Pagpasok na pagpasok ko sa room dahil late na ko tinambakan ba naman ako ng gawain ng teacher ko sa economics, asikasuhin ko raw 'yung application namin para sa college.
"Mikaela, kailangan na 'yan ng department head ipasa mo 'yan mamayang 11:00 am," sambit nito saakin.
"Bakit kasi akong ang gagawa niyo, siyang itong teacher," bulong ko, ilang beses ko ng ginagawa ito, paulit-ulit na lang na ako ang inuutusan.
Paiba-iba ng school itong mga hangal kong classmates bahala sila, i-apply ko sila sa iisang school eh para hindi ako mahirapan magsulat sa form kung saan sila magaaral. Pwede naman kaseng itype ito at i-print na lang.
Bakit ba ang hilig sa kumplikadong bagay ng teacher ko. Gusto niya ba talaga akong pahirapan?
Sana pag-uwi ko masunog ang school na ito!
"Mika, nakacontact lense ka ba?" Napalingon naman ako sa nagtanong. Sobrang iksi ng pasesensya ko ngayong araw kaya pasensyahan na lang.
"Hindi!" Taray na sagot ko rito.
"Ay akala ko kulay pula kasi yung mata mo kanina," pagdadahilan nito saakin. Kaya naman kumunot ang noo ko. Pinagsasabi nito?
"May nakikita ka na hindi ko nakikita?" Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
"Hindi naman namalikmata lang ako," aba't sasagot pa eh! Bigwasan ko kaya ito.
"Umalis ka nga!" Masyadong epal! Agad naman siyang lumayo saakin nang maramdaman niyang bad trip ako.
Kulay pula ang mata? Ano 'yun may sore eyes ako? Wow ang galing!
Napailing na lamang ako habang nagsusulat.
"Mikaela Javier of section A, come to Journalism faculty now," good at naisipan niya ia-announce ang buong pangalan ko pero may ginagawa pa ko. Istorbo.
Nagpaalam ako sa teacher ko at mabagal na pumunta sa faculty, nanadya ako.
"Ohh bakit mo ko tinawag?" Hinagis nito saakin 'yung newspaper, nilamukos ko at binato sa kaniya. Hindi niya kase inabot saakin nang maayos.
"Ano ba? Bakit mo nilamukos," inis na sambit nito. Pinulot niya ang dyaryo at tinapon ito sa basurahan.
Binato mo ko eh, babatuhin din kita," huwag niya kong ma-bully kung ayaw niyang matikman ang bagsik ko.
Kumuha siya ng bagong newspaper, at inabot saakin ito nang maayos.
"Kaya naman palang ibigay ng maayos eh!"
Nilakasan ko talaga 'yung pagkakasabi ko, kunwari bulong pero hindi.
Sinamaan niya ko ng tingin, nginitian ko lang siya para wala ng away. Binasa ko 'yung laman nito.
"Ok na ito," sagot ko ng tipid, ang galing mo talaga Milaela Javier, interesting ang laman ng newspaper about kay Donya Dora.
"Alis na ko, 'yan lang naman pala ang ipapakita mo," bago ako lumabas ng tuluyan may sinabi pa ko.
"Ang galing ko kasi," nginisian ko siya. Agad ko ring ginawa ang iniwan kong gawain kanina. Ayokong matambakan. Pagkatapos ng klase ibinigay ko na agad 'yung pinapagawa saakin.
"Ma'am, tapos na po," inabot ko rito yung mga papeles ng mga hangal kong classmates.
"Ang bilis mo talagang gumawa," sambit nito saakin, syempre ako pa ba? Gaya mo ko sa ibang class president na malamang mabagal kumilos.
Pagkalabas ko ng office ng department head agad akong nagtungo sa canteen dahil na rin sa gutom. Naagaw ko ang atensyon ng mga estudyante dito dahil sa aking presensya. Chismisan nanaman, at ako ang topic, ano kaya lasa ng ice tea kapag mainit?
"Ouch! Ang init!" Nabitawan ng hangal na chismosa 'yung ice tea na iniinom niya. Buti nga sa kaniya.
"Anong tinatawa mo Mikaela?" Tanong nito saakin at handa na akong upakan.
"Ang katangahan mo," hinarap ko siya, parang natakot ata kaya hindi na siya sumgot.
"Nakit mo mata ni Mikaela nakakatakot," dinig kong sabi ng isang estudyante.
"Parang demonyo 'yung mata niya kanina," dagdag ng isang kasama niya. I love it kapag ako ang topic bakit? Bida ako eh!
Tinitigan ko sila bago umalis sabay hawi ng buhok ko, makauwi na nga lang kaysa dito ako kumain sa canteen, masusunog talaga itong school na ito.
Habang naglalakad ako may nakita akong nagtitinda ng m kwek-kwek kaya agad akong nagtungo roon at bumili.
Nakailang kain na rin ako ng kwek-kwek dahil na rin sa gutom ko. Napansin namin ni manong na nagkakagulo ang mga tao at nagsisigawan na may sunog.
Bakit ang daming bumbero? Nasusunog na nga ba yung school ko sana lang. Pinagpatuloy ko ang pagkain ng kwekwek hanggang sa kinausap ako ni manong
"Iha school mo ba 'yung nasusunog?" tanong saakin nung tindero. I shrugged my shoulders.
"Nagkakagulo 'yung mga tao doon oh?" turo nito, ilang metro lang naman ang layo ko sa school at kita sa kalangitan ang itim na usok. Tumakbo ako papunta sa school namin.
Ilang minuto lang ako kumain ng kwek-kwek, hindi naman gaanon kalaki ang sunog. Pero hindi magkaugaga 'yung mga bumbero sa pagpatay ng apoy.
Joke ko lang naman 'yun eh! Bakit nasunog nga?! Apoy maglaho ka na! Now na! Please!
Sigaw ko sa isipan ko. Ang sumunod na nangyari ay nagbigay saakin ng pagtataka.
In a couple of seconds nawala unti-unti ang apoy, ano ba nangyayari saakin, agad akong tumakbo papalayo sa school namin nang mawala nang tuluyan ang apoy na ikinabigla ng lahat.
Bakit kung anong sabihin o isipin ko na may kinalaman sa apoy o init eh nangyayari nga. No Mika hindi totoo 'yang iniisip mo baka tadhana lang talaga masunog ang school ko.
Kailangan kong makausap si donya Dora, kaya agad akong nagtungo roon. Pagkadagung ko agad kong kinusap 'yung bantay sa labas ng gate.
"Si donya Dora po?" tanong ko rito.
Nagtitigan ang dalawang guard na parang nawi-wierduhan sila saakin.
"Isa ka ba sa nag-interview kay donya?" tanong saakin ni kuyang guard, tumango ako.
"Nandyaan po ba siya? Kailangan ko siyang makausap."
"Iha hindi mo ba alam?" tanong niya saakin.
"Ang ano po?" baliw rin ba ang guard ni tanda.
"Namatay na si donya last week, nung time ng pag-uwi niyo, agad siyang nawalan ng buhay," sambit nila saakin.
Huh? Napatakbo ako na wala sa oras parang kailan lang na-interview pa namin siya, teka! Bakit ang engot ko nabasa ko sa newspaper kanina, patay na nga si Donya f**k! Masyado akong ang focus sa sarili ko kaya hindi ko napapansin ang mga nangyayari sa paligid.
Huminto ako sa pagtakbo, dahil nakita ko si Kasai sa harapan ko.
"Hoy! Kalabaw anong nangyayari saakin?" Tanong ko rito.
"I told you, you are now the spirit of fire," sambit nito saakin. Naguguluhan pa rin ako bakit ako?
"Ayoko maging spirit of fire!" sigaw ko sa kanya. Umiling ako ng todo sa kaniya. Naluluha na ang mga mata ko, ayoko nang ganitong pangyayari. Nginisian niya lang ako.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako lumabas sa seraph crystals, na inakala mo ruby gem," naglalakad siya paikot saakin.
"You are no longer a mortal being nangdahil sa pagiging pakielamera mo nagbago ang buhay mo," Lumipad siya sa ere at tinawanan ako nang bahagya.
"You have the pyrokinetic ability, and every spirits have a special ability," tinitigan niya ko. Pinagsasabi niya?
Sa inis ko umapoy ang dalawang kamay ko at ibinato ito sa kanya, pero hindi siya nasasaktan sa ginagawa kong pagbato sa kanya ng apoy.
"It's useless, Angel of fire ako tapos babatuhin mo ko ng fire, nagiisip ka ba?"
"Edi babasain kita ng tubig hinayupak ka!" Sigaw ko sa kanya.
Biglang sumeryoso ang mukha niya at nakiramdam sa paligid.
"Another spirit is coming from another my world," lumapit siya saakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. Tinitigan niya ko sa aking mata.
Huh? Anong another spirit? Ibig sabihin may ibang spirit pa bukod saakin?
"Sundin mo lahat ang sasabihin ko, once na nakaharap mo na ang spirit na iyon," para siyang sumapi sa loob ng katawan ko nang matapos niya sabihin iyon.
"Kasai!" sigaw ko, nasaan na ang lalaking kalabaw na iyon. Hinanap ko siya sa paligid.
"I'm here" dinig kong sabi niya sa utak ko.
"Saan?" Tanong ko sa kanya.
"Inside your body and soul," sagot niya.
"Let's use your power," siya ang nag-control sa katawan ko, within a couple of minutes, I'm wearing a traditional kimono plus an axe?
May sungay ako sa ulo ko at may nakataling itim na ribbon dito.
"A Kimono from the Goddess of fire and her halberd," dinig kong sabi niya sa utak ko.
Halberd pala tawag sa weapon na hawak ko.
"Mika, be ready a Seirin's destruction is about to come," huh? Anong seirin's destruction pinagsasabi nito?
Mayroong itim na liwanag ang nanggaling sa langit na tumama sa lupa, nagbuo ito ng itim na bilog na may kasamang hangin na siyang sumira sa paligid, hindi lang sa kinatatayuan ko kung hindi sa buong syudad.
After that stupid light, I saw a girl wearing a tube and a mini skirt, she's holding a broom.
Magwawalis ata ito eh!