Mission 12

1516 Words
Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Agent Virgo ay agarang bumalik na ako sa bahay nina Mael. Kasalukuyang hating-gabi na rin ako nakarating dahil na rin sa ganitong oras lang ako maaaring makapuslit para dumaan ng Headquarters. Alam ko na mahigpit na binilinan na ako ni Mael na huwag basta aalis na walang seguridad ang triplets kaya kinontak ko muna si Agent Venom na siyang pansamantala na nagbantay sa paligid ng bahay nina Mael. Para hindi makaistorbo kina Mael na natutulog ngayon ay naisipan ko sa likod na dumaan. Palihim na inilibot ko pa ang aking tingin sa paligid para masiguro ko na walang nakakakita sa akin bago walang kaingay ingay na inakyat ang bintana kung nasaan ang aking kwarto. Pagpasok ko roon ay hindi na ako nagulat nang makita si Agent Venom na siyang nagtatago sa madilim na parte ng aking kwarto. "You're finally back, Agent Fang," pagsaludo pa sa akin ni Agent Venom. Tipid na tinanguan ko naman siya. "Mayroon bang kakaibang nangyari habang wala ako kanina?” seryosong tanong ko sa kanya. Napaisip naman si Agent Venom. "Nakarinig lang ako ng kalabog kanina sa itaas na kwarto," pagbibigay alam niya, "Bukod doon ay wala ng kakaibang nangyari habang wala ka." Napaisip naman ako kung kaninong kwarto ang nasa itaas ng aking kwarto. Hanggang sa napakunot ako ng noo nang maaalala na iyon ang kwarto ni Leah. "Sa kwarto ng babysitter?” pagkumpirma ko pa. Tumango naman si Agent Venom para kumpirmahin iyon. "Don't worry.Hindi naman suspicious ang tunog dahil tila may nailaglag lang siya na bagay," pagbabalewala niya. Napaisip ako ng malalim at hindi maiwasan na maghinala na baka may masamang pinaplano ang malihim na babysitter. Ngunit naputol ang suspetya ko na iyon nang maalala ko ang ibinigay na imbestigasyon ni Agent Virgo. Na isa lamang ordinaryong tao si Leah. Marahil katulad ng sinasabi ni Agent Venom ay may nalaglag na bagay lamang ang babysitter. "Fine," pagbabalewala ko na lang din at pilit na inaalis sa isip ang anumang pagsususpetya sa babysitter, "You can leave now. I call you again if I need help." Muling sumaludo sa akin si Agent Venom at mula sa madilim niyang pinagtataguan ay tila unti unti sila naglaho doon. Nang masiguro ko na wala na siya ay nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga. "Focus Jaxson," pagsermon ko sa aking sarili. Nang medyo kumalma na ako ay doon ko naisipan na ilabas ang mga bagong spy devices na kinuha ko mula sa Headquarters. Mayroon akong mga mini spy cameras at motion detector na siyang ikokonekta ko sa aking laptop. Hinack ko na rin ang lahat ng CCTV sa bahay ni Mael pati na rin sa mga CCTV sa mga kalapit na bahay nito. Sa ganoon ay hindi talaga makakalusot ang sinumang may masamang intensyon sa pamilya ni Mael. Sa katunayan, sa unang araw ko pa lang sa bahay ni Mael ay nagkabit na ako ng ilang spy devices. Ngunit nakakapagtaka na hindi man lang nahagip ng mga ito ang sinumang pumasok sa opisina ni Mael. Kaya naisipan ko na lang muli kumuha ng ilang kagamitan. Sa pagkakataon na ito ay hindi ako maaaring pumalpak. Kilala ko si Mael kapag nagbigay siya ng banta ay talagang gagawin niya iyon. At ako ang malalagot kay Boss Libra kung aabot sa punto na lalapit si Mael sa PIA. Maisip ko pa lang iyon ay kinikilabutan na ako sa takot. "Tch. Tignan ko lang kung makakalusot pa sa akin ang taong iyon," nakangisi kong bulong habang inaayos isa isa ang mga iyon. *** *yawn* Nagpakawala ako ng malawak na hikab ako habang papunta sa kinaroroonan ng hapag-kainan. Ngunit bigla ako natigilan sa aking kinatatayuan nang maramdaman ang mga mata na nakatingin sa aking gawi. "Good morning," abot tengang pagbati ko sa kanilang lahat. Ngunit sa kabila ng masayang pagbati ko na iyon ay isang matalim na tingin ang iginanti sa akin ni Mael. Habang masayang nginitian naman ako ng kanyang asawa na si Cathy. "Jaxson, get your act together. What if my children imitate you?" hindi natutuwang suway pa sa akin ni Mael. Doon ay napadako ang tingin ko sa triplets na lahat ay nakatitig sa akin. Tila ba inoobserbahan ng mga ito ang kilos ko. Dahil doon ay nahihiyang napakamot na lang tuloy ako ng aking batok. Naiintindihan ko naman ang pinupunto ni Mael. Sa mga sandali na ito ay ginagaya ng triplets ang mga nakikita nilang kilos sa kanilang paligid. "Sorry, sorry," pagsunod ko na lang kay Mael bago naupo sa upuan na nakareserba para sa akin. Muling napatingin ako sa triplets habang abalang pinapakain sila nina Cathy at Leah ng kanilang cerelac. Sarap na sarap naman ang mga bata sa kanilang kinakain. Iyon nga lang ay may pagkalikot talaga si Zararri kaya hindi nakakapagtaka na mas marami ang natapon kaysa sa kinakain niya. "Zararri," agarang pagsuway ni Mael sa anak dahil nakikita niya na nahihirapan si Cathy sa pagpapakain. Tila naintindihan naman ni Zararri ang ibig iparating ni Mael kaya bigla itong napirmi habang sinusubuan ng pagkain ni Cathy. Lihim na napangiti na lang ako sa nakita ko. Iniisip ko kung darating kaya ang araw na may ganito rin ako kalilikot na anak. Na magkakaroon ako ng maliliit ng version ko. Ngayon pa lang ay hindi ko maiwasan ma-imagine na tinuturuan ko sila ng ilang secret techniques naming mga agent. Siguro ay hahasain ko sila para masigurado na makakayanan nila depensahan ang sarili nila sa bawat sandali. "O natahimik ka riyan, Jax?” pagpansin sa akin ni Mael. Muling ngumiti naman ako. "Wala biglang naisip ko lang kung katulad mo ay magkakaanak ako ng ganitong kaka-cute," sambit ko. Proud na ngumiti naman si Mael. "Tch. Imposible dahil genes ko ang nanalaytay sa kanila kaya ganyan sila ka-cute," pagmamayabang niya, "Kaya huwag ka na umasa, Jax." Agarang napasimangot naman ako sa patutsada na iyon ng aking kaibigan. "f**k. Ano ba nakita ni Cathy sa iyo para patulan ka?” asar kong sambit, "Eh puro pagtra-trabaho lang naman ang alam mong ng gawin." Matamis na nagtinginan naman ang mag-asawa sa aking harapan at nagngitian pa para kilabutan ako ng matindi. "Brrrrr.... Huwag nga kayo maglandian sa harapan ko!" asar na asar na pagsuway ko sa kanila, "Ang aga aga ay pinamumukha niyo ang pagiging single ko!” Nalilitong binalingan naman ako ng tingin ni Cathy. "Pero Jax, I heard from Travis na may hinahanap ka raw na babae," pag-alala niya, "A girl you met five years ago at naging puspusan pa ang paghahanap mo." Sa pag-ungkat na iyon ni Cathy ay biglang natigilan. Unti unti rin napalis ang ngiti sa aking labi. Nakita ko pa kung paano palihim na binulungan ni Mael si Cathy. Marahil para ipaalam sa kanya ang totoong sitwasyon ko. Hanggang sa tili nataranta si Cathy dahil siguro inisip niya mali na ungkatin sa akin ang bagay na iyon. "S-Sorry Jax! I don't have an idea!” paghingi ng paumanhin ni Cathy, "I really thought you already find her..." Pilit na napangiti naman ako. "It's fine," sambit ko, "Hindi naman naging lihim sa aming pagkakaibigan ang bagay na iyon." Lalong hindi napakali si Cathy marahil ini-isip niya ay nagdaramdam ako. "It's really fine, Cathy," pagpapakalma ko. "Jax," hindi pa rin napipirming bulalas ni Cathy, "I-I'm r-really sorry... " "Well what you heard from Travis is true. I've been crazily finding this girl from five years ago, " pag-amin ko, "Iyon nga lang kahit anino niya ay hindi ko nagawang hanapin for some reason." "S-Seriously?” hindi makapaniwalang sambit ni Cathy, "Is that possible?” "Maybe," sambit ko, "Or maybe she really doesn't want me to find her." Tinitigan ako ni Cathy na tila hindi alam ang kanyang sasabihin. Alam ko naman na hindi ganoong kadali ang sitwasyon ko. Dahil anumang gusto ko na sumuko ay ayaw naman makinig ng puso at isip ko. "Ano ba? That's life. Hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin," sambit ko muli, "Siguro ito na ang karma ko dahil sa dami ng babaeng pinaiyak ko." Namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan namin lahat. Siguro pinakikiramdaman nila ako pero hindi nila alam ay sanay na sanay na ako sa usapang ito. Akmang kukuha na ako ng aking almusal nang bigla ako natigilan. Mayroon kasing tagos kaluluwa na tingin sa aking gawi. Dahil doon ay maalertong napabaling ako ng tingin. Hanggang sa nakasalubong ng aking tingin ang matamam na tingin sa akin ni Leah. "W-What?” medyo nabulol na tanong ko sa kanya, "Don't say that you too feel sorry for my situation... I don't need your pity..." Doon ay tila natauhan si Leah at agarang napaiwas ng tingin. "H-Hindi po, Sir!" Napakunot naman ako ng noo. Kakaiba kasi ang ibinigay niyang tinging iyon. Ibang iba sa tingin na binibigay sa akin ng mga katrabaho at kaibigan ko tuwing nauungkat ang usapan tungkol sa aking patuloy na paghahanap sa babae. Dahil doon ay may namumuo na naman suspetya sa akin laban sa totoong pagkatao ni Leah. Alam ko na wala naman ako dapat ika-suspetya sa kanya dahil iyon ang inilabas ng imbestigasyon sa kanya ni Agent Virgo pero iba talaga ang sinasabi ng aking instinct.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD