"Mahal... " malambing na pagtawag sa akin ng isang malamyos na boses.
Sa aking paglingon ay nakita ko ang isang pamilyar na maamong mukha.
Hindi ako maaaring magkamali.
Siya ang babae na nakatagpo ko noon limang taon na ang nakakaraan.
Ang babaeng matagal ko ng hinahanap.
"I-Ikaw... " hindi ko makapaniwalang sambit habang nanginginig ang aking kamay palapit sa kanyang mukha, "S-Sa wakas ay natagpuan na rin kita... A-Alam mo ba na sa loob ng limang taon ay hinanap kita? Ngayon napakasaya ko dahil nandito ka na..."
Ngunit bago lumapat ang kamay ko sa kanyang pisngi at unti unti siya naglalaho sa aking harapan.
"T-Teka!” desperado kong hiyaw at pilit siyang inaabot pero anuman ang gawin ko ay hindi ko siya magawang hawakan, "Huwag ka muna umalis! Marami ako gustong sabihin at malaman mula sa iyo! Please bigyan mo muna ako ng pagkakataon na makausap ka!”
Buong lambing na nginitian niya naman ako. "Huwag ka mag-alala. Magkikita tayong muli..." makahulugan niyang sambit.
"Teka! Sandali!" nagpa-panic na pagtawag ko muli sa kanya, "Kahit sandali lang! Please kausapin mo muna ako! Huwag ka munang umalis! ”
Hanggang sa tuluyan na nga siya nawala sa aking harapan na para bang isang bula. Dahil doon ay nanlulumo ako napaupo sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kawalan. Umaasa ako sa sandali na ito na babalik siya.
"Please come back..." nagsusumamo kong bulong sa pag-asa na maririnig pa niya ako, " I-I can't t-take this a-anymore... B-Bakit ba napakahirap na makita ka?"
.
.
.
.
*tok tok tok!*
*tok tok tok!*
"Jax? Are you here?"
Sa malakas na pagkalampag na iyon ay agarang napabalikwas ako ng bangon mula sa aking mahimbing na pagkakatulog.
Napakunot pa ako ng noo at nagtataka na inilibot ang tingin sa aking paligid. Hindi kasi normal sa akin ang makatulog ng sobrang himbing. Simula nang pumasok ako sa mundo ng mga secret agent ay binihasa kami na maging maalerto sa aming paligid sa lahat ng oras. Tulog man kami o gising. Iyon ay dahil walang kasiguraduhan kung kailan magkakaroon ng anumang banta sa aming buhay. Dahil ang mundong ginagalawan namin ay hindi basta basta. Marami kami binabangga na malalaking tao para lang makamit ang kapayapaan sa loob ng bansa.
"s**t Jaxson... Kung nandito lang si Boss Libra ay marahil pinarusahan ka na niya dahil isang malaking pagkakamali ito bilang isang agent... " nakangiwi kong pagsermon sa aking sarili, "Kinalawang ka na yata dahil sa limang taon na hindi mo pagtanggap ng malalaking misyon."
Binuka sara ko pa ang mga kamay ko para alamin kung maayos pa ba ang mga reflexes ko. Senyales lang kasi ito na kailangan ko muli sumailalim sa matinding pagsasanay. Para na rin mapanatili ko ang aking kahusayan sa pakikipaglaban.
Ngunit biglang natigilan ako sa aking ginagawa nang namutawi sa aking isipan ang nilaman ng aking panaginip.
Doon ko napagtanto na isang panaginip lang ito. Hindi ko tuloy maiwasan na manlumo sa aking kinakaharap na realidad. Dahil ibig sabihin lang nito na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawang hanapin ang misteryosang babae.
"f**k, f**k, fuck..." asar na asar na bulong ko sa hangin, "Kailan ko ba talaga siya mahahanap? Dapat ko na nga ba siya kalimutan katulad ng payo nila? Na sinasayang ko lang ang oras ko sa paghahanap sa kanya? "
Aware naman ako na tila isang baliw na ako ituring ng aking mga kasamahan dahil sa labis napagkahibang ko na hanapin siya. Baka nga naman isa na akong baliw dahil kahit sa aking panaginip ay nakikita ko na rin siya. At sa nilalaman nito ay lalong binibigyan pa ako nito ng pag-asa na magkikita kaming dalawa. Na siyang malabong malabo na mangyari sa aking realidad.
Dahil dito ay yamot na napasabunot ako sa aking buhok at halos iuntog ko ang aking sariling ulo sa pader.
Gusto ko matauhan sa sandali na ito.
Gusto ko na talaga tumigil sa paghahanap sa kanya.
Ngunit tuwing gagawin ko iyon ay binibigyan naman ako ng dahilan para magpatuloy.
"Fuck... Kung totoo man na naka-tadhana kami sa isa't isa ay dapat nahanap ko na siya noon pa lang, " pagbulong ko muli sa hangin, "Ngunit ngayon ay wala pa rin akong ideya kung saan ako magsisimula para hanapin siya. Tapos ngayong nakakalimutan ko na siya at saka naman siya magpapakita sa aking panaginip. Ano na ba talaga ang gagawin ko? Napapagod na rin naman ako. "
*tok tok tok!*
"Jax, why are you not answering? In count of three, I'll open this door!”
Agarang natigilan ako bago maalertong napatingin sa kinaroroonan ng pintuan. Saka ko lang naalala na nandoon nga pala si Mael at siyang gumising sa akin kanina.
Halos sumubsob pa nga ako sa pagmamadali para lang makarating agad sa may pintuan at mabuksan ito. Sa takot ko lang kay Mael.
"Sup bro!" hingal na hingal bungad ko sa kaibigan ko at matamis na nginitian siya, "Himala at nandito ka pa sa bahay mo. Akala ko ay maaga kang umalis dahil may meeting ka."
Seryosong tinignan naman ako ni Mael. Doon pa lang ay alam ko na may kung ano na naman na nangyari na siyang kailangan niya ng aking tulong. Kaya naging seryoso na rin ako bago niluwagan ang pagkabukas ng pinto para papasukin siya sa loob at sinigurado rin na walang makakaalam na nandito siya.
"Is it about my mission?” tanong ko sa kanya.
Ngunit kaysa sagutin ang tanong ko ay may inilapag siya na kung anong envelop sa ibabaw ng lamesita. Kapansin pansin na maingat na nakabalot ito sa isang puting panyo. Doon ay may ideya na ako kung ano ito. Kaya sandali na nagpalitan muna kami ng tingin sa isa't isa.
"May I see it?” paghingi ko pa ng kanyang permiso na buklatin iyon.
Tumango naman si Mael kaya agarang na isinuot ko ang aking black gloves na siyang ginagamit ko sa mga ganitong misyon. Tapos ay buong ingat na binuklat ko ito para alamin kung ano ang nilalaman ng envelop. Sa ganoong paraan rin ay hindi ko masisira ang unang ebidensya na hawak namin.
At katulad ng aking inaasahan ay isa na naman itong dead threat para kay Cathy at sa kanyang triplets. Kung saan ang mga stolen pictures nila at may butas na gawa ng mga bala at binahiran pa ng dugo ng baboy.
Para makasiguro ay tinignan ko ang hawak sulok ng larawan sa pag-asa na makakahanap ako ng pwede magamit para maituro nito ang nagpadala kay Mael. Ngunit kahit isang fingerprint ay wala ako mahanap na tila ba alam na alam ng taong iyon ang kanyang gagawin.
"Kailan at saan mo ito nakuha, Mael?" seryoso kong tanong sa aking kaibigan, "Base sa dugo na inilagay rito ay ilang oras na rin ang nakakalipas."
Hindi agad nakasagot si Mael na akala mo iniisip niya rin ang buong sitwasyon nang mahanap niya ang envelop.
"Basta natagpuan ko na lang iyan kanina sa ibabaw ng mesa sa loob ng opisina ko rito sa bahay," seryosong pagbibigay alam ni Mael, "Nakakapagtaka pa na walang record iyon sa CCTV na nakakabit sa loob ng aking opisina. Mukhang kaya niyang i-hack ang system ng aking CCTV para burahin ang kanyang bakas."
Napakunot ako ng noo dahil sa loob pa mismo ng bahay niya nakuha ang dead threat. Tapos magaling ito kumilos na akala mo sanay na sanay siya sa ganitong mga bagay.
"S-Sa bahay mo mismo?” hindi ko makapaniwalang sambit at malalim na napaisip, "At sa loob pa ng opisina mo?”
Dahan dahan na itinango ni Mael ang kanyang ulo. Gayun pa man ay makikita sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala para sa kaligtasan ng kanyang mag-iina.
Malalim na pinag-isipan ko ang mga posibleng paraan para mailagay ito sa loob ng opisina ni Mael. Ngunit sa halos maghapon ay kami lamang ni Leah at ng triplets ang naiwan sa loob ng bahay nila. Wala rin naman ako naramdaman na presensiya ng ibang tao na pumasok sa bahay nina Mael.
Hindi kaya...
Humugot ng malalim na hininga si Mael at malakas na pinakawalan ito.
"Jaxson, this is a very serious matter for me... Buhay nina Cathy at mga bata ang nakakasalalay. At paano ako makakapante ngayon na nagagawa ng tao na ito na makapasok sa bahay ko na hindi napapansin," seryosong hayag niya.
Hindi ko naman alam ang sasabihin kay Mael sa mga oras na ito. Kahit ako ang mapunta sa sitwasyon niya ay hindi ako mapapanatag.
"By the way, wala ka ba napansin kahapon na kakaiba, Jax? Kaya ako sa iyo unang lumapit dahil umaasa ako na may lead ka na dahil naiiwan ka rito kasama ang mga bata."
Napangiwi ako bago dahan dahan na iniling ang aking ulo. "S-Sorry bro, sa katunayan kasi niyan sandali na bumalik ako sa Headquarters kahapon..." kinakabahan kong paliwanag sa kanya, "M-Marahil ng mga panahon na iyon ay nakapasok ang taong iyon sa opisina mo."
Matalim na tingin ang ibinigay sa akin ni Mael at mariin na ikinuyom niya ang kanyang mga palad. Hindi ko naman maiwasan na manginig sa takot sa sandali na ito. Sa ilang taon namin pagkakaibigan ay si Mael ang pinaka-hindi ko magugustuhan na magalit.
"Jax... " mabagal niyang tawag sa akin na ikinakilabot ng buong katawan ko, "Nakalimutan mo ba kung ano ang misyon mo rito kaya nandito ka ngayon sa bahay ko? Kaya bakit ka umalis ng walang paalam at iniwan ang mga anak ko?”
Napalunok ako ng ilang ulit at pinagpawisan ng malamig dahil kahit ako ay alam ko na mali ang ginawa kong iyon. Masyado ako nadala ng pagkaasar ko sa babysitter nila at hindi ko namalayan na nakagawa ako ng maling hakbang. Maling mali na iniwan ko ang triplets na walang seguridad sa kaligtasan nila.
Pasalamat na lang ako na ganito lang ang nangyari. Kung sakali na may nangyari sa kanila habang wala ako ay baka kung ano ang gawin sa akin ni Mael.
"B-Bro... " hindi ko malamang sasabihin sa kanya.
Humugot ng malalim na hininga si Mael at malakas na pinakawalan ito. "Mali yata na sa iyo ako lumapit ako para sa bagay na ito," patuloy na litanya ni Mael na siyang ikinataranta ko.
Ayoko pa naman sa lahat ay ang kinukwestyon ang aking abilidad sa propesyon ko. Ayoko na dahil dito ay masira rin kanyang tiwala sa akin at aming pagka-kaibigan.
"Teka Mael! Inaamin ko mali ako pero promise hindi na mauulit!” natatarantang sambit ko, "Give me another chance!”
Sinimangutan lamang ako ni Mael habang naghalukipkip siya ng braso. " Tch. Sabihin mo lang Jaxson kung hindi mo kaya ang misyon na ibinigay ko sa iyo... I can contact the PIA anytime. Maybe they are willing to cooperate with me. "
Lalo ako natigilan sa pananakot na iyon ni Mael. Sa lahat lahat ng balak niyang ipalit sa akin ay ang mortal na kalaban pa ng aming ahensiya. Kapag nangyari iyon ay ano na lang ang ihaharap ko kay Boss Libra.
"Calm down, Mael. Promise hindi na mauulit. Just don't call them. I'll solve this case by myself," paniniguro ko sa kanya.
Nagtagisan kami ng tingin sa isa't isa. "Fine. I hope that you will do your mission this time," pagsuko ni Mael, "Just don't break my trust, Jaxson."
"I promise, Mael. Magiging ligtas ang mag-iina mo sa pangangalaga ko. Tutugisin ko ang sinuman na nagbabanta sa buhay nila. Kahit sino pa siya."