Chapter Four

1329 Words
Dinamba ako ng yakap ng babaeng kinapos sa tela ang damit. "I smell Kasai inside you" siningot-singot niya ko, na ikinagulat ko kaya namana agd akong lumayo sa kaniy nang bahagya. "The angel of forge," bulong sa utak ko ni Kasai. "Anong pinagsasabi mo hah?!" bulong na tanong ko sa kaniya. Hindi na muling sumagot si Kasai. "Miss, pwede ba tigilan mo na ko," inis na sambit ko sa kaniya. Muli niyang pinulupot ako ng yakap niya. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya saakin. "Sunget mo naman!" ngiting sambit niya saakin. "Ako nga pala si Nanami and my angel's name is Kizukimasu means imitation!" Pagpapakilala niya. Pinagmasdan ko siya, kapos talaga sa tela ang damit kaya napangiwi ako. "Pake ko," I said in sarcastic tone. She pouted, "Bakit ba ang sunget mo?" Tanong niya saakin. "Ang annoying mo kase!" Taray na sagot ko sa kaniya. Napatalon ako nang hindi oras ng may rocket missile ang tumama sa kinatatayuan namin. Agad namin itong inilagan ni Nanami. Lumilipad ako sa ere at napapalibutan ng apoy ang katawan ko. Ano 'yun bakit may rocket missile? Habang si Nanami nakasakay sa walis na hawak niya, lumilipad din siya "10 years na ko nawala sa earth nandito parin ang mga langaw na ito," langaw? Tama nga siya may mga langaw nga. Mga taong may jetpack kaya nakakalipad sila and yung jetpack nila may inilalabas na missiles. "Kasai! Alam kong baguhan palang 'yang babae na iyan," nginitian niya ko at hinarap ang mga mecha squad. They launched missiles to Nanami, but the missiles turned into teddy bears at 'yung jetpack ng mga langaw naging sailormoon back pack, dahilan para bumagsak sila sa lupa, but nag parachute sila kaya nakakababa sila sa ere ng ligtas. Agad naman akong hinila palayo ni Nanami sa mga mecha squad. "B-bakit naging bear yung missiles?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko maiwasan mamangha at magtaka. Ano itong pinasok ko? She smiled, "Interesado ka na saakin?" Huh? Ako interesado sa kanya, sa powers niya, Oo. "Shape shifting, that's my ability I can turn any objects into another form pati ang sarili ko kaya kong baguhin ang itsura ko." Ginaya niya ang muka ko, para akong nanalamin. "Balik mo na sa dati ang muka mo, ako lang dapat ang maganda," tinaasan ko siya ng kilay. She laughed, "My special ability is to imitate one's weapon," Her broom turns into a haldberd gayang-gaya niya 'yung weapon ko. "But mas mahina ito kumpara sa original," dagdag niya, bumalik sa pagiging walis 'yung haldberd. "Magpalit na tayo ng damit," sambit niya, 'yung kapos na tela na suot niya ay naging school uniform ng lalaki? I looked at her from head to toe, f**k lalaki pala siya?! Ano?! "W-what the!" Tinakpan niya 'yung bibig ko. "Babae ako! Nag-anyong lalaki lang ako," pagpapaliwanag niya. Huminahon naman ako sa paliwanag niya. Oo nga pala nakalimutan ko 'yung powers niya. "Magpalit ka na ng damit," utos niya saakin. "How?" Tinaasan ko siya ng kilay, hindi kagaya ng powers ko ang powers niya na nakakapanggaya ng damit "Every spirts has a sprirtual dress, it can turn intto any kinds of clothing," pagpapaliwanag niya. "Isipin mo 'yung damit na gusto mong isuot," utos niya saakin, kaya sinunod ko. 'Yung suot kong kimono ay naging school uniform ko, galing naman pala eh! Pagkatapos kong magpalit ng damit nakita ko ang pagpula ng kaniyang mukha. "Hoy! Magtapat ka nga lalaki ka ba o babae?" Tanong ko ng pasiga. Ang suspicious kase ng actions niya. Hindi siya makasagot nang maayos, nauutal siya. Confirmed "L-lalaki," sagot niya ng tipid. Agad naman nagdilim ang paningin ko agad akong nagpalabas ng maliit na apoy mula sa index finger ko at pinaso ko siya. Nung nagpalit ako ng damit nakita niya? He saw my body? No! My reputation! "Ouch! Cup A ka lang buti pa si Nanami Cup C," pangaasar niya saakin. Mas lalo ako nanggigil sa kanya, kaso tumakbo siya papalayo saakin. Napatigil ako sa paghabol sa kanya ng pinagmasdan ko ang paligid, nagsimula ng kumilos ang mga Philippine Ground Force sa pagaayos sa paligid. Paano ko nalaman 'yung pangalan nakasulat sa suot nila eh! "Naalarma sila sa seirin's destruction," lumapit saakin si Nanami, tinitigan ko siya nang masama. "Don't worry walang taong nasaktan o namatay alerto na kasi kayo eh," mas lalo ko siyang tinitigan nang masama dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari. "Iyong page-earthquake drill niyo para rin 'yun sa seirin's destruction," dagdag niya. Nginisian ko siya at binatukan nang malakas! Payback time. Wala akong pake sa sinasabi niya. "Malibog kang hayop ka eh noh!" Patuloy ko siyang pinagbabatukan, kaso tumakbo siya papalayo saakin kaya hinabol ko siya. Kaso may nabunggo akong lalaki kaya napaupo ako sa sahig. "Bulag ka ba!" Ginera ko na si kuya, tinitigan niya lang ako at ngumisi, patayo na sana ako na bigla niya kong hinila patayo. "Kaya kong tumayo mag-isa," sambit ko sa kanya, hawak-hawak niya parin 'yung kamay ko kaya hinila ko ito kaso malakas siya, kung pwede lang magamit ang powers ko eh! "Bitawan mo nga ko!" Sambit ko sa kaniya. "Nakita mo ang mga PGF," huh? Ano naman kung nakita ko sila! "So?" Taray na sagot ko sa kaniya. "Alam mo bang sikreto lang ng pilipinas ang samahan na iyon at since nalaman mo, welcome to PGF," sambit niya sabay ngisi. "Huh? Ayoko nga isa lang akong magiting na estudyante tapos isasali mo ko roon, mga sundalo lang iyong mga yun eh mamatay ako nang hindi oras!" sigaw ko sa kaniya, nagtitigan kami nang matagal. "Commander ako ng PGF, at nasa saakin kung gusto kita isali, sa ayaw at sa gusto mo isasali kita." He kissed me on my cheek, dahilan para mamula ako nang husto at sapakin siya sa muka. Hinawakan niya yung pisnge niyang nasapak ko. He smirked. Cute ng expressions mo," mas lalo akong nanggigil sa kaniya. "Mamatay ang family mo o sasali ka?" Tinakot niya pa ko. "Bakit ba pinapasali mo ko roon? Eh ayoko nga! Tsaka paano ako nakakasiguro na ikaw nga ang commander. Isa lang akong estudyante." Pinagmasdan ko siya mukhang nasa edad ko rin siya kaya imposible ang sinasabi niya. "I told you PGF is a secret institution of Philppines, alam mo bang hindi pa namin pinabalik ang mga mamamayan sa syudad na ito nandun parin sila sa safe place, ikaw anong ginagawa mo rito paano ka nakarating rito ?" Tanong niya saakin, anong isasagot ko. Sinusuri niya ako nang maigi "Humiwalay ako sa mga nage-evacuate dahil pinuntahan ko si mama, nag-aalala ako eh, kaso pagdating ko sa bahay wala si mama." Best liar goes to Mikaela Javier! "Hindi ko naman alam na ganito pala, ang akala ko simpleng lindol lang ang nangyari. Pero bakit ganito?" Tanong ko sa kaniya kahit alam ko ang totoo. "I see," muka naman siyang nakumbinsi sa pag-sisinungaling ko. "Sige see you soon," Sambit niya sabay lakad palayo at sumama sa mga kasama niya. Mukhang may inutos siya rito at inasikaso ako nang mga ito. "Saan niyo ko dadalhin?" Hindi tumugon ang mga ito saakin. Hinanap ko si Nanami, "Nanami!" Sigaw ko, may lumapit na pusa saakin kaya agad ko itong kinarga. Alam kong si Nanami ito. "Lalabas na yung mga tao sa safe place umuwi ka na," sambit ng mga lalaking naka uniporme. Pag-uwi ko sa bahay, "Mika saan ka galing?" tanong saakin ni Mama. "Ma!" Agad akong napayakap kay mama na nagaalala nang husto. "Mabuti naman ligtas ka," she sighed. "Ano pong nangyari?" Tanong ko kay mama. "May lindol daw anak kaya pinapunta kaming lahat sa evacuation center kung saan ligtas daw pero pagkalabas namin ayos naman dito sa lugar natin. Walang bakas ng lindol." Napatango na lamang ako kay mama. Wala silang alam sa nangyayari tuwing may sakuna na nangyayari dahil sa mga spirit. Nang mapagdesisyunan namin ni mama na magpahinga na agad akong umakyat sa kwarto ko at inilapag si Nanami agad naman siyang nag-anyong tao. Humiga siya sa sofa ko, hinagis ko sa kanya 'yung extrang unan at kumuha ako ng kumot sa cabinet. "Good night Kasai," wika niya at natulog na. "Mikaela, hindi na kita muling makakausap this is the last day of my existence," bulong ni Kasai sa utak ko. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya, hindi pwede konti palang ang alam ko eh! "From now on my existence is inside you, nahalo na ang existence ko sa existence mo, Oo hindi mo na ko makakausap but I'm still here to help you." You are now the official Spirit of Fire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD