Chapter Two: Dormmates

1723 Words
Zurie's POV "how did you--" "I'm Ziela Carrie Zafhri. I'm one of your roommates." Pakilala n'ya at saka lang ako binitawan nang nasa tapat na kami ng malaking pinto. Dormitory na ata ito para sa mga babaeng estudyante ng Alvah University. "Ahh.. Zurie Belladona Angeni ang pangalan ko," Agad kong sabi sa kan'ya. "Let's hurry," sabi n'ya at binuksan na ang pinto. Pagpasok ko ay hallway agad ang bumungad. Kulay Dirty cream ang pader. Kulay brown naman yung mga pinto na may designs at may mga number na nakasulat sa gitna nito. May mga vase at halaman din sa gilid. Napansin ko ding madaming paintings ang nakasabit sa pader. "Sa 3rd Floor Pa tayo," Sabi ni Ziela at lumiko. "Teka, bakit.. parang nawala yung mga estudyante kanina?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. "May natagpuan silang patay na Bampira," Paliwanag n'ya. "And yeah, hindi pa alam kung sino ang may kagagawan nito." Agad akong napatigil sa paglalakad at tinignan sya. Hindi kaya... trap ito? "What the? don't worry, wala akong gagawing masama sa'yo. Gusto ko ng tahimik na buhay," Nakasimangot na saad nito. "Pano kita mapagkakatiwalaan?" tanong ko sa kanya. Narinig kong napabuntong hininga s'ya. "Cross my heart," she said sabay nag-sign ng cross sa dibdib n'ya. "Okay," mahina kong sagot at sumunod na din sa kan'ya. Kailangan ko parin maging alerto. Hindi ko pa naman kilala at isa s'yang Bampira. "Elevator na gamitin natin," sabi n'ya at binuksan yung elevator tapos ay pumasok na kami dito. "Tuwing may natatagpuan silang patay na tao or vampire, lahat ng studyante dito ay dapat na nasa Dorm nila. Kung hindi, magiging suspect ka. At be sure na hindi ka magpapakita sa 7's," sabi nito. "Bakit?" Agad kong tanong sa kan'ya. "Dahil pag napagtripan ka nila, ikaw ang magiging target ng buong Academy. Especially, Daria," sagot n'ya. Sakto namang bumukas na yung elevator. "Nandito na tayo, sa pinaka dulo nga lang yung room natin." Sabay na kaming lumabas sa elevator. "Hanggang ilang rooms ba ang meron dito?" tanong ko sa kan'ya. "65," Sagot n'ya habang nakatingin sa dinadaanan namin. Napatingin ako sa kanan ko. May mga pictures dito, nakita ko ang bata na kulay puti ang buhok at nakatalikod. Puro mga bulaklak ang nasa paligid nya. "Clariffaye," rinig kong sabi ni Ziela. "Huh?" Naguguluhan ko s'yang tinignan. "That's Clariffaye," sabi n'ya at ngumiti. "Anak s'ya ng Principal ng school na'to," Dagdag n'ya pa at nagsimula nang maglakad. "Yung babaeng.. kulay puti ang buhok?" tanong ko at puro mga bintana na ang nadadaanan namin. "Nope. Yung tinutukoy mo is si Miss Olivia. Ang totoong Principal ng School na'to ay di pa bumabalik." "Then, sino si Olivia? kaano-ano nya yung Principal ng school na'to?" tanong ko pa sa kan'ya. "Kapatid," Sagot nya. "Eh, ano namang nangyari kay Clariffaye-" "Nandito na tayo," sabi n'ya at tumigil na sa paglalakad kaya huminto na din ako. Napatingin naman ako sa pinto sa harap namin ngayon. Oo nga. 54th ang nakasulat sa pinto nito at ito na ang room na pinakadulo. "Uhmn.." gusto kong itanong kung ano ba ang personality ng makakasama ko pang isa dito sa dorm pero nakakahiya namang magtanong. Nakita ko din kasi na nakasulat sa book na tatlo ang nagshe-share sa iisang room. Mukhang madami silang estudyante dito. "Don't worry, mabait s'ya. Wag kang kabahan," Sabi ni Ziela sabay bukas ng pinto. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay nakita ko agad ang isang babaeng nakatayo sa tapat ng pinto sa loob na may hawak na libro. Kulay Itim ang kan'yang mga mata. Pula ang labi. Maliit, mapula at makinis ang pisngi. Maputi din sya. Kulay Brown ang buhok n'yang hanggang balikat at medyo curly ang dulo. "Hi! Saracley Maxi Larris is my name. 15 years old and I'm looking forward na maging friend kita katulad ni Ziela," Sabi nito at ngumiti sa akin. Mukha s'yang manikang nagsasalita. Hindi ko ineexpect na mabait s'ya kasi parang mukha s'yang maldita. But then again, lahat naman mabait sa umpisa. "Zurie Belladona Angeni," pakilala ko at nilahad ang aking kamay. "Nice meeting you," sabi ko pa at nakipag-shake hands naman s'ya sa akin. "Uhmn, anong gusto mong foods? para kasing gutom ka eh," Tanong ni Saracley at sinarado na yung pinto. "Oo nga. May mini Cafeteria dito, anong gusto mo? bibili na lang kami ng pagkain. Pahinga ka muna, okay?" sabi sa akin ni Ziela. "Kahit Pizza and Fries lang," Sabi ko at nahihiyang ngumiti sa kanila. "Roger!" sabi ni Saracley at tumawa tapos ay hinila si Ziela papalabas dito sa kwarto. Ang weird ng feeling pagkausap or kasama ko sila. Siguro iba kase ang aura pag kasama mo ay bampira. Medyo kinakabahan ako pero kailangan ko tatagan ang aking sarili. Napatingin naman ako sa Room. Ginala ko ang aking mata. Parehas lang ng kulay ang pader sa labas na Dirty Cream at parang wood-style yung sahig. May tatlong kama din dito. Kulay Red, White at Blue. Bawat kama ay may side table at yung Kulay Red and blue na kama ay may gamit na yung side table so meaning yung kulay White na lang ang available. Pumunta ako dun at umupo. Katamtaman lang ang lambot ng kama. Kinuha ko yung maleta ko at hinubad yung suot kong bag pack. Kinuha ko din yung clock ko at nilagay ito sa side table pati narin ang picture namin ni mommy na nasa picture frame. Tapos ay may Cabinet naman sa kabilang side. Inayos ko na din yung mga damit ko tapos ay nahiga ako sa kama. May chandelier din dito pero medyo maliit sya. May bintana din dito sa tabi ko. Pinakadulo kasi yung kama ko. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Nagulat ako nang may makitang nakatayo duon na nakasuot ng itim. Hindi ko alam kung babae o lalaki sya dahil malabo ang mata ko. Agad kong kinuha yung salamin ko sa bulsa at pagkasuot ko nito ay wala na yung nakasuot ng itim. "Zurie!" "Ahh!" napasigaw ako sa gulat at ang sunod kong narinig ay ang pagtawa ng dalawa. "Bat naman gulat na gulat ka?" Natatawang tanong ni Ziela sa akin. "Oo nga! para kang nakakita ng multo." Sabi naman si Sara sabay lapag ng Dalawang Box ng pizza, fries at coke sa Table. May mini kitchen din pala dito sa kwarto at kumpleto ang mga gamit. Umupo kami sa upuan at kumain. "Pagod lang siguro ako," Mahina kong sabi sa kanila. "Ahh, matulog ka ng maaga mamaya. May klase na kasi bukas at 7:00 Am yun," Sabi ni Ziela habang nginunguya yung Pizza nya. "May tanong ako," Sabi ko at tinignan silang dalawa salit-salitan sa harap ko. "Ano yun?" tanong ni Sara. "Hindi ba kayo.. nauuhaw?" tanong ko "I mean.. di n'yo naman iinumin yung dugo ko, diba?" Nagkatitigan silang dalawa at tumawa ulit. Masayahin ata sila? "Nope. Hindi namin gagawin yun," sabi ni Ziela. "Tsaka isa pa, kaming mga bampira kaya naman naming di uminom ng dugo ng tao. Dugo lang ng hayop ang iniinom namin," sabi ni Sara sabay subo ng fries. "Ahh.." nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot nila. "Ano namang meron sa 7's?" tanong ko at parehas silang naistatwa at napatingin sa'kin. "So? ano meron sa kanila?" ulit ko. Napaubo naman si Sara at sa tingin ko ay nabilaukan ito. "Wait-" sabi n'ya at uminom ng coke. "Bakit mo naman natanong yan?" tanong ni Ziela habang seryosong nakatingin sa akin. "Curiousity," Sabi ko at kinain na ang huling slice ng Pizza. "Okayy, dahil natanong mo na din ay sasagutin yan ni Ziela!" sabi ni Sara at tinuro si Ziela. "Okay, fine," Nakasimangot na sabi ni Ziela. "Ang 7's ay binubuo ng mga Royal Blooded Vampires. Obviously, galing sila sa Royalty Family. Kung titignan mo ay magkakaibigan sila but the truth is hindi. Hindi nila gusto ang isa't isa pero wala silang choice kundi ang magsama," Paliwanag ni Ziela. "Magkakaibigan ang mga magulang nila pero sila ay hindi. Mga spoiled brats sila, masasama ang ugali, walang pasensya, lahat ng negative na ugali ay nasa kanila. Pero matatalino sila, maganda at gwapo-" "Ehem Ziela." Nagpeke naman ng ubo si Sara. "Totoo namang gwapo at magaganda sila. Pero bukod sa matalino sila ay, may mga special abilities sila. Malalakas sila and there's no way na matatalo naming mga ordinary na vampire ang mga Royalty Blooded." Dagdag nya pa. "At may mas malakas pa pala sa kanila, ito ay ang mga Noble Vampires. Ang mga Noble Vampires ay yung mga Milyon-milyong taon nang nabubuhay. Umiinom din sila ng dugo ng tao kaya mas nagiging malakas sila at sila yung tauhan nya." "N'ya?" Nakakunot noo kong tanong kay Ziela. "Our king," Sagot ni Sara. "Pero namatay ang King namin," Malungkot na dagdag ni Ziela. "Bakit?" Tanong ko dahil nacu-curious ako dito. "Dahil sa isang Vampire Hunter," mahinang sagot ni Ziela. "Vampire.. hunter?" kunot-noo kong tanong. "Ang Vampire hunters ang mga taong pumapatay ng bampira." Huminto s'ya saglit. "Pero hindi mo basta basta mapapatay ang King dahil malakas ito, at hindi mo s'ya mapapatay unless makuha mo ang bulaklak sa kan'ya." "Bulaklak?" tanong ko sa kan'ya. "Pulang rosas. Nakalagay ito sa kanyang puso at dahil sa nanakaw ang rose na iyon ng Vampire hunter ay naglaho ang king namin at nagkagulogulo ang mga bampira. Kung sino man ang makakakuha ng Rose na yun ay s'ya na ang bagong magiging King. Kaya lalong nagkakagulo ang 7's dahil sa gusto nila maging King at lumakas," Mahabang paliwanag ni Sara. "Pero mas nakakapagtakang.. nanalo ang Vampire hunter sa isang King. Tao lang ang vampire hunter na yun at wala s'yang kahit na anong kapangyarihan kaya ang ipinagtataka namin ay.. pano n'ya nakuha ang bulaklak na yun sa King?" Nakahawak sa baba na sabi ni Ziela. Natigil ang pagkukwento nila nang mag-ring ang phone ko. "Wait lang," sabi ko at pumunta sa kama ko para kuhain ang phone. "Hello?" tanong ko dahil unknown yung Caller. "Shi-ne," Mahinang sabi nito at agad na binaba ang call. "Huh? Shi.. ne?" Naguguluhan kong sabi. "Sino yun?" tanong ni Sara, "anong sabi?" "Pst Sara! wag mo nang tanungin si Zurie, baka Boyfriend n'ya yun," saway naman ni Ziela. "Wala akong boyfriend," agad kong sabi sa kanila at bumalik na sa pagkakaupo tapos ay ininom na lang yung Coke. Parang bampira yung nagsalita kanina dahil sa boses nito. Umiling na lang ako at kumain pa ng Fries. Baka napagtripan lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD