CHAPTER 16

1514 Words

EDNALYN “Sir Everette, Salamat po sa paghatid. Uhm, ako na po ang bahala rito p'wede na po kayong umalis.” sabi ko pa sa kaniya pagbaba ko ng kotse niya. Walang reaksyon na tiningnan lang niya ako pagkatapos ay nag-alis ito ng seatbelt. Akala ko hindi ito lalabas subalit ginawa nga nito. Tinulungan pa akong magbuhat ng mga pinamili hanggang sa pinto ng apartment namin. “Salamat Sir Altamerano. Ayos na po ako rito salamat ulit,” wika ko para kasing alanganin umalis. Napapakamot ito sa kilay nakatingin sa akin. "Kapag hindi ka tumigil sa pagsasabi ng 'po' at 'salamat.' Hahalikan kita r’yan,” walang halong biro na sabi nito sa akin. Mabilis akong tumingala sa kaniya dahil labis akong nagtataka. Ano naman ba ang ibig ipahiwatig ng tukmol na ito sa mga pinagsasabi niya. Kala niya madadal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD