Sobrang naggagalaiti ako sa galit nang tumatawang lumabas sa aking kwarto si Agent Fang. Mabuti na lang ay napigilan ko ang aking sarili kanina. Kundi marahil ay humalik na ang kamao ko sa mapang-asar na mukha niya.
"Grrrr... Hintayin mo lang na makalabas ako rito! Makikita niyo!” gigil na gigil na pagbabanta ko pa kahit alam ko na hindi naman niya maririnig iyon.
Nang medyo kumalma na ako at masiguro ko na wala ng tao sa paligid ay doon ko naisipan na tumayo mula sa hinihigaan ko dito sa ospital.
"Tch," bulalas ko saka sinapo ang aking tagiliran na nasaksak.
Alam ko na hindi naman ito ganito kalalim saka ang mga ganitong sugat ay normal lang sa katulad kong agent. Mas malala pa nga ang mga sugat na natamo ko noon sa ilang misyon na ginawa ko pero buhay na buhay pa rin ako na akala mo walang nangyari.
Ngunit dahil nasa misyon ako ay kailangan ko na magpanggap na pasyente para hindi maghinala ang mag-asawang Alcazar at pati na rin si Sir Jaxson. Sa ginawa ko na ito ay marahil iniisip na rin ni Agent Fang na isa lamang ako normal na tao. Baka sa pagkakataon na ito ay medyo nawala ang kanyang suspetsa sa aking pagkatao.
Kaso hindi ko akalain sa pagpapanggap ko na ito ay muntikan na malaman ni Sir Jaxson ang aking malaking lihim. Wala sa plano ko na pupuntahan niya ang aking kambal sa ospital kung saan sila naka-admit. Mabuti na lamang ay tila nabigo siya sa kanyang plano at hindi niya matagumpay na nakatagpo ang aking mga anak.
"Kailangan ko mailayo sa lalong madaling panahon ang kambal," medyo nagpapanic na sambit ko, "Anuman ang mangyari ay hindi nila maaaring makatagpo si Agent Fang."
Doon ay nagmamadali hinanap ko sa aking gamit ang tinatagong communication device para matawagan si Agent Gecko. Nakailang dial na yata ako ngunit hindi siya sumasagot. Hindi ito normal na mangyari unless may malalim na dahilan kaya iniiwasan niya ako.
"Ano kaya ang problema?” kinakabahang sambit ko, "Nitong nakaraan ay nagagawa ko pa naman siya kontakin."
Ayoko sana isipin na may kinalaman ito sa aking mga anak. Lalo pa si Agent Gecko ang inaasahan ko na magpro-protekta sa kanila habang nasa kalagitnaan ako ng importanteng misyon.
Hindi kaya... May alam na si Agent Fang?
"s**t!”
Akmang tatakbo na ako palabas ng mag-ring ang aking communication device. Natigilan ako dahil lalawa lamang ang contact ko rito.
Kaya kung hindi si Agent Gecko ang tumatawag kundi si...
Doon ay dali dali sinagot ko ang tawag. (Leah! Thank God you finally answer my call!) mangiyak-ngiyak na pagbungad sa akin ni Ynara mula sa kabilang linya, (I heard na nasa ospital ka! As in what the hell?! Gusto mo ba na puntahan kita diyan para matignan? Kilala kita! Marahil ay pinapabayaan mo na naman ang mga sugat mo!)
"Calm down, Ynara," pagpapakalma ko sa kanya, "As you can see I am still alive and kicking."
(Urgh! Kaya ayoko na pabalikin kita sa trabaho mo na iyan ih! Sinabihan na kita! Na napaka-delikado niyan para sa iyo! Paano na lang kung may nangyari sa iyo? Paano na lang ang mga anak mo?!)
Medyo nailayo ko sa aking tenga ang communication device dahil sa lakas ng boses ni Ynara habang pinapangaralan ako. Noon pa lang ay tutol na siya sa pagbalik ko bilang agent ng PIA.
Ngunit alam niya rin ang malalim na dahilan kaya tinanggap ko ang misyon na ito. Na kaya sinusugal ko ang buhay ko sa oras na ito.
"Ynara, you know my reason," malungkot kong sambit.
(Leah naman... Mayroon naman siguro ibang paraan!) patuloy na pangungumbinsi niya.
Iniling ko ang aking ulo kahit alam ko na hindi niya iyon nakikita. "That will be too late,” makahulugan kong sambit, "Ito ang pinaka-best na solusyon na meron ako."
Hindi umimik si Ynara mula sa kanilang linya. Alam niya na hindi magbabago ang desisyon ko.
"Bakit nga pala napatawag ka, Ynara?" kinakabahang tanong ko, "May nangyari ba sa mga anak ko?”
Humugot ng malalim na hininga si Ynara bago malakas na pinakawalan ito. (Huwag ka mag-alala, Leah. Kasalukuyan na stable ang condition nila,) pagbibigay alam ni Ynara, (Pero may ibang dahilan ko kaya tumawag ako! Hulaan mo kung sino ang nakita ko rito kanina sa ospital! At hinahanap niya kung nasaan ang mga anak mo!)
Napakagat ako ng labi dahil may ideya ako kung sino ang tinutukoy niya. "Si Sir Jaxson," matipid kong sagot.
(Damn right! Pumunta lang naman rito si Jaxson! My goodness! Akala ko ay aatakihin ako sa puso nang makita ko siya,) pagkumpirma ni Ynara, (Mabuti na lang ay sa entrance ng ospital kami nagkita kundi naku talaga!)
Nakahinga ako ng maluwag na malaman na si Ynara ang nakakita kay Sir Jaxson. Kilalang kilala ko si Ynara. Siya ang tipo gagawin niya ang lahat para manatiling isang lihim ang aking lihim. Ganoon siya katunay na kaibigan sa akin. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa patuloy na pag-aaruga niya sa mga anak ko kahit alam ko na busy rin siya sa trabaho niya sa ospital.
At kung sakali na natagpuan ni Sir Jaxson ang mga bata ay hindi ko alam ang gagawin ko sa sandali na ito. Marahil ay tumakas na ako para maitago sila.
"Maraming salamat, Ynara," taos puso na pagpapasalamat ko sa kanya, "Kung hindi dahil sa tulong mo ay baka hindi ko na alam ang gagawin sa oras na ito."
(Ano ka ba, Leah? Malaki rin ang utang na loob ko sa iyo,) madamdamin niyang sambit, (Kung hindi dahil sa tulong mo ay baka namomoblema pa rin ako sa kaso ko noon. Napakalaking bagay na nagawa ng mga ebidensya na kinalap mo para linisin ang pangalan ko. Kaya masaya ako na nakakatulong naman ako sa iyo ngayon.)
Naiiyak na napangiti ako. Malaking biyaya sa akin na naging kaibigan ko si Ynara.
Nang makarinig ako ng papalapit na yabag ng paa at bigla ko pinunasan ako luha.
"Pasensiya na, Ynara. Hanggang dito na muna ang ating usapan dahil mukhang pabalik na sila," pabulong na sambit ko kay Ynara.
(Wait Leah! Bago makalimutan!) pigil ni Ynara na putulin ko na ang tawag, (Pinapasabi ni Czar na hindi ka niya makokontak sa mga susunod na araw.)
Napakunot ako ng noo. "May nangyari ba?” seryosong tanong ko.
(Basta ang sabi niya ay may mga buntot siya na kailangan na putulin bago ka niya muli tawagan.)
Natigilan ako sa narinig. Ibig sabihin lang nito na may nakabantay sa mga kilos ni Czar kaya hindi niya ako makontak. Ngunit hindi ko na kaya klaruhin pa kay Ynara ang tungkol doon dahil agarang pinatay ko na ang tawag at itinago ang communication device sa gamit ko at bumalik sa higaan na akala mo walang nangyari.
Pagkalipas ng ilang sandali ay bumukas ang pinto at pumasok ang mag-asawang Alcazar.
"Leah,” nakahingang bungad sa akin ni Ma'am Cathy at makikita ang matinding pag-alala sa kanyang mukha.
Medyo nakaramdam ako ng pagka-guilty dahil doon. Kahit hindi nila ako lubusan pang kilala ay makikita ang kanilang malaking pagtitiwala sa akin. Wala silang kaalam alam sa totoong pakay ko sa kanila.
"Okay ka lang ba, Leah?” concern na tanong sa akin ni Sir Ismael.
Itinango ko naman ang ulo ko. "Yes sir," matipid kong sagot at ibinababa ang tingin sa takot na mabasa nila ang nasa isip ko.
"Nasaan nga pala si Jaxson?” nagtatakang paghanap ni Ma'am Cathy, "Iniwan namin siya kasama ka kanina ah."
"Lumabas po siya kanina," pagbibigay alam ko, "Wala pong sinabi kung saan siya pupunta."
"That punk," hindi natutuwang sambit ni Sir Ismael, "Umalis na naman siya na walang pasabi."
"Hay naku! Iniwan ka ni Jaxson na mag-isa rito?!” hindi rin natutuwang sambit ni Ma'am Cathy, "Isusumbong ko siya kina Travis!”
Hindi na ako umimik pa. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Ma'am Cathy. Pag-angat ko ng tingin ay may hawak siyang mangkok na may laman na mainit init na lugaw.
"Kumain ka muna, Leah," pag-aasikaso niya sa akin, "Alam ko na gutom ka na dahil sa mula kanina ka pa hindi kumain."
Napakagat ako ng labi dahil sa totoo lang ay kumakalam na nga ang tiyan ko sa gutom. Kaya nag-aalangan man ay kinuha ko mula sa hawak ni Ma'am Cathy ang lugaw at sinimulan ito na kainin.
"Ang triplets nga po pala?” bigla ko pag-alala dahil wala ang mga inaalagaan kong bata.
"Ibinilin muna namin sa mga kaibigan ni Mael," pagbibigay alam ni Ma'am Cathy sa akin, "Kahit maloko ang mga iyon at alam ko na kaya nila protektahan ang mga anak namin."
Natatango ako ng ulo. Sa katunayan ay alam ko ang bawat background ng kaibigan ni Sir Ismael. Iyon ay dahil parte ng misyon ko na alamin ang mga bagay na iyon. Wala lang talaga sa plano na makakasalamuha ko sa misyon si Sir Jaxson.
"Salamat Leah ha," taos puso na pagpapasalamat ni Ma'am Cathy, "Dahil sa iyo ay nakaligtas ako sa kapahamakan... Pero gayun pa man ay ayoko na maulit ito. Ayoko na mapahamak ka nang dahil sa akin. Dahil katulad ko ay may mga anak ka na umaasa sa iyo."
Napaangat tuloy ako ng tingin sa natanggap na sermon na iyon mula kay Ma'am Cathy. Alam ko na nagpapasalamat siya sa pagliligtas ko sa buhay niya ngunit sa kabila nito ay may ibang tao naman ang muntikan na magsakripisyo. At iniisip niya rin ang posibilidad na maiwan ko ang mga anak ko kung sakali na namatay ako. Dahil katulad ko ay isang ina rin si Ma'am Cathy.
"Eh Ma'am... Huwag po kayo mag-alalala... Nagkataon lang po na mas malapit ako sa inyo nang mangyari iyon," pagdadahilan ko, "Kung hindi ko po ginawa ay alam ko na handa naman po si Sir Ismael na protektahan kayo."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Basta Leah... Isipin mo muna ang sarili mo ha..." bilin pa niya, "Alam ko na amo mo ko pero hindi ibig sabihin nito na ipagpapalit mo ang buhay mo ng dahil sa akin."
Napipilitan na itinago ko na lang ang ulo ko.
"Opo Ma'am... H-Hindi na po mauulit... "
"Good," seryosong sambit ni Ma'am Cathy.