Madilim na ang paligid nang huminto ang malakas na ulan. Naisipan ni Mike na bukas na lang sila babalik ng mansion dahil sigurado siyang maputik ang daan. Ayaw niyang ilagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan. Napasulyap siya sa natutulog na si Levi. At pagdakay sumilip siya sa may bintana ng kubo, nang may mamataan siyang liwanag na sa tingin niya'y mga liwanag na nanggagaling sa flashlight. Lumabas siya ng kubo. Hindi nga siya nagkamali, kilala niya ang mga paparating, mga tauhan ito ng kanilang hacienda, malamang nautusan ito ng kanyang ina na sunduin sila, na lubos niyang ipinagpasalamat. Gustuhin man niyang gisingin si Levi pero hindi niya magawa. Nang makalapit ang mga tauhan sa kinaroroonan nila'y may napansin siyang may dalang towel ang mga ito, iniabot ito sa kanya at kinuh