"Bulaga!” "Kyaaah!” "Guh!” "Gaaah!” Umaalingawngaw sa buong bahay ang natutuwang halakhak ng triplets habang nakikipaglaro sa kanila si Travis. "Ayyiiiee... Tignan niyo tuwang tuwa ang mga inaanak ko sa akin," pagmamayabang pa ni Travis habang kinikiliti sa tiyan sina Zarrari at Zahara na siyang lalong isinatawa ng mga ito. "Malamang matutuwa sila sa iyo," patutsada naman ni Ezra, "Mukha ka kasi clown. Pansin mo ba nang makita ka lang nila kanina ay talagang natatawa na sila." Natigilan si Travis sa kanyang ginagawa at matalim na nilingon si Ezra. "Huy kailan pa naging mukhang clown ang pagmumukha ko na ito?!” agarang pag-angal pa niya, "Ang gwapo ko naman para maging clown! Maraming babae ang hindi maniniwala doon. ” Hanggang sa biglang napangisi si Travis nang makaisip ng pang