Mission 19

1046 Words
It's been long three days. Katulad ng dati ay bigo pa rin ako mahanap ang babae. Mula kasi sa ilang araw na pagmamatyag at pagsunod ko kay Czar Romanov ay wala ako nakuha niisang impormasyon tungkol kay Agent Chameleon. Malaki pa ang posibilidad na alam na niya ang ginagawa naming pagsunod kaya nilimitahan niya kanyang ginagawang kilos. Dahil sa tingin ko wala ng kahahantungan pa ang pagmamatyag ko sa kanya ay naisipan ko na bumalik sa aking kasalukuyang misyon. Inaasahan ko na ang matinding galit ni Mael sa oras na pagbalik ko ngunit kumpara sa pinangakuang misyon ko sa kanya ay mas matimbang sa akin ang misyon ko na mahanap ang babae. Kaya hindi ko maaaring palampasin ang nakuhang lead ni Agent Virgo na maaaring makapagturo sa akin sa babae. Ngunit nang makabalik ako sa ospital ay isang hindi inaasahang tagpo ang bumungad sa akin. "Leah!” Kahit aware ako na nakabantay lang sa paligid ng kwarto si Agent Venom at naghihintay ng tamang tiyempo para iligtas si Leah ay kusang kumilos ang katawan ko at walang pagdadalawang isip na sumugod sa loob ng kwarto. Nang masiguro ko na ang kaligtasan ni Leah habang hawak ang babaeng nagpanggap na nurse ay tsaka ko siya hinarap ng tingin. "S-Sir Jaxson..." pabulong na pagtawag niya sa akin. Sa ordinaryong sitwasyon at maharap sa ganitong panganib ay paniguradong manginginig sa takot ang kahit sinuman. At iyon ang inaasahan kong reaksyon mula sa babysitter nina Mael. Ngunit kabaliktaran ng aking inaasahan ang naging reaksyon ngayon ni Leah. Dahil kaysa matinding takot at pagkagulat ang tumambad sa akin ay isang walang kaemo-emosyon na mukha ang inihandog niya sa akin. Tila ba normal na normal lang sa kanya ang ganitong sitwasyon at tila rin may ideya siya sa identidad ko para hindi magulat sa biglaang pagsulpot ko. "Leah," seryosong tawag ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Nagtagisan kami ng tingin sa isa't isa na tila ba kung sino ang unang kumurap sa amin ay siya ang matatalo sa aming naglalaban na mga tingin. "Who the hell are you?” pabulong ko pang tanong at puno ng suspetsa sa kanyang pagkatao. Hindi naman siya umimik at sa halip isang tingin na puno ng galit ang iginanti niya sa akin. Na tila ba kulang na lang ay paslangin niya ako sa oras na ito. Sa aking propesyon ay sanay na ako kamuhian ng maraming tao. Pero aaminin ko na ito ang unang beses na tila ba apektado ako sa natanggap na galit sa akin ng isang tao. Ngunit ano ang pinagmumulan ng galit sa akin ni Leah? Ano ang ginawa ko sa kanya para magalit siya ng ganito sa akin? "Agent Fang." Sa pagtawag sa akin na iyon ni Agent Venom ay naputol ang tagisan namin ng tingin ni Leah. Doon ko lang din napansin na pinalilibutan na kami ng mga kasamahang agent ni Agent Venom. Sa sandali na iyon ay kinuha na nga ni Agent Venom mula sa aking hawak ang babaeng nurse. Sinigurado niya ring walang iba pang kasabwat ito sa paligid. Mabilis ang naging pagkilos ng mga kasamahan naming agent. Dahil hindi na kami malayang makakakilos sa oras na maalarma ang ibang tao na nasa ospital. Nang makita ko na halos tapos na sila sa kanilang ginagawa ay doon ko muli ibinalik ang tingin kay Leah. Ngunit kumpara sa naging unang reaksyon niya kanina ay naging kabaliktaran ito. Isang nanginginig at namumutla na babae ang nasa harapan ko. Napakunot tuloy ako ng noo at inisip kung isang malik mata lamang ang nakita ko kanina. Kaso nang mapatingin siya muli sa gawi ko at ramdam ko pa rin ang matinding galit niya sa akin. "Agent Fang," hindi natutuwang pagtawag sa akin ni Agent Virgo. Napangiwi naman ako dahil wala akong ideya na isa siya sa mga agent na nandito ngayon. Paniguradong makakarating kay Boss Libra ang ginawa kong pagpapakita sa gitna ng misyon. "I know, I know," tanging naisambit ko na lang bago pa may masabi si Agent Virgo. Sinimangutan niya naman ako at hindi makapaniwala na tinignan ako. "Ano ang pumasok sa isipan mo para sumugod at ilantad ang sarili mo sa gitna ng misyon?” hindi niya makapaniwalang sambit. Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin alam kung bakit ginawa ko iyon. Basta nang makita ko na nasa kapahamakan si Leah ay kumilos na lang ang katawan ko para iligtas siya. Ngunit kung hindi dahil dito ay hindi ko makikita ang totoong Leah na nagtatago sa ordinaryong niyang anyo. Kaso kahit sabihin ko kay Agent Virgo ang bagay na iyon ay alam ko na hindi siya maniniwala. Mula kasi sa ginawa niyang imbestigasyon ay talagang iniisip niya na isang ordinaryong tao lamang ang babysitter. Mukhang ako na lang talaga ang dapat tumuklas kung sino si Leah at kung ano ang pakay niya sa pamilya nina Mael. Habang patuloy ang pagsermon sa akin ni Agent Virgo sa isang tabi ay pinapanuod ko naman ang ginagawang pag-aasikaso ng mga agent kay Leah. Alam ko na parte ng aming trabaho na kausapin ang mga taong nasa paligid sa oras na matuklasan nila ang aming misyon. Gagawan nila ng kasunduan ang mga ito para walang pagsabihan ang kanilang nasaksihan. At base sa mukha ni Leah ay mukhang may ideya siya sa ginagawa ng mga agent. Wala rin siyang ginagawang pagtutol o kaya pagtatanong sa kanila tungkol sa nangyayari. Basta lamang siya tumatango roon na para bang gusto na matapos ang usapan nilang iyon. Dahil sa inasta niyang iyon ay lalong lumalim ang suspetsa ko sa kanya. Malaki ang posibilidad na may alam si Leah sa mundo naming mga agent. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung isa ba siyang kakampi o kaaway. Sa ngayon ay alam ko na hindi siya mapagkakatiwalaan. Kaya mukhang kailangan ko malapitan bantayan ang bawat kilos niya para masigurado na hindi lalo mapapahamak sina Mael. Kaso maisip ko pa lang na balang araw magiging kaaway ko siya ay bumigat ang aking pakiramdam. Para bang ayoko mangyari ang bagay na iyon. Iniling iling ko ang aking ulo para gisingin ang aking sarili sa anumang namumuo kong damdamin. Noon pa lang ay sinanay na kami ukol rito. May mga sitwasyon na nagiging kaaway namin ang dati namin mga kaibigan. Kaya noon pa lang ay alam namin kung gaano kahirap magtiwala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD