"Aling Melba nasaan po sina Tita?" tanong ni Levi sa kasambahay na ngayon ay abala sa pagluluto. Since wala naman siyang magawa naisipan niyang tulungan ito.
"Nasa kwarto hija nagpapahinga, ang laki mo na hija, at ang ganda-ganda mo, mana ka sa mama mo," nakangiting turan ng matanda sa kanya.
"Aling Melba na man nambola pa, wala po akong pera, pero salamat na rin," nakangiting sagot niya sabay hiwa ng sibuyas.
"Totoo yon a, ikaw talagang bata ka, balita ko ikakasal ka raw kay Mike, totoo ba 'yon?"
Hindi niya akalaing may pagka-chismosa rin pala itong si Aling Melba. Napaharap siya dito at napatango. Gulat itong napatakip sa bibig.
"Jusko! Totoo nga pala talaga ang sabi-sabi. Paano yun nangyari e, bata pa lang kayo hindi na kayo magkasundo no'ng batang iyon?"
"Naku, ayoko nang pag-usapan pa iyon Aling Melba. Ang mahalaga nadala namin dito si Tita sa Hacienda, kailangan niya kasi ang sariwang hangin, doon sa lungsod puro usok ang nalalanghap niya."
"Kung sabagay, tama rin na dinala dito ni Don Marco si Doña Thalia, mas magiging mapapabuti pa siguro ang kalagayan niya."
Nang matapos ang kanilang ginagawa ay tinulungan niya itong maghugas ng mga kasangkapang ginamit sa pagluluto. Nang mamataan ni Levi si Mr. Montenegro na mukhang nagmamadali patungo sa garahe.
"Tito sandali lang, si Tita po?" sigaw niya para marinig siya nito. Napahinto ito at napahampas sa noo.
"Damn! I forgot, Levi hija halika nga sandali," tawag nito at mabilis na lumpit dito.
"Yes po Tito."
"Pwede bang ikaw na muna ang bahala sa Tita mo? Kasama niya ngayon ang kanyang private nurse, but I want you to keep an eye on her hija. May aasikasuhin lang ako sa opisina and please, just like what I told you and Mike, iwasan ninyo ang mag-iringan sa harapan ng Tita mo."
"Opo Tito, makakaasa po kayo sa'kin," mabilis niyang sagot at agad na rin itong tumalikod sa kanya para pumasok sa kotse nito.
Mabilis ang kilos na tinahak ni Levi ang hagdan at tinungo ang kwarto ng Ginang. Nakaawang ang pinto kaya pumasok na lamang siya sa loob. Kasama pala nito si Mike na sa wari niya'y may pinag-uusapan ang mga ito. Napansin niya ang isang nurse na babae na sa tingin niya'y ka-edad lang din ni Micah. Ngumiti ito sa kanya at gumanti rin s'ya ng ngiti dito.
"Lalabas lang po ako saglit senyora," paalam ng nurse sa Ginang at saka napansin ang papalapit na si Levi.
"How are you Tita,?" masiglang tanong n'ya dito.
"I'm fine hija, lalo na't kasama ko kayong dalawa ni Mike. Gusto ko sanang bisitahin ang mga trabahador ng hacienda kaya lang sa lagay kong 'to it's impossible. So I decided na kayo ni Mike na lang muna ang bumisita sa kanila, gusto kong malaman ang kalagayan ng hacienda natin, at ng kalagayan ng mga trabahador natin." mahabang tugon ng Ginang.
"S-sure Tita, yun lang naman pala, kaya na namin 'yon ni Mike," sagot niya sabay kindat sa binata. Tumaas lang ang kilay ng binata sa tinuran niya.
"Well, since nasabi ko na, go on guys, Mike ikaw na ang bahala sa fiancée mo, please take good care of her hijo," nakangiting tugon ng Ginang.
"Ma...." protesta nito, tumayo na ito at humalik sa pisngi ng ina, at nagpatiuna nang naglakad paalis.
"Sige Tita, aalis na rin ako, baka topakin na naman ang lokong 'yon," si Levi sabay halik sa Ginang at nagmamadaling naglakad para habulin ang binata.
Nang makalabas na siya'y tinungo niya ang kwadra, tiyak niyang nandon ang binata para hanapin ang kabayo nitong si Tigrel. Hinanap niya si Mang Ben para ipahanda si Sapira dahil yon ang sasakyan niya para puntahan ang mga trabahador.
Natagpuan niyang nag-uusap sina Mang Ben at Mike, napansin niyang nakahanda na si Sapira at Tigrel, pero biglang kumunot ang noo ni Levi nang may mapansin siyang parang may katabing babae si Mike. Lumapit siya sa mga ito, nang mapansin ng mga ito ang kanyang presensiya saka lang niya nakita si Trisha.
So, heto pala ang katabi ng magaling niyang groom-to-be. Napangiti siya ng peke kay Trisha umirap lang ito sa kanya sabay taas ng kaliwang kilay nito at pagdakay umalingkis sa braso ni Mike.
Lihim siyang napangiti, hindi niya akalaing hanggang dito ba nama'y nandito rin ang bruhang 'to. Nilapitan niya si Sapira at hinaplos-haplos.
"Matagal-tagal na ring hindi niyo nasakyan ang dalawang kabayo na ito, ingat kayo senyorito Mike, Levi," tugon ni Mang Ben na hindi lingid dito ang kakaibang tension sa pagitan ng dalawang babae.
"Salamat po Mang Ben," sagot ni Levi at mabilis na sumakay kay Sapira.
"Mike, ba't nandito ang babaeng 'yan, akala ko ba tayong dalawa lang?" maarteng reklamo ni Trisha na kulang na lang ay kalmutin siya sa kakaibang tingin na ipinukol nito kay Levi.
"Come on Trish, this is not the right time na magreklamo ka, kailangang kasama natin si Levi, kami ang inatasan ni Mama na kumustahin ang mga trabahador ng hacienda."
"Fine," tugon ng babae at napairap muli kay Levi. Inalalayan ito ni Mike para makasakay sa kabayo ng biglang sumigaw si Tigrel at na out of balance ang dalawa, hindi yata sanay ang kabayo sa amoy ng dalaga.
Hindi na napigilan ni Levi ang mapatawa, paano ba na man kasi sa may putikan pa tumilapon ang mukha ni Trisha, gustuhin man niyang kontrolin ay hindi niya magawa. Katabi pa ng tae ng baka.
"Levi enough!" bulyaw ni Mike sa kanya. Ngunit hindi ito nakapagpigil sa tawang kailangan niyang ilabas kung hindi ay baka mautot pa siya kung pipigilan niya, mas nakakahiya yata 'yon.
"I'll apologize but I can't help it," pagdakay tugon ni Levi ng makahuma na galing sa pagtawa. "I guess, mas mabuti pa ako na lang ang pupunta, instead, you can tour your sexy, beautiful girlfriend here in hacienda, yan kasi ang taklesa buti nga sa'yo," si Levi, mahina lang ang pagkakasabi niya sa huling salita.
Mabagal lang ang pagpapatakbo niya sa kabayong si Sapira. Amoy niya ang sariwang hangin na matamang tumatama sa kanyang makinis na balat. Nililipad ng hangin ang alun-alon niyang buhok na hanggang balikat.
Malaki ang patag na tinatakbuhan ni Sapira papunta sa bahay ng mga trabahador. Si Tito Marco niya ang nagturo kung paano sumakay ng kabayo. Hinila niya ang tali ni Sapira para hudyat na pahintuin ito sa mabagal nitong pagtakbo. Gusto niyang pagmasdan ang mga tao na busy sa ginagawa, mula sa kinaroroonan niya, kita niya ang pagpapagal ng mga trabahador.
Huminto na man si Sapira. Bumaba siya at itinali si Sapira sa isang puno ng mangga. Nais niya munang maglakad-lakad, total malapit na naman siya sa mga trabahador, nilakad niya ang papunta sa mga ito nang hindi sinasadyang nakaapak siya nang parang may matulis na bagay.
Napahiyaw siya ng malakas, kung minamalas nga naman siya, sigurado siyang walang makakarinig sa kanya sa bandang kinaroroonan niya. Napa-upo siya at dahan-dahang tiningnan ang kanyang kaliwang talampakan, napangiwi siya ng may napansin siyang nakausling sanga. Napasapo siya sa sariling noo, bakit nga ba hindi siya nagbihis ng boots. Flat sandals ang ginamit niya kaya siya nasugatan.
Gustuhin man niyang tumayo pero hindi pa niya kaya, mahaba ang sanga na nakasugat sa talampakan niya. Napansin na niya ang pagdurugo nito. Aaminin niyang palaban siya ngunit ang makakita ng maraming dugo ay may kakaiba siyang nararamdaman, tila biglang nanlamig ang kanyang mga kamay.
Nang biglang makarinig siya ng yabag ng kabayo. Salamat na man at may tao makakahingi siya ng tulong. Akmang sisigaw na sana siya nang biglang nawalan siya ng ulirat.
***
Nagising si Levi sa isang malambot na kama at pagdakay nakaramdam siya ng munting kirot na sa tingin niya'y parang nasa talampakan niya. Saka lang niya naalala ang nangyari kanina kasabay ng pagbalikwas niya ng bangon at napaupo sa kama.
"Mabuti na man at gising ka na senyorita," pasaring na saad ni Mike sa kanya. Napalingon siya dito.
"Kumusta ang mga trabahador?" imbes na makipagtalo sa binata ay iba ang kanyang isinagot, wala siyang time ngayon sa mga pasaring ni Mike, iba kasi ang pakiramdam niya, para siyang lalagnatin na ewan.
"Sa tingin mo ba mas uunahin ko pa sila kesa sa'yo na kulang na lang maubusan ka na ng dugo kanina? Dugo lang takot ka na?"
"Wow, salamat sa concern ha, pwede ba 'wag ka munang mang-away sa'kin, wala ako sa mood na makipagtalo sa'yo."
"Yan na man ang hirap sayo, lahat na lang ako ang kontrabida sa buhay mo, pwede ba Levi wag kang plastik, alam ko namang hinahangad mo ang mana ng pamilya namin e, hindi ba?" seryosong saad ni Mike, lumapit ito sa kama at dinuro siya.
"At san mo na man nakuha ang chismis na 'yan? Sa maarte mong girlfriend na walang ibang gawin kundi ang manlait ng kapwa? Nagpaniwala ka na naman don? Naku... hitsura no'n ubod ng sinungaling."
"Damn you woman! Wala ka talagang kwentang kausap!" inis na tugon ni Mike at marahas na umalis sa silid niya.
"Ako pa talaga ang plastik? Mukha mo!" bulong ni Levi at napangiwi siya ng biglang kumirot ang kanyang talampakan.