"Wheww... "
Malakas na napabuga ako ng aking hininga nang matanaw ko si Sir Jaxson na nagmamadali na umalis.
Aaminin ko na talagang nate-tempt ko na lasunin si Sir Jaxson habang pinagluluto ko siya noon ng pagkain. Ngunit kinontrol ko ang aking sarili para hindi makagawa ng ganoong desisyon.
Malaki ang pasasalamat ko na lang na hindi pa niya ako nakikilala at natutuklasan ang lihim ko na pagkatao. Kundi ay mabibigo na naman ako sa aking panibagong misyon.
Sino ba naman ang mag-aakala na makakatagpo kong muli si Agent Fang sa misyon ko na ito?
Kung may pagpipilian lang ako ay hindi ko gugustuhin na magkaharap kaming muli. Ngunit sa pagkakataon na ito ay nandito na ako at hindi na ako pwede na umurong pa. Kailangan ko na lang matapos sa madaling panahon ang misyon ko para makaalis ako nang hindi nila napapansin.
*riinggg... *
Nagitla ako sa gulat nang marinig ang pagtunog ng aking tinatagong phone. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay agad na napasimangot ako.
"What?” agarang singhal ko sa kanya, "I told you na huwag mo ako tatawagan sa gitna ng aking misyon."
(Relax, relax, Agent Chameleon) pagpapakalma naman sa akin ni Agent Gecko mula sa kabilang linya, (Gusto ka lang naman namin kamustahin sa panibago mong misyon after five years na pagiging hiatus.)
Napairap na lang ako sa mapang-asar pangangamusta niyang iyon. "Tch. Wala sa detalye ng misyon ko na makakatagpo ko rito si Agent Fang," asar kong sambit, "Sinadya mo ba ito, Agent Gecko?”
(Huh? Agent Fang?) nalilitong pag-ulit ni Agent Gecko, (Wait, wait, wait... What do you mean? Nandiyan si Agent Fang? Seryoso ka ba riyan?)
"Yes, nandito nga siya, " inis na pagkumpirma ko, "At alam ko na nagsususpetsa siya sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago sa kanya ito. "
(Pero ang bali-balita ay hindi tumatanggap ngayon ng kahit anong misyon si Agent Fang), paliwanag naman sa akin ni Agent Gecko, (Kaya paanong nandiyan siya ngayon?!)
"Tss. Nakalimutan niyo yata ilagay sa detalye ng aking mission na malapit na kaibigan ni Agent Fang si Ismael Alcazar..." panunumbat ko sa kanila.
Kung alam ko nang una pa lang ay hindi ko agad tinanggap ang mission na ito.
(s**t! Patay tayo diyan... Sa lahat lahat ng makakabangga natin na agent ay si Agent Fang pa), kinakabahang sambit ni Agent Gecko.
"So what should I do?” tanong ko sa kanila, "Retreat na ba ako sa aking mission?”
(No, no, no, not yet, Agent Chameleon), pagpigil sa akin ni Agent Gecko, (Huwag ka muna umalis diyan hanggang wala pang binibigay na utos si Boss Ophiuchus. Kaya diyan ka lang muna.)
”What?!” napalakas na hiyaw ko, "Talagang balak niyo ko ipain kay Agent Fang? Seryoso ka diyan?!”
(Sorry, Agent Chameleon but we are truly confident in your ability. Out of all the PIA agents, you are the only one we know who can fight him), seryosong sambit ni Agent Gecko.
"No!” nataranta kong sambit, "s**t, s**t! Put me out of the mission!”
*tut tut tut*
Tanging pagputol na lang ng tawag ang sumagot sa aking hinihiling na iyon.
Galit na galit na naibato ko tuloy sa pader ang hawak kong phone. Hindi ko akalain na mas nanaisin ng PIA na pagharapin muli kami ni Agent Fang.
Napahawak ako sa aking ulo at inalala ang limang taon na nakakaraan. Ang panahon kung saan nakilala ako bilang rookie agent na siyang nakatapos ng limang malalaking misyon. Iyon ang panahon na umangkada ang aking pangalan sa mundong aking pinili. Wala sinuman ang hindi nakikilala sa alyas na Agent Chameleon na siyang rookie agent ng PIA. Kompiyansa ako sa aking kakayahan at galing bilang isang secret agent.
Ngunit ang kompiyansa ko na iyon ay bigla na lang naglaho nang makatapat ko si Agent Fang sa isang malaking misyon. Mariin na napakuyom ako ng aking mga kamay at muling umusbong ang matinding galit kay Agent Fang. Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Ang gabi na siya naging unang beses na nabigo sa aking misyon.
"Damn it!” asar kong hiyaw, "Ngayon na naisipan kong bumalik sa PIA ay saka naman muli kami pinagtagpo."
Ngunit kumpara sa limang taon na nakakaraan ay sisiguraduhin ko na ako ang magwawagi sa misyon namin na dalawa. Hindi ko hahayaan na magkamali muli ako sa gitna ng aking misyon.
"Ipaparamdam ko sa iyo, Agent Fang ang pakiramdam ng pagkatalo. Ang pakiramdam ng mapahiya sa harapan ng mga kapwa agent."
***
Agaran ako napaayos ng upo nang maramdaman ang pagdaan ng malamig na hangin sa aking batok. Iyong pakiramdam na tila may taong may gustong saksakin ka ng patalikod.
"Oh anong nangyari sa iyo?” pagpuna naman sa akin ni Agent Virgo
Iniling ko na lamang ang ulo ko para isawalang bahala ang pakiramdam ko na iyon. Kampante naman kasi ako na kaya kong depensahan ang sarili ko kung sakali na may taong may gusto ako na saktan.
"It's nothing..."
Tinitigan lang ako ng ilang segundo ni Agent Virgo bago siya nagkibit ng kanyang balikat.
"So here is the investigation you are requesting... " seryosong sambit ni Agent Virgo at inilapag na nga sa harapan ko ang isang brown envelop.
Dali dali ko naman na binuklat ito at binasa ang anumang nilalaman. Ngunit napakunot ako ng noo sa kinalabasan ng imbestigasyon ni Agent Virgo sa babysitter na si Leah.
"Ito lamang ang nakuha mo tungkol sa kanya?” hindi ko makapaniwalang sambit
Napataas naman ng kanyang kilay si Agent Virgo. "What do you mean na iyan lang? That is 50 pages. It is much longer than our other reports. Kahit brand nga ng underwear at bra size niya ay isinama ko pa nga sa report ko," singhal naman ni Agent Virgo dahil sa pagkadismaya ko sa nakuha kong investigation, "Kaya ano ang problema?”
Napangiwi naman ako dahil doon at napakamot ng ulo. Mula kasi sa kanyang imbestigasyon ay isang ordinaryong babae lamang si Azaleah Isabedra. Ngunit mas napukaw ng pansin ko na may kambal nga itong anak na naka-admit ngayon sa isang pribadong ospital.
"So she is telling the truth... " hindi ko makapaniwalang sambit.
Inirapan naman ako ni Agent Virgo at naghalukipkip pa ng kanyang mga braso. "Mukhang mali ka ng hinala ngayon Agent Fang," pagpuna niya sa akin, "Dahil mula sa aking imbestigasyon ay isa lamang siyang ordinaryong tao na naghahanap ng malaking pera para may ipanggamot sa kanyang mga anak."
Alam ko na ang katotohanan sa bagay na iyon ngunit hindi pa rin ako kuntento sa aking nabasa. Para bang masyado naman malinis ang imbestigasyon sa kanya.
"Agent Fang, ano ba kasi ang gusto mo malaman mula sa kanya?” pagpansin sa akin ni Agent Virgo.
Napaisip ako. "Hindi ko rin alam," seryoso kong sagot, "Basta hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang pakiramdam ko mula sa kanya."
Napakunot ng noo si Agent Virgo. "It looks like kailangan mo muli bumalik sa matinding training," payo niya na lang, "Marahil ay masyado ka na napa-praning sa mga bagay bagay."
Itinango ko na lang ang ulo ko para sang-ayunan iyon. Ngunit gayun pa man ay hindi pa rin nabubura ang suspetya ko sa katauhan ni Leah.
I know there is something beyond her looks...
She is hiding something from us...