Chapter Three: 7's

2407 Words
Zurie 's POV *Kring* *Kring* Agad kong pinatay ang alarm clock at tumayo na. 5:20 A.m. na pala. 7 a.m. ang class namin. Kailangan ko na mag-asikaso. Pagtingin ko sa dalawa ay mga tulog pa sila. Dumiretso ako sa mini kitchen at binuksan yung Ref. Magluluto na lang muna ako habang natutulog sila pero pagtingin ko sa loob ng ref ay tatlong egg, isang balot ng cheese, bacon, hotdog at Fresh milk lang ang laman. Literally. Kinuha ko lahat ng laman ng ref. ni-scramble egg ko yung itlog at nilagyan ito ng cheese, pinrito ko naman yung bacon and hotdog. Nagfried rice din ako. Inayos ko na yung lamesa at naglagay din ng 3 glasses na may lamang milk. "Wahhh!!" Siguro kung nasa anime world lang ako ay nagniningning na ang mga mata ni Sara ngayon. "Shh, natutulog pa si Ziela," saway ko sa kan'ya. "Ops, sorry," sabi n'ya at nag-peace sign sa akin. "Ang ingay mo Saraa!" bigla namang may lumipad na unan at tumama ito sa ulo ni Sara. "Aray naman Ziela!" reklamo ni Sara dito. Masaya at thankful ako dahil sila yung naging ka-room mate ko. Kung hindi sila ang naka-room mate ko at ibang bampira panigurado ay wala na ako ngayon. Ubos na ang aking dugo. Napabuntong hininga naman ako. Sabi ko pa dati wala akong balak makipagkaibigan sa mga bampira.. pero parang binabawi ko na. Mabait naman sila sa akin. "Wahh, may chef na tayo!" sabi ni Ziela at umupo. "Kailangan na nating mamili mamaya ng mga pagkain. Ubos na laman ng ref eh," Sabi ko sa kanila. "Sige, mamayang uwian mag-grocery tayo!" Masayang sabi ni Sara. "Kung papayagan tayong umalis dito sa Academy ng Principal," nakabusangot na sabi naman ni Ziela. "Papayagan yan. Think positive lang," Sabi ko at kumain na kami. Pagkatapos namin kumain ay isa-isa kaming naligo. Ako yung naunang maligo kaya nag-aayos na ako ngayon. Nagpulbo, suklay at lip gloss lang ako tapos sinuot ko na yung bag ko. "Oy Ziela! bilisan mo! naka-ayos na si Zurie tapos ako hindi pa nakakaligo." Bulabog ni Sara kay Ziela na naliligo pa ngayon sa bathroom. "Oo naaa! give me 5 minutes!" sigaw naman ni Ziela sa loob. "6:10 na eh! sa public cr na nga lang ako maliligo," Sabi ni Sara at kinuha ang mga gamit n'ya. "Saan yun?" tanong ko sa kan'ya. "Dito lang din sa building. Bawat floor may public cr din. Ginawa din yun para sa mga nagmamadaling maligo kagaya ko," Sagot naman ni Sara. "Ahh.." tumango naman ako. "Ligo na muna ako. Hintayin n'yo akonah!" sabi ni Sara tapos ay lumabas na. Kinuha ko naman yung black na libro na binigay sa akin ni Ms. Olivia. "Ano pa kayang meron dito?" tanong ko at binuksan yung medyo dulong pahina. "7's?" tanong ko at tinignan ito. May mga pictures sila dito at mga informations. 7's 7's is a Group of Royal Blooded Vampires. They consists of 7 members. Their family is known in the whole world wide. 7th member: Krishia Henly Titus Krishia Henly Titus. 16 years old. Her mother's name is Wendy Titus and her Father's name is Axel Joseph Titus. She's the Reaper of the Group. Her family is well known world wide. Her family's rank is #14. 6th Member: Ryker Jax Wyatt Ryker Jax Wyatt. 15 years old. His Mother's name is Raelyn Wyatt and his Father's name is Jackson Wyatt. He's also a Reaper. 2nd reaper of the group. His family's rank is #10. He's the youngest in the group. 5th member: Daria Rowan Xrist Daria Rowan Xrist. 16 years old. Her Mother's name is Rachel Lia Xrist while her Father's name is Juan Ethan Xrist. She's the fragile of the group so she has a butler to watch over and protect her. Her family's rank is #6. 4th member: Gabriel Harper Gabriel Harper. 16 years old. His Mother's name is Gabriella Harper and his Father's name is Robert Harper. He's the Manipulator of the group. His family's rank is #9. 3rd member: Yura Ersisan Wrison Yura Ersisan Wrison. 16 years old. her Mother's name is Yuka Wrison and her Father's name is Calvin Sam Wrison. She's the Queen of the group. Her family's rank is #5. 2nd Member: Jace Angelo Isiphia Jace Angelo Isiphia. 16 years old. His Mother's name is Jacy Isiphia while his father's name is a mystery. He's the King of the group. His family's rank is #3. and 1st Member: Zach Mikel Harisson Zach Mikel Harisson. 16 years old. his mother's name is Mickey Sarin Harisson and his father's name is Zeke Paolo Harisson. He's the leader of the group. His family's rank is #2. Pinagmasdan ko ng maigi ang mga litrato nila. Ibigsabihin ba ng mga rank na ito ay kung gaano sila kalakas? Nang matapos kong basahin ito ay nilipat ko naman ng pahina. Clariffaye "Clariffaye," Basa ko dito. Sakto namang lumabas ng CR si Ziela at nakabihis nadin ito. "Binigyan ka din ng principal n'yan?" Tanong ni Ziela habang pinupunasan yung buhok nya. "Ahh, oo. Bakit?" tanong ko sa kanya at sinara na ang libro. "Wala, lahat kasi tayo may ganyan. Pero di ko talaga alam kung bakit tayo binigyan n'yan kung pwede naman nating mahanap yung mga informations na nakasulat d'yan sa library," sabi n'ya habang nagsusuklay. "Hey guys!" napatingin naman kami sa pinto at pumasok na si Sara na nakabihis na din at nagsusuklay ito. "Nako, 6:25 na, bilisan na natin. By the way nasa book yung mga schedule natin," sabi ni Ziela. Paglabas namin sa room ay marami na ding mga tao ang naka-uniform dito sa corridor ng dorm. "Waittt, anong section nyo?" tanong ko sa kanila. "Section 2 ako," sagot ni Sara. "Ako din 2," Sabi naman ni Ziela. "Eh?" tanong ko habang binasa ulit yung schedule ko. "Bakit?" sabay nilang tanong sa akin. "Section 1 ako," sabi ko at tinignan sila. "WHAAT?" medyo napalakas yung sigaw nila kaya naman pinagtitinginan kami ngayon. Ngumiti lang naman kami sa mga napatingin sa amin at nag-sorry. "Ang ingay nyo," reklamo ko sa kanila. "Sorry, nabigla lang," Sabi ni Sara at ngumiti. "Pero paano ka napunta dun?" Naguguluhan na tanong ni Ziela. "Hindi ko alam. Bakit? ano bang meron dun?" tanong ko at pumasok na kami sa elevator. "Nandun ang 7's." "Ha?" this time ay ako naman yung nabigla at pinagtinginan. "Shhh," sabay na sabi ng dalawa at tinapat pa ang index finger nila sa labi nila. "Sorry, sorry," agad kong sabi. Pagkalabas namin sa elevator ay nagsimula na ulit silang magsalita. "Kada isang section ay 20 students lang ang nandodoon at dahil andun ang 7's at special section yun, puro vampires ang nandoon at kung hindi sila Royal blooded ay may connections naman sila sa Principal at may gagampanan sila," paliwanag ni Ziela. "So.. meaning, ako lang mag-isa ang taong nandoon?" tanong ko sa kanya. "Uhm, possible," sagot ni Sara at pumitik. "What the? baka pagtapos ng klase ay wala na akong dugo." "Baliw!" sabay nilang sabi at tumawa. "Basta wag ka lang gagawa ng ikakainis nila, okay?" sabi ni Ziela sa akin. "Okay," sabi ko at tumango kahit na kinakabahan ako. "Dun na tayo sa Building A," sabi ni Sara "6:40 na din oh." Pagpasok namin sa Loob ay nakasalubong ko yung isang babae at lalaking kulay blue ang mga mata. Sila yung nadaanan ko sa hagdan kahapon. Nakatingin din sila ulit sa akin ngayon. Pero bakit? "Uy, Zurie." Napatingin naman ako kay Ziela nang tawagin nito ang pangalan ko. "Ha?" Agad kong tanong sa kan'ya. "Anong iniisip mo? kanina pa naming sinasabing ihahatid ka namin ni Sara sa classroom mo, kasi i'm pretty sure na di mo pa alam kung san yun, right?" "Uh, yea. Sorry." pumasok na kami sa elevator at nagpunta sa 4th Floor. "Sa 3rd Floor yung classroom namin in case na di mo alam," Sabi ni Sara habang nakatingin ito sa librong hawak nya. "Anong room?" tanong ko. "May map sa gilid ng elevator so kung pupunta ka tignan mo na lang para hindi ka maligaw, okay?" sabi naman ni Ziela sa akin. "Okay," sabi ko at tumango. "Pero.." "Pero?" tanong nila at tinignan ako. "Sino si Clariffaye?" tanong ko sa kanila dahil kahapon pa ako nabo-bother kay Clariffaye. *Ting* "Mamaya na lang, nandito na tayo," Sabi ni Ziela at lumabas na kami sa elevator. "Sa dulo pa yung classroom mo, medyo malayo pala," sabi ni Sara habang nakatingin sa map dito sa gilid ng elevator. "Nah, wala ka lang kasing excercise eh," sabi naman ni Ziela kay Sara. "Pwede namang ako na lang pumunta, tsaka 6:50 na pala. Baka ma-late pa kayo," sabi ko sa kanila. "Ay sh*t! oo nga, no!" sabi ni Ziela at tinignan yung relo n'ya. "Una na kami ah? basta dun sa bandang dulo yung classroom mo and don't make mistake!" sabi ni Sara at sabay na silang tumakbo pabalik dun sa loob ng elevator. Napatingin naman na ako sa paligid. Ako lang mag-isa dito sa hallway. Medyo ang creepy tuloy. Nagsimula na akong maglakad at napatingin sa mga paintings sa pader. Kakaiba yung aura ng mga paintings. Yung pagtititigan mo sila para kang nasa ibang mundo. Yung para bang nandun ka sa loob. Parang nasa ibang building nga din ako eh. Medyo madilim dito at nalilinawagan lang ng ilaw. Di tulad sa 1st to 3rd floor na madaming bintana. "Hey!" "Ahhh!!" napatili ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko at nang may humawak sa balikat ko. Napatingin naman ako sa babaeng tumatawa na nasa likuran ko at nakahawak sa balikat ko. Wait. Nagflashback sa'kin yung 5th member ng 7's. "Daria Rowan Xrist?" tanong ko dito. Kulay blonde ang buhok n'ya na maiksi at sobrang puti n'ya din. Kulay itim ang mata n'ya at pula ang kan'yang labi. Nakita ko ang pangil n'ya sa pagtawa n'ya. Tumigil s'ya sa pagtawa at ngumiti sa akin tapos ay nilahad ang kamay "Yes. I'm Diara Rowan Xrist, and you are?" "Zurie Belladona Angeni," sabi ko at tinanggap ang kamay nya. Pagkatanggap ko ng kamay nya ay parang biglang lumamig at nahihirapan akong huminga. Bakit? may kakaiba s'yang feeling.. hindi ko maintindihan. "Nice meeting you, Zurie," sabi n'ya tapos ay binitawan na n'ya ang kamay ko. "See you later." Ngumiti ulit s'ya tapos ay nauna nang maglakad. Pagkalayo n'ya sa akin ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Hinabol ko ang hininga ko. Grabe. Akala ko mamatay na'ko dahil hindi na ako halos makahinga kanina. Parang may pumipigil sa'kin. *Ting ting ting...* Tumunog na yung bell kaya naman binilisan ko na ang paglalakad. Huminto ako sa itim na pinto na may nakasulat na 3-A. Kakatok ba'ko or bubuksan ko na lang ito? Hahawakan ko na sana ang door knob at bubuksan ito pero may nagbukas ng pinto mula sa loob. Napatingin ako sa kanya at lalaki ito. Natigilan ako dahil mukha s'yang pamilyar. "Are you coming in or not?" tanong nya sa akin. 4th member... "Gabriel Harper?" Hindi ko sinasadya na masabi ang kan'yang pangalan. "Woahhh, you know my name?" Tuwang tuwa na tanong n'ya sa akin. "Ahm, yes," Sagot ko sa kanya at hinigpitan ang hawak sa bag ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Isang bampira na naman ang nasa harapan ko ngayon. "Transferee?" tanong n'ya sa akin at tumango lang ako. "And your name is.. Zurie Belladona Angeni, right?" sabi n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya at bigla s'yang kumindat. "Ahh, oo," sagot ko at papasok na nang humarang s'ya. "Hey, I'm still talking to you," biglang naging seryoso yung boses nya. I froze. Naalala ko yung sinabi nila Ziela at Sara na wag daw akong gagawa ng ikakainis nila. "Sorry," mahina kong sabi at yumuko. "Don't need to say sorry," sabi nito at nagulat ako nang hawakan nya ang chin ko at tiningala ang aking mukha para mapalapit sa kan'yang mukha. Nakita ko nang malapitan ang mga mata nya. Nagiging pula ito at bumabalik sa pagiging kulay itim. Aaminin kong namangha ako sa aking nakita dahil kakaiba ito. "Harper, babe!" biglang may sumigaw at pumagitna sa amin. "Parsia?" kunot-noong tanong ni Gabriel dito. "It's Veronica," galit na sabi ng babaeng kulay pink ang buhok at tinignan ako ng masama. "You're the Transferee right?" tanong nya sa akin. Tumango lang naman ako "Can I ask a question?" mahina kong tanong. "Yea, sure. Go ahead," sagot naman ni Veronica. "Saang pwesto dito ang available pa?" tanong ko at ngumiti ng konti sa kan'ya dahil mukhang suplada ito. "Woah! you're prettier when you're smiling, Zurie." Singit ni Gabriel. "Gabriel!" saway ni Veronica, "and there, sit there," sabi n'ya at tinuro yung pangalawa sa pinakadulong upuan. "Thanks," sabi ko at nagsimula nang maglakad. "Wait!" pigil ni Gabriel sa akin. "Gab! Isa!" Sigaw ni Veronica sa kan'ya. "Okay, okay. Sorry," Give up ni Gabriel dito dahil nakakapit na sa kan'yang braso si Veronica. Pagtingin ko naman sa lahat ay kulang kulang pa kami. Nakita ko si Daria na may kasamang lalaking nakasuot ng itim na suit. Mukhang close din sila. "Ohh, Hi!" sabi ni Daria nang mapatingin s'ya sa akin at kumaway. Ngumiti lang ako sa kan'ya at nakayuko akong pumunta sa pwesto ko. Empty pa yung katabi ko. Napatingin naman ako sa paligid. Lahat sila ay may ginagawa. Nanito na yung dalawang member ng 7's at may 6 pang bakanteng upuan. "Hey," napatingin ako sa babaeng naka-bun ang buhok at umupo sa tabi ko "I'm Freya Kaysia Giergi," Pakilala n'ya sa kan'yang sarili. "Transferee?" tanong n'ya sa akin. "Yep," sagot ko dito. "Zurie Belladona Angeni." "Omygod! sa wakas ay may kapwa taong babae na din akong classmate," masaya n'yang sabi at pumalakpak. "You're a human?" tanong ko sa kan'ya. "Yep!" Nakangiti n'yang sagot sa akin. "Really?" Nakakunot noo kong tanong sa kan'ya. Mabuti naman at may kauri din akong tao dito kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. "And may isa pa tayong kagaya," Sabi nya at tinuro yung lalaking may kausap na mga babaeng bampira "Him. Kyle Hardid." "Ahh.. he's friendly," Komento ko dahil mukhang malapit ito sa mga babae. "Yeah," sagot ni Freya at tumawa. Biglang bumukas yung pinto at may pumasok na dalawang babae at tatlong lalaki. Sila na ata yung ibang members ng 7's. Napatingin naman ako sa paligid dahil nanahimik na sila at umupo na sa mga tamang upuan nila. Napunta naman ang tingin ko dun sa 1st member at leader ng 7's. Si Zach Mikel Harisson. Nakatingin din ito sa akin at agad akong nag-iwas ng titig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD