Mission 21

1659 Words
Naalimpungatan ako mula sa aking tulog nang maramdaman ang mataman na mata na nakatitig sa akin. Sa pagmulat pa ng aking mata ay bumungad ang isang madilim na kwarto. Gayun pa man ay maaaninag mula sa madilim na sulok nito ang isang bulto ng tao na nagtatago roon. "Ano ang ginagawa mo rito?” malamig kong tanong bago dahan dahan na bumangon. Doon ay humakbang siya pasulong para masinagan ng liwanag ng buwan ang kanyang mukha. "Mukhang wala ka ng balak pang magpanggap," seryoso niyang tanong. "Kahit umakto pa ako ngayon na inosente ay alam ko na hindi ka naman din maniniwala," sambit ko bago nagbigay ng kibit balikat. Nakita ko ang mahigpit na pagkuyom ng kanyang mga kamay. Marahil pinipigilan niya ang sarili na sugurin ako mula sa aking kinahihigaan. At kung sakali na sigurado siya na isa akong kalaban marahil habang tulog pa lang ako ay itinali na niya ako. "Tss. Noong una pa lang ay talagang malaki na ang hinala ko na may nililihim ka," turan pa niya, "Pero akalain mo nga naman na tama ako." "Ganoon ba? E di congrats," nakangisi ko na lang na sambit. Naghalukipkip siya ng kanyang braso at mapagmatang tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Pero sino ka ba talaga?” biglang tanong niya na puno ng pagbabanta. Itinuro ko naman ang aking sarili. "Ako si Azaleah Isabedra," maang-maangan na pagsagot ko naman, "Sa una pa lang ay nagpakilala na ako sa inyo ah." Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa pag-aakala na isang alias lamang ang pangalan na ginamit ko. Na marahil hiniram ko lamang ito para makapasok bilang babysitter ng mag-asawang Alcazar. "What I am asking is your real name," madiing sambit pa niya, "Imposible na ikaw nga si Azaleah Isabedra. Dahil mula sa aking imbestigasyon ay isang ordinaryong tao lamang siya at may kambal na anak. Tingin ko naman ay hindi ka kwalipikado doon. Napaka-imposible na may anak ka na talaga." Hindi ko alam ang dapat mararamdaman sa sinabi niya. Dapat ba ako matuwa o maasar. Hindi naman kasi talaga kasinungalingan ang sinabi ko. Sa katunayan ay iyon ang tunay kong pangalan at identidad. Ngunit siyempre wala akong balak na patunayan sa kanya iyon. Hahayaan ko na lamang siya mag-isip ng mag-isip hanggang siya na mismo ang sumuko. "Tch. Iyon naman pala kaya bakit hindi ikaw mismo ang umalam? Akala ko ba ay mahusay kang agent, Agent Fang,” mapaghamon kong sambit. Sa pagbanggit ko ng kanyang code name ay mabilis na may ibinato na punyal si Sir Jaxson sa aking gawi. Ngunit walang kahirap hirap na sinambot ko lang ito sa ere at pinaikot ikot sa aking kamay. Sobrang naalerto si Sir Jaxson sa maliksing ginawa ko na iyon. Idagdag pa na nalalaman ko ang kanyang alias. Siyempre isang malaking lihim para sa sa ibang tao ang aming code name. Idagdag pa na alam ko ang tunay niyang identidad sa likod ng kanyang pagpapanggap. "f**k! Who the hell are you?!” malakas niyang hiyaw. Nakangising inilagay ko naman ang aking hintuturo sa aking bibig para senyasan siya na tumahimik. Dahil kung hindi ay magigising ang mag-asawang Alcazar sa lakas ng kanyang boses. Hindi niya naman siguro gugustuhin na mangyari iyon. Dahil doon ay asar na asar na napakamot ng kanyang batok si Agent Fang. Hindi niya alam ang gagawin sa oras na ito. "Don't worry Agent Fang," mahinahong sambit ko, "Oo, malaki ang galit ko sa iyo pero sa oras na ito ay hindi ako ang iyong kalaban." Hindi naniniwala na tinignan niya ako. "Sabihin na lang natin na magka-konekta ang pakay nating dalawa," pagpapaliwanag ko pa, "Kaya bakit hindi na lang tayo magtulungan para matapos na ito?” Kumunot ang noo niya at tila tinitimbang kung may katotohanan ba ang sinasabi ko. "Bigyan mo ako ng rason para maniwala ako," seryosong sambit pa niya. Humugot ako ng malalim na hininga at inisip kung paano ko mapapayag si Agent Fang na makipagtulungan sa akin. Alam ko na isang malaking sugal ang makipagtulungan sa kanya. Ngunit sa tinatakbo ng aking misyon ay ito ang pinakamadaling paraan. "Tss... Narinig mo na ba ang grupong RANCOR Syndicate?" tanong ko at seryosong tinignan siya. Napaisip naman si Sir Jaxson at base sa kanyang reaksyon ay wala siyang kaide-ideya. Sa tagal niya ring hindi tumatanggap ng misyon ay marahil hindi pa niya nakakasalamuha ang ni-isang miyembro ng sindikato na iyon. "No idea," kibit balikat na sagot niya, "Ano naman ang kinalaman nila sa misyon ko?” Hindi makapaniwala na tinitigan ko siya. Hindi ko inaakala na wala talaga siya ideya sa lumalaking grupo ng sindikato na iyon. Ngunit kapag ipinaalam ko sa kanya ang motibo ng RANCOR Syndicate ay tila binigyan ko siya ng libreng tip para sa kanyang misyon. At siyempre ayoko magbigay ng impormasyon na hindi ako makikinabang. "Well bago ko sabihin ang bagay na iyon ay nais ko muna masigurado kung pumapayag ka makipagtulungan sa akin," sambit ko. Doon ay muling nagtagisan kami ng tingin sa isa't isa. Hindi na bago ang kagustuhan namin na malamangan ang kapwa naming agent. Dahil buhay ang nakasalalay sa bawat misyon na aming tinatanggap. "Paano ako papayag kung wala nga ako ideya kung sino ang RANCOR syndicate na iyan,” singhal niya sa akin. "E di tapos na ang usapan natin kapag ganoon," singhal ko naman pabalik sa kanya, "Hindi ka naman siguro umaasa na magbibigay ako ng libreng impormasyon sa iyo. Kailangan ko rin naman ng mapaghahawakan." Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Marahil tinitimbang niya ang sitwasyon niya. Ngunit kung hindi siya makikipagtulungan ay pareho lang kami mahihirapan sa aming mga misyon. Kaya ayaw ko man ay mas mabuti na makipag-ugnayan sa kanya. Pagkatapos ay lalayo ako sa lugar na talagang hinding hindi niya ako mahahanap. "Fine," pagsuko niya, "I'll take your information. Siguraduhin mo lang may kinalaman ito sa misyon ko at hindi mo lang ako pinaiikot." Malawak na ngumiti ako na siyang agaran niyang ikinaiwas ng tingin sa akin. "So it is a deal," nakahingang sambit ko pa. Doon ay tumayo na ako sa aking higaan at iniabot sa kanya ang ibinato niyang punyal. Pagkatapos at itinulak ko siya palayo sa kanyang kinatatayuan na agarang ikinaalerto niya. "Chillax," pagpapakalma ko pa sa kanya, "Kukunin ko lang ang aking devices." Kinapa ko ang pader ng aking kwarto hanggang sa may umangat na parte ito. Doon ay lumantad ang aking pinagtataguan ng aking gamit. Mabuti na lamang ay naikabit ko ito bago pa dumating si Sir Jaxson. Inilabas ko mula sa aking gamit ang isang suitcase. Nang buksan ko ito ay naglalaman ito ng isang high tech laptop na tanging ako lamang ang may access. "Those devices... " hindi natutuwang komento pa ni Sir Jaxson, "Nakita ko na iyan noon sa mga PIA agent. So it means you are one of them." Nginisian ko naman siya. "Yes, I am from PIA... Ngayong alam mo na isa akong agent ng PIA... May balak ka na ba umurong sa ating kasunduan?” taas kilay na tanong ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. Tila nagdadalawang isip na nga si Agent Fang na makipagtulungan. Ngunit sa huli ay malakas na nagpakawala siya ng buntong hininga. "Damn... As if may choice pa ako ngayon," asar niyang sambit. Tinawanan ko lang siya at nagsimula na magpumindot sa aking laptop. Doon ay hinanap ko sa system ng aming ahensiya ang tungkol sa RANCOR Syndicate. Si Sir Jaxson naman ay naupo sa tabi ko at nakikitingin sa aking ginagawa. Siguro sinisigurado niya na wala akong babaguhin o itatago sa anumang naroroon. "Nice, sana magkaganyan rin kami sa NIA," tila naiinggit pa niyang komento. "Well, ang gadget na ito ay inimbento ni Agent Gecko," pagmamayabang ko, "Kaya imposible na magkaroon kayo ng ganito." Inirapan naman ako ni Agent Fang na akala mo isang bata na inagawan ng laruan. Nang makita ko ang mga impormasyon tungkol sa RANCOR syndicate ay agarang inilapit ko sa kanya ang aking laptop. "Here is their information," sambit ko, "Ang grupo na ito ay nagsimula na sumulpot sa iba't ibang dako ng ating bansa limang taon na ang nakakaraan. Kasalukuyan walang nakakaalam kung sino ang pinaka-ulo nila. Ngunit isa lang ang layunin ng grupo na ito. Iyon ay gumawa ng kasamaan gamit ang galit ng ibang tao." Napaisip si Agent Fang at tila kinokonekta ang sindikato na ito sa misyon niya. "Hmmm... Anong koneksyon nito sa misyon ko?” naguguluhan pa niyang sambit. Napailing na lang ako. Inaasahan ko na madali niya maiintindihan ang nais ko iparating pero masyado yata mataas ang pagtingin ko sa kanya sa bagay na iyon. Mukhang kailangan ko pa ipaliwanag ang mga bagay bagay hanggang maitindihan niya. "Agent Fang, layunin ng grupo nila ang gamitin ang galit ng mga tao... " pag-ulit ko, "Ang misyon ko ay hanapin at puksain ang sindikato na ito. Habang ikaw naman ay protektahan ang pamilyang Alcazar..." "Nagpapatuloy ang kanilang grupo sa mga commission na nakukuha nila sa mga kliyente na lumalapit sa kanila," dagdag paliwanag ko, "Ang mga kliyente na ito ay ang mga tao na nagnanais na makahiganti sa mga taong tingin nila ay kalaban nila. At sa oras na ito, si Mr. Ismael Alcazar ang pinakamaraming kaaway... Kaya hindi nakakapagtaka na may ilan na lalapit sa sindikato na ito para makapaghiganti sa kanya." Nanlaki ang mga mata ni Agent Fang nang maunawaan na kung bakit magka-konekta ang aming misyon. Dahil para malaman niya ang taong nagbabanta sa buhay ni Ma'am Catherine at sa mga anak nito ay makakalaban niya muna ang sindikatong RANCOR. "Kaso hindi magiging madali ang lahat," seryoso kong sambit, "Marahil nagtataka ka kung paano nakapasok sa bahay nina Sir Ismael ang grupong ito na wala niisang ebidensya na nakalap." Napatango si Sir Jaxson. "Malaking kataka taka nga iyon. Ni hindi nakuhanan ng CCTV ang pagpasok ng taong iyon sa opisina ni Mael." "Iyon ay dahil dating mga agent ang miyembro ng grupong ito," paglantad ko, "Sila ang mga kriminal na agent na binatawan ng ating ahensiya."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD