ARIANA POV "Sorry ma, naka silent po ang cellphone ko kanina kasi nasa event tayo," pagdadahilan ko sa kanya. "Siya nga pala? Bakit mas nauna pa kayong makauwi kaysa sa akin? Anong nangyari kanina pagkauwi ko?" sunod sunod ko pang tanong sa kanya. "Nang umalis ka, naghingi ako kaagad ng sorry sa Uncle Gerald mo at ipinagmaneho pa niya ako kanina," sagot ni Mama. Lumabas bigla si Mika, ang ampon ni Mama na tinuturing ko nang isang tunay na kapatid. "Ate? Bakit nabasa ka?" nag aalalang tanong niya. Lumingon si Mama kay Mika, "Hay nako! Ewan ko ba jan sa ate mo, sinira lang naman niya ang birthday ng Uncle Gerald mo kanina na sinagot niya ng pabalang at umuwi kahit ng commute. Nagkaroon ng gulo pero mabuti na lang at pinag pasensyahan siya ng Uncle niya. Maging ako tuloy, nahihiya na