Chapter Two

1276 Words
Napahikab ako sa sobrang boring mag-interview ni Zen.Tapos ako lang yung tagasulat nung mga sinasabi ni donya. Inaantok na ko, ang boring talaga. Hindi na ko makatiis gusto ko na sumingit kaya naman nagsalita na ko, "Zen, ako naman magi-interview kay donya ikaw naman magsulat ng mga sasabihin niya," I said in very sweet tone, sinamahan ko pa ng sweet smile. "Mika—," I sealed his lips using my index finger. Sasabat pa eh. "Donya ok lang po ba kung ako naman ang magi-interview sa inyo?" Tanong ko rito tipong akala mo ay anghel ako. Anghel naman talaga ugali ko ah. She smiled at me, tumango ito saakin. Hindi naman ako papayag na sinama nila ko rito para tagasulat ng sagot ng matandang hukluban na ito. Sumama pa si ma'am kung iiwan niya rin kaming dalawa rito. Nag field trip ata sa mansion si ma'am. Kainis talaga sobra, "Donya, ilang years na po ba itong mansion niyo?" Tanong ko rito at pilit na pinakalma ko ang sarili. "Iha, itong bahay na ito ay minana pa ng magulang ko sa lolo't lola niya, so hindi ko alam kung anong exact na edad na ng bahay na ito," tugon nito sa tanong ko at nginitian ako. "I see, mas hukluban pa pala itong bahay kaysa saiyo," bulong ko at napangisi nang bahagya. "May sinabi ka ba iha?" tanong nito saakin, "Wala po," tugon ko sa kaniya at ngumiti nang pilit. Ilabas ko na ba ang pagiging pakielamera ko? Gusto ko na malaman anong mayroon sa nakita ko. "Donya, nung papunta kami sa sala may nakita akong room na mysterious at sa loob nito ay may pulang ilaw ano po iyon?" Kung masyadong na akong pakielamera pake niyo? Gusto ko lang malaman kung ano 'yun. "Karamihan po kasi sa mga lumang bahay ay may kwento," dagdag ko. May binulong si tanda kaso hindi ko narinig. "May sinabi po ba kayo?" Tanong ko sa kanya, umiling saakin ito. "Mikaela," tawag saakin at pinanlakihan ako ng mata ni Zen, nangingielam eh turn ko naman ang pagtatanong kay Donya. "Masyado na po ba akong pakielamera? Sige po next question na lang po," sambit ko rito, baka kasi lahi sila ng mga mangkukulam ayaw lang sabihin. "No, iha it's okay mamaya pupunta tayo sa room na iyon," sambit niya saakin. Agad naman akong natuwa at napangiti. "But ikaw lang at ako ang pupunta 'roon," dagdag nito, tumingin ako kay Zen at nginisian siya. Ako ang nanalo sa laban ngayon. "Sige po Donya, next question na po, paano niyo po napapanatili ang ganitong status niyo po?" Paano nga ba ilang taon na ang nakakalipas buhay parin ang bahay na ito, baka nga ang pamilyang may-ari nito ay mga witch. Sambit ko saaking isipan. "Mapapanatili ng pamilya namin ang ganitong status sa pagtuturo sa susunod na henerasyon kung paano matutong magpahalaga sa mga bagay na nakamit namin, at dapat siguraduhin ng magpapasa na ang pagmamanahan ng kayamanan namin ay nararapat," sagot nito saakin. Namangha naman ako dahil sobrang general ng sagot niya. Wow. "Oh, paano po iyan wala po kayong asawa't anak, kanino niyo po ipapamana?" tama nga hinala ko witch si Donya hindi siya tumatanda, gawa-gawa niya lang 'yung sinasabi niya, barbera itong tanders na ito eh! Kinalabit ako ni Zen kaya naman tinarayan ko siya. "Actually iha, alam ko na kung kanino ko ito ipapamana," nginitian ako nito, itatanong ko sana kung kanino niya ipapamana kung hindi lang umepal si Zen. "Donya Dora thank you po, at pumayag kayo na mainterview namin kayo," tumayo si Zen at humingi ng pasasalamat. Kumunot naman ang noo ko. W-what tapos na? Hindi ko nga kilala kung kanino ipapamana 'yung kayamanan ni tanda. "Iha halika na sa gusto mong puntahan," niyaya ako ni tanda na sumunod sa kanya, gusto ko siyang tanungin eh kaso pinagbawalan ako ni Zen. Pagdating namin sa kwarto, puro alahas ang loob nito, shete ang yaman naman ni tanda, iba't ibang klase ng gems ah pero 'yung pulang ilaw na nakita ko wala rito. "Iha saglit lang maiwan muna kita rito," pagpapaalam niya saakin, tumango na lang ako. Kung masamang loob lang ako ninakaw ko na ang lahat ng alahas dito tapos ibebenta ko, instant pera. Nilapitan ko 'yung alahas na nasa loob ng glass ang ganda nito puro dyamante ang nakapalibot sa kwintas. "Kasai, Kasai, Kasai, Kasai." Napalingon ako dahil may naririnig akong boses. "Donya?" Sigaw ko pero walang sumagot, naagaw ang atensyon ko ng isang ruby gem, dito ata nanggaling ang kulay pulang ilaw na nakita ko kanina. Bakit bukas ang glass nito? May pakielamera ba ang nanggaling dito bukod saakin. "Kasai, Kasai, Kasai, Kasai," Naramdaman kong parang may kumo-control sa katawan ko dahil wala ako sa sarili nang hinawakan ko iyon. "Nice too meet you," napalingon ako sa nagsalita, muka siyang kalabaw dahil sa dalawang sungay niya sa ulo. Tapos nasa ere pa siya. Huh? "Sino ka?" buti na lang hindi ako nautal dahil sa gulat. Nakakatakot ang muka niya, paano ba naman kasi ang tulis ng pangil niya tapos 'yung sungay niya may apoy na kulay blue. "Magnanakaw ka noh, donya Dora may magnanakaw dito!" Sigaw ko na halos mamula na ang mukha. Ano ito? Cosplayer na magnanakaw? Engkanto? "Stop it, it's useless!" marunong palang mag-english ang kalabaw na ito wow ang galing, may itinuro siya kaya sinundan ko ito ng tingin. Isang babaeng nakahilata sa sahig ang nakita ko "Ang ganda naman nito, kamukha ko siya!" hinawakan ko 'yung muka ko, kakambal ko ata itong nakikita ko, teka ako ito katawan ko ito! "Hoy! Anong nangyayari saakin ha! Bakit? Teka kaluluwa na ba ko, tapos ayan 'yung katawan ko? Patay na ko?" Tanong ko dahil sa sobrang pagkalito Hindi na ko mapakali sa nangyayari at nakikita ko. Nakita ko si donta Dora, agad siyang tumawag ng tulong para buhatin ang katawan kong nakahandusay. "Hindi ka pa patay," napalingon ako sa kalabaw. "Huh?!" Hindi pa ko patay ibig sabihin buhay pa ko, eh sino 'yun? "Humiwalay lang ang soul mo sa katawan mo," tumalon siya mula sa ere, at lumapit saakin. "Since you touched that stupid gem, you and I became one." Anong one? dalawa kami bobo magbilang. "I'm going to possess your body, from now on you are the spirit of fire and I'm your angel." Pagkatapos niyang sabihin iyon para siyang sumanib saakin at naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko, hindi ako makahinga sa sobrang sikip. "Mika!" Agad akong napamulat nang marinig ko si ma'am, umupo ako galing sa paghiga at pinagmasdan ko ang paligid. "Panaginip lang," nakahinga ako nang maluwag. "Ok ka na ba? Umuwi na si Zen, pinuntahan niya 'yung mama mo para sabihin ang nangyari saiyo?" sambit ni ma'am na may pagaalala sa boses niya. "Okay na ko ma'am, uwi na po tayo," sambit ko sa kanya, agad siyang tumango. Hindi ko gusto ang pakiramdam ko rito. "Sige kukunin ko lang 'yung gamit ko sa sala," paalam niya saakin. Nilapitan naman ako ni Donya,"Iha, hindi panaginip iyon," nanlaki ang mga mata ko, wag kang maniniwala Mika. Nababaliw lang siya. "The angel of fire is inside you," sambit nito saakin dahilan para kumunot ang noo ko. Bumangon ako sa kinauupuan ko,"Donya wag naman kayong magbiro," sambit ko rito. "Iha, I'm not joking totoo ang sinasabi ko saiyo, maguumpisa na," baliw ata ang matanda na ito, masyadong barbera. Pinili kong huwag maniwala sa kaniya dahil imposible naman mangyari ang napanaginipan ko. "Mika, let's go," agad akong sumunod kay Ma'am at hindi na pinansin si donya Dora. "Donya thank you po, mauna na po kami," paalam namin dito. Habang pauwi kami hindi mawala sa isip ko 'yung panaginip ko. Hindi totoo iyon kwento lang iyon ni donya wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Ayos lang ako, ako parin ang atribida na si Mikaela Javier hindi nagpapasindak at hindi naniniwala sa mga barbero at barbera. "Sige po ma'am salamat sa paghatid," Kumaway ako kay ma'am bago ako pumasok sa bahay. Nagdilim ang paningin ko at bago ako mawalan ng malay. May naaninag akong lalaki sa likuran ko ngunit hindi ko nakita ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD