"What the?! Ano ito bakit nag apoy?!" Sigaw ko sa gulat nang biglang umapoy ang dalawang kamay ko. Naiinis na ko kung bakit nangyayari saakin ito at hindi ko rin maiwasan ang mabigla at magtaka.
Nasa harapan ko ang isang lalaki na hindi maalis ang ngisi sa kaniyang labi. Gusto ko na ngang tanggalan ng labi 'yan. Kanina pa ko naiinis. Pero ako parin ang bida dito, extra lang naman siya. Bwisit na kalabaw!
"You have to take all the consequences of what you've done sweety," aba't kung magsalita ang lalaking itong may sungay sa ulo akala niya naman matatakot ako. Pake ko?
"Hoy lalaking kalabaw! Nakakasira ka ng araw, sinisira mo ang beauty kong hinayupak ka. For your information role ko ang maging bida-bida sa story na ito."
I rolled my eyes heavily wards at ibinato ko ang mga apoy sa kamay ko sa kung saan mayroon dimension dito.
Can you please just help me, kaysa magdadaldal ka dyaan," I said in command tone, aba't ang swerte niya kayang makausap ang gaya kong bida.
"Sa sobrang pakielamera mo kasi ayan ang napapala mo, gusto mo ikaw lagi ang bida, gusto mo ikaw ang nasusunod, lagi kang kontra," pagsesermon niya saakin.
"Ang dami mong sinasabi eh tulungan mo na lang ako!" Utos ko sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan ngumiwi sa inis.
"I can't help you, from now on you are the spirit of fire," Ano raw? Anong spirit of fire ang pinagsasabi nitong loko na ito. Papayag ako kung goddess of fire eh! Bakit angal ka diyosa naman talaga ako!
"Anong pinagsasabi mo alam mo bang binansagan ako Ms. Atribida ha!" Itinaas ko ang kilay ko nang bonggang-bongga bongbong.
"Alam ko at nang dahil dun kung bakit ikaw ang aking napili," he smirked, tumalon siya papunta saakin at lumakad nang mabagal na hindi inaalis ang ngisi sa kaniyang mga labi.
Mukhang hindi ko magugustuhan ang mangyayari saakin.
"I am your angel and my name is Kasai,"
bulong niya saakin kaya nagsitaasan ang balahibo ko. Mainit ang kaniyang hininga ngunit nagbigay ito ng lamig sa aking buong katawan.