adrian! He is handsome single man," ani niya. Wala naman akong pakialam kay Adrian. Kung single siya o isang mayaman. Sa mga mata ko, mananatili siyang isang hambog na lalaki! Iniabot ni Adrian ang kanyang kamay sa akin. Nakaka bastos naman kung tatanggihan ko ang kamay niya sa harapan ng Uncle ko kaya nakipag handshake ako sa kanya. "Ariana pala," pagpapakilala ko kahit na kilala na niya ako at nakita na nito ang hubo't hubad kong katawan. "Nice to meet you, would you mind if I sit beside your chair?" sambit niya pa. "Sure," pilit ngiting sabi ko. Nang maupo si Adrian sa tabi, nakita kong halos sobrang lungkot ko na. I decided na mag focus na lang sa pagkain sa harapan ko. At habang busy ako sa pagkain, nakikinig ako sa usapan nila mama at Uncle. "By the way, si Adrian nga pala. Anak siya ng bago kong kaibigan. Siya lang naman ang nag iisang tagapag mana ng kanilang kumpanya. Marami kaming napag uusapang mga projects in the future. Kaya simula ngayon, ituring niyo na siya bilang parte ng ating pamilya." "It's finally nice to meeting the most handsome man tonight," ani ni tita Minda. "Thank you Ma'am," sagot ni Adrian. "Oh come on, just call me tita. We don't need to be formal, wala naman tayo sa corporate world." Nagtaas ako ng kilay, nayayamot kasi talaga ako sa mga nangyayari. Lumalim pa ng lumalim ang usapan nila. "Adrian, how can I reach you in case mayroon tayong business deals in the future?" "Tita, pwede po kayong tumawag sa office ko kung may kailangan po kayo." Medyo napahiya ang tita ko sa naging sagot ni Adrian. Pero imbis na tumahimik, tila ay wala sa bokabularyo nito ang sumuko. Deep inside, natatawa na lamang ako sa mga nangyayari. "Ariana, talaga bang tatahimik ka lang dito at di mo man lang ako babatiin ng happy birthday? Ganito ka na ba kabastos sa taong nagpa aral at tumulong sa inyong mag ina?" ang sabi ng Step Uncle ko na kaharap ko lang. Natahimik ang lahat sa pagsasalita ni Uncle Gerald, nag iinit na ang mga mata niya sa galit. Pero bastos na pala ang pananahimik ko ngayon? Kaharap ko lang naman ang dalawang lalaking kinaiinisan ko, natural lang sa akin na wag silang kibuin. At kagaya ng ipinangako ko, matapang kong ipinagtanggol ang sarili ko laban sa kanya. "Talaga ba?" taas kilay kong sabi. Napatingin si Uncle Gerald kay mama at para bang mayroon itong kahulugan. "Anak mag sorry ka sa Uncle mo!" sabi ni mama na may seryosong tono ng pananalita. Napatingin ako ng may salungat na kilay sa nanay ko, "Ako manghihingi ng sorry sa Uncle ko? Nahihibang na yata siya!" "Still holding a grudge against me? Come on, wala ka talagang utang na loob sa akin at balak mo pa yatang sirain ang kaarawan ko!" "Please anak manghingi ka na lang ng sorry sa Uncle mo," sambit ulit ni mama na halatang takot na takot sa mga pwedeng mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD