Chapter One

1274 Words
"Ms. Javier pwede bang kulayan mo ng itim 'yang buhok mong parang rainbow, mukha kang clown," pagsesermon saakin ng adviser ko. Kakapasok ko lang ito na agad ang bungad saakin. Hinawi ko ang buhok ko, anong clown sa ganda kong ito. "Ma'am highlights lang naman ito," ano bang masama dun? May mga strands sa buhok ko na kulay red, orange, green, blue, indigo, and violet. What's wrong with that? It's one of the new trends. She sighed, "Kung hindi ka lang top students, na drop na kita," sa wakas tinigilan niya na ko. Ngiting tagumpay naman ako. "Bida-bida nanaman," dinig kong sabi ng classmate ko na sa lahat ng bagay kinakalaban ako, take note kapag kaharap ko ang bait, kapag wala ako aba! Nananaksak patalikod. Hindi ko na lang siya pinansin bagkus lalo ko siyang aasarin, sa pamamagitan ng pagiging bida-bida ko. "Class, since the english month is about to come, who would like to join in essay writing contest?" Tanong saamin ni ma'am. I raised my right hand with full of confidence , "Ma'am ako, I would like to join, and in any contest," I smirked, 'yang babaeng classmate ko walang panapat saakin 'yan! Inggitera ng taon! Kailangan pang mandaya matalo lang ako, so cheap niya talaga, kung makapagsabi ng bobo eh siya nga 'yun. Gumaya kayo saakin matalino na humble pa. And I know naiinis na siya saakin dahil bida-bida nanaman ako, atleast ang pagiging bida-bida ko may benifits like pagtaas ng grades ko. Walang masama sa pagiging bida-bida as long na may napapala ka. "Pakulayan mo 'yang buhok mo ng itim," Utos saakin ni ma'am at pinandilatan ako ng mata. Love ko naman si ma'am kahit ganiyan 'yan saakin. Strict masyado I pouted, sayang ang hair color ko noh! Ano naman kinalaman ng hair color ko sa pagsali ng contest? "Ma'am does my hair color affects my capability to write an essay?" Tanong ko sa kaniya. "Ikaw 'yung ipapadala ng journalism club sa pag-interview kay donya Dora, magsusulat ka ng article about her and her life, kailangan magmuka kang formal hindi jejemon." Oh I love that, para mas lalong manggigil saakin si classmate. "Ok fine," Sagot ko na walang gana. Pagkatapos ng english class namin, sumunod naman 'yung math, since wala si sir at ako ang presidente, it's time to shine again. "Sagutan daw 'yung math time page 40-45, ipapasa 'yan pati notebook, walang lalabas ang lumabas susumbong ko kay sir," utos ko sa mga classmates kong hangal. Mukhang may nakikitang sungay ang mga kaklase ko kung makatingin saakin. Aba dapat lang silang sumunod.  Dahil nasagutan ko na ang math time ko pwede na kong mag-relax, "President pakopya sa math time," request ng isa kong classmate. Okay Mikaela, stay humble lang ha! "Ayoko nga! Sinagutan ko ng sarili ko 'yung akin, kokopyahin mo lang," sambit ko nang mahinahon, sabay ngiti. Agad naman siyang umalis sa harapan ko, I rolled my eyes, kung tatanungin niyo kung may friends ako, wala! I don't need friends lalo na kung they are bunch of idiots. Nahagip ko ng magagandang mata ko ang pagmumuka ng mga inggiterang classmates ko, as I can see ang mga tinginan nilang naiinis nanaman sila saakin. Oh I really love it if someone is pissed because of me. Pagkatapos ng klase namin, pumunta ako sa journalism faculty at nandun yung presidente ng club na sobrang epal! May galit din ata saakin. "Ma'am bakit si Mikaela pa ang kasama ko roon?" Rinig na rinig ko ang usapan nila ni ma'am sa labas ng journalism faculty. "Wala naman na malakas ang loob katulad ni Mikaela na member ng club na ito," pagdadahilan ni ma'am sa kanya. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob at naupo sa sofa. Kunwari walang narinig, at umarteng inosente. "Oh nandyaan na si Ms. Javier magusap na lang kayong dalawa" iniwan kami ni ma'am doon sa loob. Isang katahimikan ang nabuo sa pagitan naming dalawa. Bahala siya! Siya ang unang gumawa ng topic namin, I can handle this awkward atmosphere. "Mikaela kapag nandoon na tayo sa mansion ni donya Dora 'wag ka namang atribida," sambit niya saakin nang kaswal. Tinaasan ko lang siya ng kilay, "Code name ko yun, I can't promise you that" role ko yun! Tas pagbabawalan mo ko? Huwag siyang makielam, kokontrahin ko lang  kasi 'yung gusto niyang mangyari kaya ganiyan ang ugali niya saakin. Tapos ang ending ako ang masusunod, eh mas ok naman talaga 'yung kinakalabasan ng plano ko kaysa sa kanya. He sighed, "gusto ko lang na magtulungan tayo," sambit niya nang mahinahon. "Sus kahit hindi mo na ko tulungan kayang kaya ko gumawa ng article about Donya Dora, at mainterview siya," sambit ko sa kanya na may pagmamayabang sa boses ko. Ay humble pala ako, I saw he clenched his jaw, yes may naiinis nanaman saakin. Sarap sa pakiramdam. "Kaya maraming naiinis sa ugali mo eh!" sambit niya nang pabulong ngunit dinig ko ito. "Eh! Ano naman kung mainis sila saakin? May mapapala ba ako wala naman," naramdaman kong uminit ang tensyon naming dalawa. Huminga ako nang malalim at saka tumayo sa sofa. "I-announce mo na lang sa stage kapag kailangan mo na ako, gusto ko buong pangalan ko pati year at section ko para bida nanaman ako," tuluyan akong lumabas ng faculty. Epal talaga si Clark Zen. Nakakainit ng ulo maka-uwi na nga. Habang naglalakad ako pauwi, may couple na naglalandian ang nasa harapan ko, kaya parang may prusisyon. Inunahan ko sila nakita kong may hawak-hawak na softdrinks 'yung babae. Huminto ako at tinuro yung softdrinks niya "Ang tunay na hokage ay maiintindihan yan" sambit ko nakita ko ang pagpigil ng tawa nung lalaki. He knows the source "Ate break mo na yan may scandal 'yang Bf mo tutal 23 naman ngayon," sambit ko sabay lakad palayo sa kanila. Napadaan ako sa divisoria tapos may nakita akong babae na namimili ng T-shirt at hindi ata siya makapili kaya nilapitan ko. "Ate hindi ka makapili?" Tanong ko nang malambing at nakiusisa sa kaniya. "Hindi eh! Sa tingin mo anong bagay saakin" itinapat niya yung dalawang damit sa kanya. Nginitian ko siya nang malawak dahil may namuong kamalditahan saaking isipan. "Actually, yes ate bagay saakin 'yan, kahit nga pagsuotin mo ko ng basahan maganda parin ako, hindi gaya mo," Hinawi ko ang buhok ko sabay walk out. Nakasimangot lamang saakin ang babae. Pag-uwi ko saamin, umakyat ako sa kwarto ko at ginawa ko lahat ng dapat gawin ng presidente at estudyante, oops isa palang magiting na estudyante hindi kagaya ng mga pipichuging iba dyaan. "Ma! Magpapakulay ako ng itim, ako daw kasi 'yung magi-interview kay donya Dora at ako rin ang gagawa ng article about her and her royal life," bumaba ako ng kwarto ko. "Magpakulay ka," sagot ni mama ng tipid, busy kasi nanaman sa pag C-COC. Kumuha ako ng pera sa wallet niya at pumuntang parlor. "Pakulay ng itim sa buhok ko," sambit ko nang tipid sa kanila nang makapasok ako. Inuutopa ako nung baklang nagkukulay saakin. "Pag-humaba na yang buhok mo, pakulot ka ang ganda mo nun," panguuto niya saakin. "Kahit nga kalbuhin mo ko maganda parin ako," sagot ko sa kaniya. ''Tama ka dyaan sisterat," pagtugon niya. Hindi ko na siya kinausap, pagkatapos ng araw ko sa parlor umuwi na ako saamin. Kinabukasan "Diba mas maganda ka kapag maayos ka hindi mukhang jejemon," sambit saakin ni ma'am. "Kahit muka akong jejemon ma'am maganda ako," sagot ko sa kaniya. Nandito na kami sa mansion ni donya Dora, ang ganda ng bahay ang lawak! May garden pa sila, may swimming pool. "Good morning Donya," sabay naming sambit "Good morning ito ba ang estudyante ng academy ko, halina't pumunta tayo sa sala," paganyaya niya saamin. Nag guide 'yung mga katulong papunta sa sala, habang naglalakad kami papunta doon, may nahagip akong kwarto na bukas ang pinto tapos may kulay pula na ilaw sa loob nito. "Wag kang bida-bida," nagulat ako sa sinabi ni Zen, tinarayan ko na lamang siya. Isang pulang ilaw ang pumukaw saakin sa loob ng isang madilim na kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD