ARIANA POV "Ganu'n? Sayang naman kasi mukhang galante ang boss mo ate, alam mo bang ang mahal ng chocolate na binili niya para sayo?" nanghihinayang na sabi ni Mika. Hininaan ko ang boses ko, "Isaksak niya sa baga niya 'yang dala niyang chocolate! Sige na, magbibihis na ako, i forward mo sa akin ang number ng lalaking 'yan at sabihin mo na sisiputin ko siya." Para bang against si Mika sa desisyon ko, "Teka paano ang boss mo? Anong sasabihin ko sa kanya?" tanong niya na parang nai stress siyang bigla. I smirked, "Wag kang mag alala, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya," sambit ko sabay sarado ng pintuan. Dinampot ko kaagad ang cellphone ko sa table at tinext ko ang mokong na boss ko. "Sir ano pong ginagawa ninyo rito?" tanong ko, ayaw ko siyang kausapin ng personal at gusto