Ramdam ni Levi ang matipunong dibdib ng binata sa tuwing lumalapat ang kanyang likod sa dibdib nito. Tila may kuryenteng bumubuhay sa kanyang kalamnan na pilit niyang inignora. Mas kumapit pa siyang mabuti sa may tali ng kabayo. "Matagal pa ba tayo?" reklamo ulit niya sa binata. "Bakit nagmamadali ka ba?" asar na sagot ng binata sa kanya. "Ang bagal mo kasing magpatakbo ng kabayo kaya ang bagal natin, sa tingin mo kaya darating tayo sa patutunguhan natin?" "Could you please shut up! Damn you woman!" tugon ni Mike sabay palo kay Tigrel at naging mabilis ang takbo ng kabayo, halos nagkukumahog si Levi sa pagkapit ng mahigpit sa mga braso ng binata, kasabay niyon ay ang biglang pagkulog ng malakas. Napasigaw si Levi dahil sa gulat. Lihim na napangiti ang binata sa tinuran niya. Aminin