Paika-ikang naglakad si Levi pababa ng hagdan. Naabutan niya sa salas sina Mike at Trisha na sobrang sweet, napangiwi siya sa mga ito. Dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng gatas. "Magandang umaga hija, akala ko ba ikakasal kayo ni Mike, ba't may babae yang kalampungan?" si Aling Melba na halatang naki-chismis na naman. "Oo nga po, contract marriage lang po yun, two years marriage. Kung mahilig kayong magbasa ng mga apps like dreame and w*****d makukuha niyo ang ibig kung sabihin." "Contract marriage? May gano'n ba hija?" takang tanong nito sa kanya at napakamot ito ng ulo tila nag-iisip. Napangiti si Levi sa hitsura ni Aling Melba. Hindi kasi maipinta ang mukha nito. "Oo, sa mga korean drama Aling Melba uso 'yan. Kaya next time sumama ka kay Micah para ma-gets mo ang punto ko,