Chapter Four: Invitation

1697 Words
Zurie's POV: "I Am Kathlyn Ushaf. Your Chemistry Teacher." Siguro ay nasa 20's pa lang s'ya. Medyo wavy yung buhok n'yang kulay brown na medium Length. Suot ko yung contact lense ko kaya nakita ko ding wala s'yang pangil and marami s'yang pagkakaiba sa vampire. "She's a human?" pabulong kong tanong kay Freya. "Yes. Actually, strict s'ya pagdating sa pag-aaral pero mabait s'ya." "And by the way, we have a new Transferee here. Come here and introduce yourself," nakangiting sabi ni Ms. Kath habang nakatingin sa akin. Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan. "I'm Zurie Belladona Angeni. 15 years old.. and yeah, as you can see, I'm a human," pakilala ko sa sarili ko. "Since nasa harap ka na din, and we have a rule na pwedeng mag-ask ng questions ang mga classmate mo, ayos lang ba?" "Sure," sagot ko at ngumiti tapos ay tumingin sa mga classmates ko.Nakakapanibago at nakakailang na lahat sila ay nakatingin sa akin habang pinapanood ang bawat galaw ko. "Ma'am!" napatingin ako kay Daria nang itaas n'ya ang kamay nya. "Yes Ms. Xrist?" "Do you have a Boyfriend?" tanong nito habang nakatingin sa akin. What? napakunot na lang ang noo ko. Required ba talagang malaman ang mga relastionship status ng mga transferee dito? "Well, based sa itsura mo, wala?" tanong ni Daria at nagtawanan yung iba. Tumango lang ako at tumingin sa bintana sa gilid. Aish. Ano bang masama kung wala akong boyfriend? Hindi ko naman yun priority ngayon. "Ako!" napatingin naman ako kay Gabriel nang magsalita ito. "Yes Mr. Harper?" tanong ni Ms. Kath "Why are you so Beautiful?" agad naman akong sumimangot dahil sa tanong n'ya. Tama nga yung information n'ya sa nabasa ko. Playboy. "Next," agad kong sabi. "San ka nagpapasalon?" tanong ni Veronica. Lalo akong napasimangot. Seriously? bakit parang puro walang sense ang tinatanong nila? "Are you scared of us?... or not?" napatingin naman ako sa nagsalita sa bandang dulo. 7th member. Krishia Henly Titus. Nakatingin ito sa kin nang malalim na para bang tinitignan nya yung kaluluwa ko. "I'm not scared of them," tipid kong sagot. Naalala ko si Mommy. kailangan ko s'yang iligtas. Kung nandito s'ya, ibigsabihin kailangan kong lumaban sa mga bampira at hindi matakot sa kanila.Napatingin naman ako sa tumayo. Si Zach Mikel Harrison. "Why did you transferred here? what.. is your reason?" tumingin ito ng deretso sa kin habang nasa bulsa n'ya ang kanyang mga kamay. Hindi ko pwedeng sabihin yung totoong rason ko. "Because I'm bored and curious about Vampires," sagot ko at tumingin sa kan'ya "And it's just that.. I want to." Ngumiti ako sa kan'ya tapos ay tumingin ako kay Ms. Kath. "You can sit now," sabi nya sa akin. Sa wakas ay natapos na din. Habang naglalakad pabalik sa upuan ko ay nararamdaman ko pading may mga nakatingin sa akin. Pagkaupo ko ay kinuha ko na agad yung book ko at dito tinuon ang atensyon ko. Si Zach nga pala yung nakaupo sa likod ko at ang katabi n'ya naman ay si Yura. Ang 3rd member ng 7's. Ziela's POV: * Ringg....Riiingg.....Riiingg * "Kamusta na kaya si Zurie?" tanong ni Sara. Lunch break na at papunta na kami sa Room n'ya ngayon. "Don't know. Based sa pagkakakilala natin sa kanya, kakaiba s'ya eh." "Well .. yeah, you're right," kibit balikat na sabi ni Sara at pumasok na kami sa Elevator. "Omg. Excited na'ko mamaya sa party!" narinig kong sabi ng isang babae dito sa loob ng Elevator. "Ano kayang pwedeng masuot?" "Pupunta daw lahat ng member ng 7's." "Talaga?" "Oo! himala nga eh." Agad kaming nagkatinginan ni Sara. Sh*t. May opening party nga pala mamaya. Dahil may bagong transferee ay isa din iyun sa reason kung bakit magkakaparty at pupunta ang 7's. Zurie's POV: "Lunch time." Pagkaalis ni Mr. Tam ay nagsitayuan na ang mga classmates ko. "Yes! finally! lunch time!" nagsiunatan naman yung mga iba ng katawan nila at yung iba naman ay deretsong lumabas. "May kasabay kanang mag-lunch?" tanong ni Freya sa akin. "Meron," sagot ko sa kan'ya. "Pwedeng pasabay?" tanong nya. "Okay lang naman," sagot ko at ngumiti. Sinuot ko na yung bag ko at tumayo na kami ni Freya. "By the way, ang cute ng bag mo!" sabi ni Freya at hinila ako papatalikod sa bag kaya naman may nabanga ako. "What the hell?" napatingin ako sa babaeng nabangga ko na nakaupo na sa sahig. D*mn. "Sorry," agad kong sabi ko at napakagat sa labi ko. Nilahad ko ang kamay ko para tulungan s'yang tumayo pero hindi n'ya ito tinanggap at tumayo lang s'ya mag-isa. Napayuko ako at naramdaman ko na lang na nilampasan n'ya ako. "Oh my god. I'm sorry, Zurie," sabi sa akin ni Freya at lumapit. "Ayos lang." "Zurie!" napatingin ako sa dalawang babaeng sumigaw sa pinto papasok ng classroom. "Ziela! Sara!" tawag ko sa kanila nang makita sila. "Halika Freya, sila yung kasabay ko," yaya ko kay Freya. "Ah, next time na lang pala. May kasabay na pala ako kumain," bigla n'yang tanggi. "Huh?" napakunot ang noo ko dahil bigla ring nag-iba ang aura n'ya. "Si Kyle, kasabay ko sya and actually, boyfriend ko s'ya," dagdag n'ya pa. Hinanap ko naman si Kyle pero wala na s'ya dito pati yung mga kausap n'ya kanina. "Nasan s'ya?" tanong ko. "Nasa Cafeteria na ata?" sige una kana," sabi n'ya sabay ngiti. "Ah okay, bye, Freya," paalam ko sa kan'ya at pinuntahan sila Ziela sa labas ng classroom. "Kain na tayo, gutom na'ko," sabi ko. 12 Pm na kasi tapos yung huli naming kain ay kanina pang madaling araw. "Tara, let's go!" sabi ni Sara at nagsimula na kaming maglakad na tatlo. "By the way, bakit mo pala kasama si Freya kanina?" tanong ni Ziela. "Seatmate ko s'ya and good news, may kadamay pa ako. Yunh boyfriend n'ya rin na si Kyle." "Buti naman," sagot nilang dalawa. "Kilala n'yo ba si Freya? or si Kyle?" tanong ko pagkasakay namin sa Elevator. "Kanina nakita naming nabangga mo si Yura," singit na sabi ni Ziela. "Ahh, oo," sabi ko at napakagat sa labi ko. "Hindi ko naman sinasadya. Anong gagawin ko? baka galit s'ya sa akin. Tsaka baka malaman din yun ng iba pang members ng 7's." Nagsimula na tuloy akong kabahan ulit. "Girl, relax. Breath in. Breath out. Okay?" sabi ni Sara. "May nareceived kang Invitation?" "Yup. Masquerade yung theme ng party mamaya." "Oh my god! samahan n'yo ako bumili ng bagong gown tsaka mask." *Ting* "Anong meron?" tanong ko sa kanila nang pagkalabas namin sa elevator. "Mamaya na, sa cafeteria na namin ikokwento," sabi ni Ziela. Pagpasok namin sa Cafeteria ay umupo na kaming tatlo sa pinakadulong pwesto. Malawak dito at malaki. Marami ring estduyante, halos puno na nga ang mga pwesto. "Anong gusto n'yo? ako na bibili," tanong ni Sara sabay tayo. "Uhmn, Beef Steak sa akin tsaka Iced tea," sabi ko. "Dahil diet ako, kahit anong pasta na lang na available tsaka iced tea din," sabi naman ni Ziela. "Roger!" Naglakad na si Sara papunta sa medyo mahabang pila. "Diet ka?" tanong ko kay Ziela. "Yeah. Tumataba na kasi pisngi ko," sagot n'ya. "I almost forgot to tell you, tuwing 1st day of school nang gabi ay may gaganaping party dito. Lahat ng students ay invited. kaka-received lang namin ni Sara ng Invitation kanina. ikaw?" "Ahh." Inalala ko kung may nagbigay ba sa akin ng invitation pero wala naman. "Wala akong na-received," sagot ko. Bakit nga ba? "Wala pa? baka mamaya. Sabi nila, pupunta daw lahat ng members ng 7's. Pero nung mga nakaraang party ay hindi naman sila lahat pumupunta. And i knew it na may kinalaman tong magiging party sa'yo." "Sa akin? bakit naman?" naguguluhan kong tanong. "Because.. it's been years since may huling nagtransfer ulit dito. Ikaw na lang ulit yung lumipat dito after ilang years na yun." "So.. parang Welcome Party?" tanong ko. "Yup." "Omygosh. Yung 7's oh! kumpleto sila." May mga nagbubulung-bulungan kaya naman napatingin kami ni Zeila sa Entrance nitong Cafeteria. Nakita ko ang 7's papasok. Kumpleto nga sila. Napakunot ang noo ko nang makitang nakatingin silang lahat sa amin ni Ziela habang naglalakad. Papunta ba sila dito? dito sa pwesto namin? "Mali ba ako? or talagang papunta sila dito?" tanong ni Ziela. "I don't know." Napadpad yung tingin ko kay Zach sa hindi ko malamang dahilan. Seryoso lang yung mukha n'ya at nung mapatingin s'ya sa akin ay agad akong umiwas nang tingin at humarap kay Ziela. "Anong gagawin natin?" tanong ko Ramdam kong malapit na sila. Hindi kaya nagsumbong si Yura sa kanila? Nandito ba sila dahil don? sh*t. "Stay cool. Don't panic," mahinang sabi ni Zeila. "Hi Zurie!" napakagat ako sa labi ko saglit at ngumiti nang mapatingin kay Daria. "We are inviting you to a party tonight," sabi n'ya pa at ngumiti din. Bakit pag nandyan palagi si Daria ay parang nahihirapan ako huminga? feeling ko talaga ay may pumipigil sa'kin sa paghinga. "Here." Napatingin naman ako kay Gabriel na may inabot na envelope. Mukhang ito na ang invitation. "I'm looking forward to see you later, Ms. Angeni," sabi n'ya pa sabay kindat. "Enough. Let's go," malamig na sabi ni Zach at naunang maglakad. "Bye, Zurie!" sabay na sabi nila Daria at Gabriel sa akin. Nakita ko si Yura na umirap lang sa akin at nagsimula nang maglakad. Si Krishia naman ay naka-crossarm lang at wala akong balak tignan habang si Ryker ay ngumisi lang sa akin at nagsimula na din maglakad. "See you later." Napatingin naman ako kay Jace na nakangiti at kumaway sa akin. 2nd member ng 7's. Nang makaalis na silang lahat dito sa cafeteria ay nagsimula narin akong makarinig ng mga bulungbulungan pero hindi ko na ito pinansin at tinignan ko na lang yung invitation na hawak ko. Plain itong kulay itim na envelope. Teka. Natigilan ako saglit nang may maalala ako. Kaparehas ng envelope na ito yung nakita ko sa kwarto ni Mommy. "Zurie!" nabalik ako sa sarili ko nang tawagin ako ni Sara. "Huh?" "Yung pagkain mo, lalamig na," sabi nya at umupo sa tabi ko. "Anong nangyari pala kanina? bakit nandito yung 7's at nagpunta sa inyo ni Ziela?" tanong n'ya. Yung envelope.. bakit meron sila nito? Napadiin ang hawak ko sa invitation. Mommy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD