Chapter Five: Silver Box

1834 Words
Zurie's POV "Mamayang 10 ng gabi magi-start yung party," sabi ni Sara habang naglalakad kami pabalik sa dorm. 2 pm na at tapos na ang mga klase naming tatlo. "May damit na ba kayong susuotin?" tanong ni Ziela. "Uhmn.. hindi ko pa sure yung sa'kin. Ikaw ba, Zurie?" tanong ni Sara sa akin. "Hindi ko naman ine-expect na magkakagantong event dito sa University na'to so.. wala." Napangiwi na lang ako. Ayoko na sana pumunta pero gusto ko ring maka-experience ng ganito kahit isang beses lang sa buhay ko. "let's go shopping?" suggest ni Sara sabay huminto sa harap namin ni Ziela. "Oo nga pala, maggo-grocery din pala tayo ano?" tanong ni Ziela. Tumingin silang dalawa sa akin kaya naman ngumiti na lang ako ng tipid sabay tumango. Pagkabalik namin sa Dorm ay nagpalit na muna kami ng damit. Nagsuot ako ng Plain na puting shirt tapos ay pinatungan ko ng itim na jacket na hanggang tuhod tapos short na itim naman sinuot kong pambaba at nagrubber shoes na puti. "Okay na kayo?" tanong ko at habang sinusuot ang bag na dadalhin. "Yup!" sagot ni Sara na kakalabas lang ng cr. Nakasuot s'ya ng floral dress at sumbrerong itim tapos ay doll shoes na itim din. "Let's go. Kailangan pa natin mag-paalam sa paglabas," paalala ni Ziela habang inaayos ang suot n'yang gray sweater. Nakasuot s'ya ng itim na pants at slip on shoes. @Principal's office "Ikaw na kumatok," mahinang utos ni Sara kay Ziela. "No, Ikaw na," agad namang sagot ni Ziela. "Ikaw na kasi." "Eh, ikaw na." Para matapos na sila magpilitan at magbulungan ay ako na lang ang kumatok. "Come in." Rinig naming sabi ni Ms. Olivia sa loob ng office n'ya. Binuksan ko ang pinto at pagpasok namin sa loob ay nakaupo si Ms. Olivia sa itim n'yang swivel chair na nakatapat sa malaki at mataaas na bintana na may Pulang kurtina. "Maupo kayo." Inikot n'ya ang swivel chair hanggang sa makaharap s'ya sa amin. Mabilis naman kaming umupo nila Ziela. Mabilis kong ginala ang paningin ko rito muli. Ang tatangkad ng mga bookshelves dito at sobrang dami ng libro. May hagdanan pa nga para pag may kukuhain kang libro na pagkataas-taas ng kinalalagyan. Medyo madilim at sobrang lamig din dito. May kakaiba ring aura na hindi ko matukoy. "Ano ang pinunta nyo rito?" tanong ni Ms. Olivia habang may binubuklat na mga puting folders sa kan'yang lamesa. "Ms. Olivia.." simula ni Sara. Nanlaki ang mata ko nang bigla n'ya akong kurutin sa binti. "Ara--.." napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sarili na gumawa ng ingay. Masama kong tinignan si Sara. Ngumiti lang s'ya ng guilty binigyan ako ng ikaw-na-magpaalam-sa-atin look. Huminga ako ng malalim at binalik ang tingin kay Ms. Olivia. "Humihingi po kami ng permission na lumabas ngayon sa University." Tumayo sila Sara at Ziela kaya naman tumayo rin ako. Nang mag-bow pa sila ay ginaya ko na lang rin sila. Kailangan ba talaga ng ganito? "I see," rinig kong sagot ni Ms. Olivia. "I'm giving you three the permission at Hindi n'yo na kelangan mag-bow. Dahil may event na gaganapin mamay ay papayagan ko kayo." Mabilis akong napatingin kay Ms. Olivia. "Talaga po?" tanong ni Sara na lumiwag ang mukha. Tumango naman si Ms. Olivia bilang sagot. "Mauna na po kami, thank you po ng marami!" sabi ni Sara sabay hinila na kami ni Ziela papalabas sa Office. "Oh my god! I'm so happy! pang 5th time ko pa lang to na lalabas dito sa University!" masayang wika ni Sara tapos ay sumakay na kami sa elevator. "Pang 5th mo pa lang?" naguguluhan kong tanong. Hindi ba s'ya nabo-boring dahil halos araw-araw ay nandidito na lang s'ya sa paaralan na ito? "Yup. kada Year isang beses lang ako nakakalabas eh. Pero ngayong year ay pangalawang beses ko na ito. Nung last kong labas ay nung day nagtransffer ka dito," paliwanag n'ya. "Ahh.." tumango na lang ako at timingin kay Ziela. "Ikaw Ziela?" "2nd," sagot n'ya sabay lumabas na kaming tatlo sa elevator. "2nd mo pa lang to? talaga?" hindi makapaniwala na tanong ko. "Yup. Hindi naman ako mahilig lumabas. Tsaka.. basta," ngumiti na lang s'ya at marahan na nag-iwas ng tingin. "Kaninong kotse gagamitin natin?" tanong ni Sara nang makarating kami sa parking area na napakaraming kotse. "Sa'kin na lang," sagot ko. Tumango silang dalawa at sumakay na kami sa kotse ko.. more like, kotse ni Mommy. Binuksan ko na ang makina ng kotse at nagsimula nang paandarin ito. "Uhmn, guys?" tawag ko sa kanila. "Yes?" tanong ni Ziela na nakaupo sa tabi ko, sa passenger's seat. "Ano yun?" tanong ni Sara na solo ang upuan sa likuran. "Pwedeng dumaan tayo sa bahay kahit saglit lang?" tanong ko. "Yup, sure. Pero unahin na muna natin yung pag-grocery tsaka pagbili ng mga gagamitin natin mamaya tapos daan na tayo sa inyo, ayos lang?" tanong ni Sara. Ngumiti ako at tumango. ○●○ Tapos na kami mag-grocery at papasok na kami ngayon sa isang Botique. First time ko lang pumasok sa ganito. 16 years old na ako pero never akong nakapagsuot ng gown at nakapunta sa isang ball. "Woah! ang daming magagandang gowns," tuwang-tuwa na sabi ni Sara. "Pagdating talaga sa mga damit, manghangmangha ka," kumento ni Ziela. Inikot namin ang boutique at huminto kami sa mga gowns and dresses section. "I like this one." Nakatingin si Ziela sa Gown na kulay blue habang kulay silver ang itaas na color nito. Nakasuot ito sa isang mannequin. "Wahh, bagay sa'yo yan. ang Elegante tignan!" komento ni Sara "Excuse me Ms!" tinawag ni Sara yung Sales lady. Mas excited pa s'ya keysa sa magsusuot na si Ziela. Kumuha ang sales lady ng stock ng gown na gusto ni Ziela habang si Sara ay may kinuhang white and black na gown. "Guys! Bagay ba sa akin 'to?" rinig kong tanong n'ya pero nakuha ng atensyon ko ang pulang dress sa gilid. "Black and white? bagay sayo yan! tapos ikulot mo yung dulo ng buhok mo," sagot ni Ziela kay Sara. Lumapit ako sa dress at kinuha ito. Naka-hanger lang ito at simple lang ang disenyo pero napakaganda nito. "Hmm.. Zurie?" napatingin ako sa dalawa nang tawagin nila ako. "Bakit?" tanong ko sa kanila. "Bakit Red?" tanong nila. "Huh?" lumingon ako sa kanila. Nakita kong hindi normal ang expression ng mga mukha nila kaya naman napakunot ang noo ko. "Bakit? anong mayroon sa red?" "Wala naman," sagot ni Ziela sabay napaubo. "Sukat mo dali!" maya-maya ay nagulat ako ng tulakin ako ni Sara papunta sa dressing Room. Wala na din akong nagawa kaya naman tinanggal ko na sa hanger yung dress at sinuot ito. Tinignan ko ang sarili sa salamin. This is the First time na may aattendan akong event. Ayaw kasi ni Mommy ipasama ako sa mga ganto. Hindi ko alam kung bakit ayaw n'ya. Hindi n'ya sinasabi ang rason. Kahit nga sa mga school prom ay ayaw n'ya din ako ipasama. Kaya wala talaga akong chance sa mga naging crush ko noon. "Omg! bagay sayo Ziela!" rinig hanggang loob ng dressing room yung boses ni Sara sa labas. Siguro ay sinukat na ni Ziela yung Gown nya. Ngumiti ako sa salamin at hinubad na yung dress tapos ay nagbihis na ulit tsaka lumabas. "Hindi mo sinukat?" Naguguluhang tanong ni Sara. "Sa dorm na," sabi ko sabay tumango. Inabot ko na sa Sales Lady yung dress na nagustuhan ko Napatingin naman ako kay Ziela. Ang ganda n'ya. Bagay sa kan'ya yung gown na napili nya. Mas lalong naexpose yung kulay ng balat nya sa silver at Blue pati na din yung figure ng katawan n'ya. "Hmm, ako naman magsusukat." Pumasok si Sara sa dressing room dala-dala yung Cocktail dress na napili n'ya at sinukat iyon. Kagaya ni Zeiala, sobrang bagay din ang napili ni Sara na damit para sa kan'ya. Bago magbayad ay kumuha na din kami ng Mask dahil ito ang pinakaimportante sa party mamaya dahil Masquerade ang theme nito. ●○● Nang matapos na namin ang mga kailangan gawin ay dumaan kami sa bahay namin ni Mommy. Nasa tapat na kami ngayon ng pinto. Nakatingin lang ako sa door knob at nag-iipon ng lakas para buksan ito. Bumabalik kasi ang pangyayari sa isipan ko noong umuwi ako at wala na si Mommy. Bumabalik ang takot at kaba na naramdaman ko noon. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang umalis pero hindi naman puwede. Baka may mahanap pa ako sa loob na maaaring clue kung nasaan si Mommy at kung sino ang kumuha sa kan'ya. Napalunok ako at hinawakan na ang doorknob. Marahan ko itong pinihit at tinulak ang pinto papasok. Dahil maggagabi na ay madilim na sa loob kaya naman kinapa ko ang switch ng ilaw sa pader at binuksan ito. "Wala kang kasama sa bahay?" tanong ni Ziela pagkapasok nila ni Sara sa loob. "Nasa trabaho pa si Mommy." I lied. "Sayang naman. Medyo matagal pa naman bago tayo ulit makakalabas ng University," komento ni Sara habang ginagala ang paningin sa loob ng bahay. "D'yan lang kayo muna. May pupuntahan lang ako saglit," paalam ko. Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Mabilis na akong umakyat at dumiretso sa kwarto ni Mommy. Binuksan ko ang ilaw dito at pumunta sa mga libro. Nag-scan pa ako para makanap ng iba pang impormasyon pero wala na akong makita. Puro libro na lamang ito tungkol sa trabaho n'ya. Napalingon ako sa Sunset na Painting sa itaas ng headboard ng kama ni Mommy. Painting ko daw iyon ng bata ako. Iyun daw ang kauna-unahang painting ko. Naglakad ako papalapit dito. Marahan akong tumungtong sa kama at kinuha yung painting para pagmasdan ito. Pagkakuha ko nang painting ay may nakita akong Papel na parang nakadikit sa pader kung saan nakasabit ang painting ko. Hinawakan ko ito para siguraduhin na hindi ito papel pero napunit ito na para bang marupok at luma ng papel. Napakunot ang noo ko nang makitang may butas ang pader at hinarangan lang ito ng papel at painting para matago. Mabilis kong inalis ang natitira pang harang hanggang sa may makita akong silver na box sa loob. Kinuha ko ito at nilapag sa kama tapos ay binalik ko ang painting ko sa pagkakasabit sa pader. "Zurie?" Muntik na akong mapatalon nang marinig na may tumawag sa akin. Napatingin ako sa pinto at nakita si Sara na mukhang natutuwa dahil sa reaksyon ko. Mabilis kong nilagay sa bag ko ang silver box bago pa ito makita ni Sara at magtanong kung ano ito. "Stop laughing," sambit ko sa kan'ya sabay lumapit. "Your face is epic, I swear," napapailing na sambit n'ya. "Sayang, hindi ka nakita ni Ziela." "Let's go? late na rin," pagyaya ko dahil gusto ko na bumalik sa dorm at tignan kung ano ang nasa loob ng box na ito. "Yup, pinapahanap ka ni Zeiala sa'kin kasi kailangan na daw natin umuwi. Mag-aasikaso pa tayo. May party mamaya, remember?" Napangiwi ako nang maalalang may party nga pala mamaya. Mukhang hindi ko pa mabubuksan ang box na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD