2: NATAUHAN

1365 Words
ARIANA POV Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata, ang tunong ng cellphone ko ang nagpagising sa akin. Ang sakit ng ulo ko pero nanlaki ang mata ko sapagkat hindi pamilyar ang lugar na ito. Gumuhit sa aking mukha ang pagtataka. Napakaganda ng hitsura ng silid na ito... parang isang pang five star hotel. Naka kalat pa ang pera sa kama at sahig. Binuksan ang mga kurtina at napaupo ako ng makita ko ang suot kong saplot sa sahig. Nanginginig akong humiga habang iniisip kung ano ang nangyari. Pilit kong inaalala ang lahat hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa aking hubad na katawan. Hindi makapaniwala... Gumunita sa akin ang mga nangyari kagabi. Umiinom para matulala at makilala ang kakaibang lalaking iyon. Silaw na silaw ako sa pera niyang inilabas at sinabi ko na kahit sa isang gabi ay magpapaka pokpok ako upang makuha ito. But I ended up losing my virginity. Ang iningatan kong dangal ay napunta lamang sa lalaking ito na naka one night stand ko. Nag-init ang pisngi ko nang hawakan ko ang buhaghag kong buhok at naalala ko kung paano ako sumayaw sa harapan niya habang libog niya akong tinitingnan. Ngunit bukod rito, wala na akong ibang maalala pa. Labis kong pinagsisihan ang ginawa kong ito. Subalit huli na ang lahat, kahit umiyak pa ako ng dugo, hindi na maibabalik nito ang isang bagay na nawala sa akin. Ang pag agos ng tubig ang naging dahilan para lumingon ako sa cr na may frosted na pinto. Isang matangkad na lalaki ang naliligo pero masyadong blurred para makita ko ito ng malinaw. Kailangan kong tumakbo bago pa siya lumabas ng banyo. Nagmamadali akong bumangon sa kama at mabilis na nagbihis. Habang papunta ako sa pinto. Bumukas ang pinto ng banyo. Sumikip ang dibdib ko sa kaba at dahan dahan akong lumingon. Nagulat ako ng mapangtanto ko ang kagwapuhan niyang taglay. Nasa banyo siya pero hindi ko maiwasang makita ang kabuuan ng kanyang katawan, ang hot niya lalo na't tumutulo ang tubig mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang dibdib. Ang tangkad din niya, para siyang isang model figure. Subalit ang nagpagulat sa akin ay ang kanyang subtitle. Kahit na nakatapis ang kanyang baiwang ng towel, bakat na bakat pa rin ang p*********i niya. Napakamot siya sa ulot at bumatak ang muscle niya sa kanyang kaliwang braso. Nang ngumiti siya sa akin, nag asta itong mayabang. Nayamot akong bigla. Kaya naman nakaramdam ako ng matinding pang-iinsulto kaya nagpasya akong ipamukha sa kanya na wala na ang espirito ng kalasingan sa akin. Naglabas ako ng 1500 thousand pesos sa bulsa ko at inihagis ito sa mukha niya. Alam ko naman na galit na galit ang mga lalaki lalo na kapag natatapakan ang pride nila! "Sayang gwapo ka sana pero hindi ka magaling sa kama. So yan lang ang bayad para sayo! Wag mo sanang isipin na isa akong pokpok na babae. Lasing lang ako kagabi!" "Anong sinabi mo!?" galit na galit na tanong ng lalaking ito. Napangisi akong nang aasar, "Gwapo ka sana kaya lang bingi ka! Ang lamya lamya mo sa kama, 'yan ang feedback ko sayong hinayupak ka. At isa pa, wag mo sanang isipin na isa akong prostitute kasi isa akong matinong babae!" Kumaripas lamang ako ng takbo hanggang sa maging kampante na ako. Bumagal lamang akong maglakad nang nasa highway na ako. Halos hindi ako makapaniwala na makikipag one night stand ako sa lalaking nakilala ko lang sa bar. At least ang mahalaga ngayon, wala na kaming pakialam pa sa buhay ng isa't isa. 3 days after the incident, natahimik ang mundo ko. At ngayong araw, I decided na patawarin ang sarili ko. 7"00 am, paalis pa lamang ako pero bigla na lamang akong tinawag ng mama ko sa likod. "Good morning anak," masigla niyang pagbati. Mukhang maganda ang gising ngayon ni Mama base sa tono ng pananalita niya. "Good morning din, papasok na ako sa work, may gusto poba kayong ipabili?" tanong ko pa. "Gusto ko lang ipaalala ang birthday ng Step Uncle mo ngayong gabi. Gaganapin ito sa isang venue malapit sa pinag tatrabahuan mo. Pupunta ka naman diba?" "Busy po ako!" mariing kong sabi. Galit ako sa Uncle ko dahil masyado siyang mahangin na tao at siya ang dahilan kung bakit nawala si Dad. Sa katunayan, palagi ko nga siyang iniiwasan kasi masyado siyang pakialamero sa buhay namin. "Anak naiintindihan ko na siya pa rin ang sinisisi mo sa pagkawala ng Dad mo pero ibaon na natin sa limot ang nakaraan. Gusto lang bumawi ng Step Uncle mo sayo, kaya pumunta ka na para hindi naman nakakahiya doon sa tao." I don't want to go, pero para sa mama ko, gagawin ko ito! "Fine, pupunta po ako," sambit ko matapos ang ilang segundo. "Please anak, wag mo rin sanang awayin ang Steup Uncle mo kasi siya ang dahilan kung bakit ka nakapag tapos ng pag aaral," pagpapaalala niya pa sa akin. "Of course Ma," pangako ko, pero deep inside, kapag may isang bagay lang na ginawa ang Step Uncle ko na hindi ko nagustuhan, aawayin ko talaga siya. Palibhasa kasi, inasawa niya ang tita ko pagkatapos mamatay ang unang asawa nito kaya ngayon feeling entitled siya na kadugo namin siya! Kahit na matagal na ang insidente, naalala ko kung paano kami mag makaawa kay Uncle na bigyan ang tatay ko ng pera pang gamot subalit kahit na singkong duling ay hindi ito nagbigay. Nabaon kami sa utang sa kanya kaya para lang kaming alila kung kanyang alipustahin. Eksaktong 8 am ng umaga ng makarating ako sa aking desk. Ang katrabaho kong si Elaine, lumapit na lang bigla sa akin. "Hoy sis, ang blooming mo today. In fairness sayo, mukhang nakahanap ka na yata ng Afam jan. Wala na bang bakas ng sugat na iniwan si Michael sa puso mo?" Close din kaming dalawa ni Elaine kaya alam kong honest lang ang opinion niya. "Wow, ang lalim naman ng huli mong sinabi! I rate mo nga kung gaano ako naging blooming ngayon?" "Well! All I can say it, wala akong nababakas na lungkot sa mukha mo ngayon." "Siguro dahil wild ang naging gabi ko. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero I just spent money para uminom." "By the way, darating pala ang bago nating boss ngayong araw," pag iba niya bigla sa topic. "Talaga?" sambit ko, hindi ako makapaniwala. "At ayon sa chismis na nakalap ko, mayaman ang bago nating boss. At ito pa ang pinaka bongga, ang sabi ng ilan, saksakan daw ito ng kagwapuhan." Wagas na wagas ang kilig sa namumulang pisngi ni Elaine habang nagsasalaysay ito ng kwento. Unlike her, I am not excited na ma meet ang bago naming boss. For sure ako na dahil galing ito sa mayamang pamilya, masama ang ugali nito kahit pa saksakan siya ng gwapo. Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni Elaine, dumaan bigla ang aming supervisor na si sir Josh. "Everyone, we have urgent matter to discuss in meeting area. Walang male late!" Pumunta kami kaagad sa office ni sir Josh dahil matalim ang tingin niya nang mahuli niya kaming nagchi chismisan ni Elaine. Pero hindi pa ako masyadong nakapag suklay at lipstick kaya kailangan kong magpunta ng cr. "Sige na Elaine, mauna ka na at susunod ako sa meeting," sambit ko sa kanya. "Ha? Okay sige, bilisan mo lang kasi baka mayari ka kay Sir pag na late ka." Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yun pero ayaw ko naman magmukhang losyang sa meeting lalo na't may bago kaming boss. Nag ayos ako ng mukha sa cr at todo rin ang pagme make up ko. Nang makarating ako sa office ni Sir, nagtinginan lahat ng mga tao. Ako na lang pala ang hinihintay nila sa loob. Pero dedma na lang ako at naupo ako sa tabi ni Elaine. Pag upong pag upo ko, muling sumagi sa isipan ko ang mukha ng lalaking naka one night stand ko. I was pulled away from my thoughts nang magsimulang magbukas ang pintuan ng meeting area. Isang matangkad na lalaking nakasuot ng tuxedong itim ang bumungad sa amin, ang lakas ng dating niya! Nang tanggalin niya ang kanyang shades, halos mapanganga na lamang ako sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD