EDNALYN “Pero Everette! Paano kung madulas si Sir Rennier? Argh...bakit kasi sumama pa ang suitor ni, Merlyn dito,” maktol ko, kaya nga lang narinig pala ni Everette, pinagtatawanan ako. “Baby, salubungin mo na. Okay lang ‘yan, mapagkakatiwalaan si Rennier. Stop worrying because you are only stressing yourself,” nakangiti niyang sabi sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. Easy, easy, lang kasi samantala ako marami ng pumapasok na what if. Bahala nga siya basta hindi lang kami mapahamak ng mga bata. “Hindi ko lang maiwasan mapa overthink,” laban ko sa kaniya. “Kaya nga tigilan mo. Ako na lang ang isipin mo mai-inspired ka pa dahil sa kagwapuhan ko,” Pinandilatan ko siya ng mata. Hanep patawa tawa lang. Hindi naman ako takot na malaman na siya ang ama ng kambal ko. Iniisip ko lang dahil ba