Pagkatapos na makausap ko sina Ynara at Declan ay agarang bumalik ako sa ospital na kinaroroonan nina Mael. Dahil sa kaibigan naman pala ni Ynara si Leah ay siya na raw ang bahala sa mga anak nito. Hindi na ako umangal pa dahil sa malakas ang pakiramdam ko hinaharangan niya na makita ko ang mga bata na siyang sobrang nakakapagtaka.
Aaminin ko nang dahil dito ay nagkaroon ako ng malaking kuryosidad sa mga anak ni Leah. Pero marahil ay hindi pa ito ang tamang pagkakataon para makilala ko sila. Tsaka ko na lang aalamin ang anumang nililihim nila tungkol sa mga anak ng babysitter sa oras na matapos ko na ang misyon ko kina Mael. Hindi ko kailangan muna ng kahit anong distraction lalo pa na ang buhay ng pamilya ni Mael ang nakasalalay sa misyon ko.
*rrrringggg riinggg*
Pagtingin ko sa aking tumutunog na phone ay agarang napakunot ako ng noo na malaman na tumatawag si Agent Virgo.
"What do you want?” pasinghal na pagbungad ko sa tawag niya.
(What a greeting, Agent Fang) marahil nakairap na sambit niya.
"Tss. Busy ako ngayon, Agent Virgo.”
(Narinig ko nga kay Agent Venom. Mukhang nagkaroon ng gulo riyan sa bago mong misyon. )
Napailing ako ng ulo dahil hindi na lang nito diretsuhin sa akin kung ano ang dahilan ng pagtawag niya.
"So, bakit ka napatawag?” direktang pagtatanong ko na lang sa kanya, "Hindi naman siguro para asarin ako di ba?”
(Hmmm... Let's say... I have a good news for you... Dahil fortunately may nakuhang lead na ako kung bakit hindi mo mahanap ang babaeng hinahanap mo.)
Sa aking narinig ay biglang napa-preno ang mga paa ko. Napatitig sa phone na hawak ko na akala mo makikita roon ang sagot sa ilang taon ko na paghahanap.
"W-What?” pag-ulit ko sa sinabi niya.
(You heard me... May lead na ako.)
Humugot ako ng malalim na hininga bago malakas na pinakawalan ito.
"Okay... I'm listening," hindi makapaghintay na sambit ko.
(Oh... Bigla ka yata nagka-interes sa sasabihin ko. Akala ko ba ay busy ka. )
Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha dahil sa patuloy na pang-aasar sa akin ni Agent Virgo.
"Agent Virgo..." hindi na natutuwang sambit ko.
(Hahaha! Chill Agent Fang...)
"Come on! Tell me already. "
Tumikhim mula sa kabilang linya si Agent Virgo. Senyales ito na seryoso na siya sa kung anuman ang sasabihin niya.
(This information is very confidential. Kahit si Boss Libra ay wala pang alam tungkol rito kaya I hope hindi ka agad susugod sa oras na ipaalam ko sa iyo.)
Napasimangot ako. "Fine," nangangako kong sambit.
(Well... Hindi ba nakakapagtaka na hindi natin nahanap ni anino ng babaeng iyon sa lumipas na limang taon?)
"That is very impossible. Especially we're agents. Kahit napakaliit na bagay ay kaya natin makuha ang impormasyon."
(That is because... Someone is protecting her...)
Napakunot naman ako ng noo. "Who?”
Kung kaya itago ng taong ito ang impormasyon ay nangangahulugan lang na may kakayahan ito na kontrolin ang mga impormasyon. At ang ganitong trabaho ay alam na alam ko.
(The identity of that person is still unknown but I am sure that he/she is an agent of PIA.)
Nanlaki ang mga mata ko. "What?! PIA?!"
(Yes, a PIA agent,) pagkumpirma ni Agent Virgo, (Hindi pa ako ganoong kasigurado pero may possibility na siya si Agent Chameleon.)
Bigla ko naaalala ang biglang pagtigil ni Agent Chameleon sa pagkuha ng mga misyon. Napaka-coincidence nito sa panahong hinahanap ko ang babae nang panahon na iyon.
Ibig sabihin kaya tumigil sa pagtanggap ng misyon si Agent Chameleon ay para protektahan ang babae mula sa akin.
"Fuck..." hindi ko maiwasang mapamura sa natuklasan, "Mayroon ka na ba kahit anong information tungkol sa pagkatao ni Agent Chameleon?”
(Agent Fang, alam mo ang sagot sa tanong na iyan.)
Muling napatapal ako ng kamay sa aking mukha. Sa lahat ng agent ay si Agent Chameleon ang pinakamailap. Napakahirap na makuha ang personal information niya. Ni hindi ko nga alam kung babae o lalaki ba siya. Para ako maghahanap sa isang dead end na daan.
”s**t! Paano ko naman hahanapin si Agent Chameleon?!” nanlulumo kong sambit.
(Well goodluck to you, Agent Fang,) iyon ang huling sinabi sa akin ni Agent Virgo bago niya pinatay ang tawag.
Nanlulumo na napasandal tuloy ako sa pader. Dahil kaysa mabawasan ang aking iniisip ay tila ba mas dumami pa ang pinoproblema ko sa oras na ito.
"Fuck... Bakit sa lahat lahat ay si Agent Chameleon pa ang dapat kong hanapin?"
Kailangan ko makaisip ng paraan para makatagpo ko muli si Agent Chameleon. Ngunit pagkaalam ko ay hindi na siya tumatanggap pa ng kahit anong misyon. Kaya imposible na makabangga ko siya sa isang misyon kung tumanggap man ako ngayon. Hindi naman ako pwede na basta lang sumugod sa headquarters ng PIA para hanapin siya roon. Magiging sanhi pa ito ng panibagong hidwaan sa pagitan ng dalawang ahensiya.
"But if am right..." napapaisip kong sambit, "Malapit si Agent Chameleon kay Agent Gecko. Kaya may possibility na alam ni Agent Gecko ang tunay na pagkatao ni Agent Chameleon."
Biglang napangisi ako ng makaisip ng isang plano. Kung hindi ko magagawang mahanap si Agent Chameleon ay siya na mismo ang palalapitin ko sa akin.
"Panahon na para magtagpo tayo muli, Agent Chameleon."
***
"Bakit ngayon ka lang?” asar na bungad sa akin ni Mael nang makapasok ako sa pinto ng kwartong kinaroroonan ni Leah.
"May kinausap lang ako bago nagtungo rito," pagdadahilan ko naman.
Pagtingin ko sa kinahihigaan ng babysitter ay gising na pala siya pero malalim na nakatingin lamang sa kawalan. Para bang may kung ano siya na iniisip sa sandali na ito.
"Kamusta ka, Leah?” concern na pagkuha ko naman ng atensyon niya.
Napapitlag naman siya at tila nagulat sa aking pagdating. " N-Nandiyan po pala kayo, Sir J-Jaxson..."
"Kakarating ko lang naman," sambit ko, "Ano? May masakit pa ba sa iyo? Gusto mo ba na tumawag kami ng doktor para matignan ka ulit?”
Mabilis na iniling niya ang ulo niya. "Huwag na po. Bukod sa sugat ko ay wala namang ibang masakit sa akin, Sir," balewalang sagot naman niya.
Tinignan ko naman ang kinaroroonan ng sugat niya. Kung nagkamali lang ng tama ang saksak niya ay marahil nasa peligro ang buhay niya ngayon. Maswerte siya at walang nadaling organ sa katawan niya.
"Good," nakahingang sambit ko naman.
Sandali na napatitig pa ako sa babysitter bago naisipan na maupo sa isang upuan sa tabi ng kwartong kinaroroonan niya. Si Mael naman ay sandali nagpaalam muna para kausapin ang doktor kasama si Cathy. Gusto nila masigurado na magiging maayos ang recovery ng kanilang babysitter hanggang makalabas ito ng ospital.
"Galing nga pala ako sa bahay niyo," biglang pagbibigay alam ko kay Leah para basagin ang katahimikan sa aming pagitan
Dahil doon ay agaran siyang napaangat ng tingin at namumutlang napalingon sa aking gawi.
"H-Ho? P-Pumunta po kayo sa bahay ko?” natarantang sambit niyaniya at muntikan pa bumangon sa kanyang kinahihigaan.
Dali dali naman ako tumayo para pigilan siya sa kanyang binabalak at muli siyang pinirmi sa higaan.
"Is there a problem with that?" patay malisya kong tanong.
Lalong namutla si Leah para bang takot na takot siya na may matuklasan ako. Katulad na katulad ito ng reaksyon na mayroon si Ynara.
"Siyempre nasa ospital ka ngayon kaya kailangan lang malaman ng pamilya mo ang nangyari sa iyo," seryosong pagdadahilan ko, "Kaya naisipan ko na bisitahin sila sa ospital kung saan sila naka-admit."
Nanginig ang mga kamay ni Leah pero agad niya itago ito mula sa aking tingin. Dahil sa kanyang patuloy na reaksyon ay napatunayan ko na may inililihim siya o sila sa sakin. At malaking posibilidad na may kinalaman ito sa kanyang mga anak.
"S-Sir... " nanginginig na sambit pa ni Leah.
Binuka sara niya ang kanyang bibig at tila hinahanap ang kanyang boses.
"But before that happen... I met Ynara," pagpapatuloy ko na lang, "Kaya don't worry hindi PA kami nagkikita ng mga anak mo," nakangisi kong sambit, "Hindi PA sa NGAYON. Pero alam ko na darating ang araw na magtatagpo at magtatagpo KAMI."
"And if I were you, mas maganda na aminin mo na ang anumang tinatago niyo bago pa ako mismo ang makatuklas nito, " nagbabanta ko pang dagdag, "The earlier, the lesser the sin."
Sa sinabi ko na iyon ay lalong namutla ang mukha niya ngunit kasabay nito ang nakakamatay na tingin na tila ba gusto niya ako patayin sa oras na ito.