EDNALYN Ramdam ko ang mainit na titig ni Everette sa akin. Alam ko sinusundan niya ako ng tingin simula ng pumasok ako ng k'warto, hanggang magbihis at ito nakahiga na ako sa kama. Para akong tuod sa gilid na halos isang tulak lang ni Siobeh, laglag agad ako sa sahig. Sobrang laki kasi ng katawan ng ama nila idagdag pang matangkad ito kaya ako na nag-adjust. Gumilid ako ng hindi masikip ang dalawa bata. “Mommy, bakit po ang layo mo? The space is still big, isn't it daddy? Baka po mahulog ka sa baba masasaktan ka,” ani pa ni Siobeh, tumingin sa ama at sa akin. Binulungan ito ng ama, ewan kung ano ang sinabi ni Everette, bakit humagikhik si Siobeh. I cough to get their attention. Tumingin si Siobeh nakangiti at si Everette na kakamot kamot sa buhok niya. “Kasi anak masikip na kung uusod