ARIANA POV "Ayaw kong manghingi ng sorry sa taong naging dahilan ng pagkawala ni papa," sigaw ko, namumugto na ang mga mata ko sa galit pero pinipilit kong laban ang mga luha ko. "Kasalanan mo rin ito Ellen, kung di mo sana tinolerate ang anak mo na sumagot ng pabalang, hindi sana mangyayari ang bagay na ito." Hindi ko talaga gustong makita si Uncle Gerald lalo na'tmaalala ko ang mga ginawa nitong kasamaan. Napatulala lamang ang nanay ko sa sinabi sa kanya ni Uncle. "Ma, bakit ka ba natatakot sa kanya? Hindi na niya tayo alipin, kaya ko nang magtrabaho para sa ating dalawa," sambit wika ko. "Dahil marunong tumanaw ng utang na loob ang nanay mo Ariana. She is nothing like you," ang pagsingit ni Uncle Gerald. Nang tingnan ko ang mga matatalim na mga mata ng kamag anak ko, alam ko na m