Mission 13

1545 Words
"Wow ang cute cute naman nila." "Mga modelo kaya sila." "Look at them! They are so cute!” Iyan ang ilang humahangang komento ng mga taong nakakasalubong namin magmula kanina. Sa ilang araw na hindi paglabas sa loob ng bahay ng triplets ay naging moody ang mga ito at nagsimula na magtantrums kanina. Dahil doon ay napilitan tuloy si Mael na ipasyal ang mga bata sa pinakamalapit na parke sa kanilang bahay. At katulad ng aking inaasahan ay naging sentro ng atensyon ang mga cute na bata. Gayun pa man ay kailangan ko maging maalerto sa aming paligid. Lalo pa masyadong open ang area ng parke kaya walang kasiguraduhan kung makakalapit ang taong nagbabanta sa buhay ng pamilya ni Mael. "Jax," makahulugan na pagtawag pa sa akin ni Mael. "I know," nauunawaang sambit ko naman. Doon ay inayos ko ang pagkakasuot ko ng aking spying eyeglass. Isa ito sa mga device naming mga secret agent para makuha ang mga personal data ng mga tao sa aming paligid. Dito ay malalaman ko kung may existing criminal record or may koneksyon ang isang tao kina Mael. Masakit man ito sa mata pero mas importante sa oras na ito ang kaligtasan ng mag-iina. "Ang cute nila. Ilang buwan na sila?” " Triplets po ba sila?” "Pwede po ba namin sila picturan?” Hindi na nakakapagtaka na may ilan sa mga tao ang lumalapit sa triplets sa nais na makuhanan sila ng litrato. Ngunit dahil sa nandito si Mael ay hindi natupad ang kagustuhan nilang iyon. Mahirap na at baka kung saan nila i-upload ang mga larawan ng kanilang mga anak. "Anyone suspicious?” pabulong na tanong pa sa akin ni Mael nang bigong mag-alisan ang ilang tao na pumaligid sa triplets. Napailing naman ako ng ulo. Ang mga taong nasa parke kasi sa oras na ito ay puro mga normal na namamasyal lang din. Sa ngayon ay wala akong makitang kakaiba na pagkilos sa aming paligid. Muling inilibot ko ang tingin. Hindi naman ganoon karami ang tao ngayon sa parke. May ilan na kabataan na dito tumatambay. May ilang nagtitinda ng mga pagkain, laruan at lobo para sa bata. "Kyaah!” tuwang tuwa na pagtawa naman ni Zahara habang tinutulak ni Cathy ang stroller niya. "Guh!” nasisiyahang bulalas naman ni Zachary. "Bwaaaah!” natutuwang hiyaw naman ni Zararri "Mukhang nagustuhan nila ang pamamasyal natin ngayon ah," pagpansin ni Cathy mula sa nakangiti niyang mga anak, "Bakit hindi natin ulitin ito sa susunod na linggo?” Kita ko ang kagustuhan ni Mael na tutulan ang suggestion na iyon ng kanyang asawa. Iyon nga lang ay inililihim niya kay Cathy ang tungkol sa mga death threat na natatanggap niya. Ayaw niya na maalarma ito at matakot para sa kaligtasan ng kanilang mga anak. Kaya hindi rin masabi ni Mael ay dahil mas ikinatatakot siya na baka i-sakripisyo ni Cathy ang sarili para sa kanilang anak. "O-Okay... Let's do it again in case we don't have much to do in the office next week," pagpayag kunwari ni Mael pero alam ko na dinadahilan niya lang iyon para hindi magsuspetsa ang kanyang asawa. Lalong lumawak naman ang ngiti sa labi ni Cathy na siyang ikinahinga namin ng maluwag ni Mael. "You promise, Mael," pagkumpirma pa ni Cathy. "Yeah. Anything for you and to our children," madamdaming pang sagot ni Mael. Napabuntong hininga na lang ako. Sa aking isip ay sinimulan ko na planuhin ang susunod na lakad ng mag-anak. Ayoko na lumabas sila sa susunod na hindi ako gaano kahanda katulad na lang ngayon. "Mukhang okay na ang mga bata... Gusto niyo ba bumalik na?” suggest ko. Kita naman ang pagtataka sa mukha ni Cathy sa pagyaya ko na bumalik. Kaya pinandilatan tuloy ako ng mata ni Mael. "Nag-e-enjoy pa ang mga bata kaya maya maya na kami babalik," sambit ni Cathy at nagpatuloy sa pagtulak ng stroller ni Zahara. Napangiwi naman ako dahil habang palayo kami ng palayo ay mas napupunta sila sa panganib. "Pero kung naiinip ka na, Jax... Pwede ka naman mauna na bumalik sa amin," dagdag pa ni Cathy na agaran kong ikinailing. "Eh! Hindi Cathy! Nag-aalala lang ako na baka napapagod na kayo ng mga bata!” pagdadahilan ko. "Ano ka ba, Jax? Hindi ako mapapagod sa ganitong bagay lang," tumatawang turan ni Cathy. Muntikan na ako mapa-facepalm dahil sa kabiguan na mapabalik agad ang mag-iina. Kita ko rin ang pagiging seryoso ni Mael habang patuloy ang aming paglayo. "Jax," makahulugan niyang muli na tawag sa akin. "At least I tried... " pabulong kong sagot, "Ikaw na kasi ang kumausap kay Cathy." Hindi naman umimik si Mael. Malamang dahil under at takot ito kay Cathy. Tsaka baka lalong magsuspetsa si Cathy kung pati si Mael at uudyukan sila na bumalik na. Sabay na nagpakawala na lang kami ng buntong hininga. Lumipas ang kalahating oras... Medyo kumalma na kami ni Mael dahil sa naging matiwasay naman ang kanilang pamamasyal sa parke. Bilang aming pamamahinga ay naupo muna kami sa isang bakanteng bench sa parke. "Bibili lang po ako ng ating maiinom," pagboluntaryo ni Leah. Doon ko lang din naalala na kasama namin ang babysitter sa pamamasyal. Nakakapagtaka dahil sa hindi ko man lang napansin ang kanyang presensiya mula kanina. "Thank you, Leah," tiwalang sambit naman ni Cathy habang inaayos ang stroller ng mga bata para hindi sila maarawan. At umalis na nga si Leah para bumili ng mga bottled water. "Ano sa tingin mo, Jax?” pabulong na tanong sa akin ni Mael. "Nothing suspicious," sagot ko, "Pero hindi dapat tayo makampante." Pagkatapos ay tinanaw ko sa malayo ang babysitter na bumibili sa isang tindahan. Hindi ko maiwasan na matitigan siya dahil nakakapagtaka na nakalimutan ko ang kanyang presensiya. Kahit ako na bihasang agent ay hindi ko nagagawa ang ganoon. Ngunit sa aming mundo kinagagalawan ay isa lang ang kilala kong may kakayahan na gawin iyon. Walang iba ay kundi ang rookie agent na si Agent Chameleon. Ngunit pagkatapos ng misyon na aming pinaglabanan limang taon na nakakaraan ay alam ko na tumigil sa pagtanggap ng misyon ang baguhang agent. Hindi kaya... "Tulong! Tulong!” "Tulungan niyo ko! Magnanakaw!” Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na hiyaw ng isang matandang babae. Nakaturo ang isa niyang daliri sa isang lalaki na tumatakbo patungo sa aming direksyon dala dala ang isang sling bag. Doon pa lang ay alam ko na hindi na pagmamay-ari ng lalaki ang bag na iyon kundi sa matanda. Dahil sa pangyayari ay agarang tumakbo ako para salubungin ang magnanakaw. Ngunit maliksi na umiwas sa akin ito na tila ba sanay na sanay siya sa mga ganitong sitwasyon. Gayun pa man, malaking pagkakamali niya dahil ako lang naman si Agent Fang. Kaya walang kahirap hirap na hinabol ko ang magnanakaw. Nang aking maabutan ay agarang hinila ko siya sa kanyang collar at buong pwersa na idinapa sa lupa. "Accck!” Doon ay mabilisang inipit ko sa kanyang likuran ang kanyang mga kamay bago dinaganan. " Don't move!” singhal ko sa kanya dahil sinusubukan niya kumawala mula sa aking hawak. "Accck!” nasaktang hiyaw naman niya dahil mas hinigpitan ko ang pag-ipit sa kanyang mga kamay. Pinalibutan kami ng mga nakikiusyoso na mga tao habang ang ilang gwardiya ng parke ay nakita ko na patakbo patungo sa direksyon namin. "Maraming salamat po sir," pagpapasalamat ng mga gwardiya habang kinukuha nila ang magnanakaw mula sa aking hawak. Nang masigurado kong secure na ay doon ko nilapitan ang matandang babae at inabot pabalik sa kanya ang ninakaw na sling bag. "Maraming salamat sa iyo, hijo," naiiyak na pagpapasalamat ng matanda, "Hindi ko alam ang gagawin kung manakaw ang bag kong ito. Nandito pa naman ang perang gagamitin ko sa pagbili ng gamot ng aking asawa. Sana pagpalain ka lalo ng Maykapal." "Walang anuman po." Humupa ang pagkakagulo ng mga tao nang maisakay na sa mobile ng pulis ang magnanakaw. Isinama na rin nila ang matandang babae para magbigay ng kanyang statement at reklamo laban sa lalaki. Nang maiwan na mag-isa ay bigla ako nagpakawala ng malalim na hininga. Doon ko lang din naalala na kasama ko sina Mael. "s**t!” Doon ay agarang napalingon ako sa kinaroroonan ng mag-anak. Nakita ko si Mael na matalim ang tingin sa akin dahil lumayo ako sa kanila at iniwang walang proteksyon ang kanyang mag-iina. Pilit na ngiti at kumaway naman ako sa kanila habang nagsimula maglakad pabalik. "Sorry, sorry." Ngunit ang mabagal na paglalakad ko na iyon ay biglang naging takbo. "Cathy!” malakas kong hiyaw at buong bilis na tumakbo. Tila naging slow motion ang lahat. Habang unti unti nakikita ko ang isang lalaki na naka-hood sa likuran ni Cathy at may dala itong patalim. Kita ko ang matinding takot sa mukha ni Mael habang sinusubukan din iligtas ang kanyang asawa. "CAAAATHYYYY!!!!” *stab* Unti unti na nga dumanak ang mapulang dugo sa sahig. Habang si Cathy ay napadapa sa sahig at kitang kita ang matinding pamumutla ng kanyang mukha. . . . . . . . . . . "N-N-No... L-Leah!” Umalingawngaw ang malakas na hiyaw ni Cathy nang mapagtanto ang nangyari. Natigilan ako sa nasaksihan. Kitang kita ko ang mabilis na ginawang pagkilos ng babysitter. Dahil sa bilis ng pangyayari malakas niyang itinulak si Cathy at siya ang tumanggap ng saksak. "Leah!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD