"
Let's go on a date tomorrow," that line was the reason why I couldn't sleep last night. I look like a drug addict today, and this stupid puffy eyebags.
And also I have a pimple on my right cheek wow just great, come on I have a date today! W-what? Nope hindi ako nagpapaganda as you think! I just hate how I look like today! Yeah that's the reason
I heard the doorbell rang, I went to the door to opened it.
"Good morning," I rolled my eyes as I saw his stupid face.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.
"Have you forgotten that we're going on a date today?" How am I supposed to forget that eh 'yan ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi!
"Date?" Nagtanga-tangahan ako, ayokong makipag date sa kanya
"Gusto mong ipaalala ko saiyo," an evil smile formed on his face
"Naalala ko na," damn it!
I looked at him from head to toe, nakasimpleng white poloshirt siya at jeans and naka Nike na rubber shoes while his hairstyle parang kakabangon lang sa kama dahil ang gulo. Napalunok ako oo ang hot niya!
"Hindi ka pa naliligo?" Pumasok siya sa loob ng bahay buti na lang wala pa si mama dito kung hindi aasarin lang ako nun! Umupo siya sa sofa sa may sala namin.
"Maligo ka na, gusto mo paliguan kita?" Pangaasar niya saakin, tinitigan ko siya ng masama.
"Ito naman 'di mabiro, ako na lang magbibihis sa iyo," he winked at me.
"Ayokong makipagdate saiyo!" Sigaw ko sa kanya!
"Gusto ko!" Diin na sambit niya, lumapit siya saakin unti-unti at umatras ako palayo sa kaniya. Tumakbo ako papasok sa Cr at ni-lock ang pinto. I heard he laughed
"Dito lang ako sa tapat ng pinto baka may butas!" Asar na sambit niya.
"Gago ka!" Sigaw ko, nakakaasar ka bwiset! Sa inis ko naligo na lang ako at nagbihis. Naka white T-shirt ako at jumper shorts and I wear thigh high black socks at doll shoes na itim, I braided my hair into two sides.
"You look like a doll," paglalandi niya saakin,"yung manika ng witch," sabay hagalpak ng tawa.
I rolled my eyes sa pangtri-trip niya .
"Oh saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Hinila niya ko palabas ng bahay.
"Teka naman ilo-lock ko 'yung bahay," inis na sambit ko sa kanya.
Pagkatapos kong I-lock 'yung bahay pumunta kami sa bus station at sumakay ng bus.
"Ano bang trip mo?" Yamot kong tanong sa kanya.
"Hunybunch ko! Itu-tutor kita diba, magde-date tayo sa library!" Balak niya sana akong yakapin ngunit itinulak ko siya palayo. Akala ko naman date na talaga, akala ko magpi-picnic kami sa isang park 'yung nababasa ko sa mga romance na kwento. Hindi pala!
"Bakit muka kang nalugi?" tanong niya saakin.
"Kasama kasi kita," sagot ko, nang makarating kami sa library mayroong lalaki na may dalang bag at kinuha ito ni Rin.
"Sino 'yun?" Agad namang umalis 'yung lalaki.
"Butler ko," sagot niya, edi siya na may butler, siya na mayaman. Pumewesto kami roon sa walang tao para daw walang istorbo daw!
"Saan mo gusto magsimula ng lesson?" Ngiting tanong niya
"Kahit saan," sagot ko at yumuko sa desk.
"Kahit saan basta kasama mo ko," ngiting sambit niya, I raised my eyebrows at ngumiti ng fake.
"Simulan na lang natin sa paggamit ng mga weapons, tutal malapit na ang first mission niyo," may mission pa palang nalalaman ang mga ito!
Inagaw ko sa kanya 'yung libro at binasa at inintindi ko ito, kahit 'di na niya ko turuan matuto ako na walang nagtuturo saakin, ako lang sapat na!
"Oh tapos na!" Binalik ko sa kanya 'yung libro.
"Naintindihan mo ba 'yung laman?"
"Oo naman, ano ako bobo?" Ginawa akong bobo nito eh!
"Sige may tanong ako, CA-unit stands for?''
"Combat armor unit, worn by Anti-spirit Force, ASF is the force who handle the spirit creature, under din sila sa PGF ," sagot ko sabay crossed arms.
"Not bad, next question, give 5 examples of ASF weapons?" Akala mo naman bobo ako tsk.
"1.Anti spirit gatling gun
2.Anti spirit rifle
3.Laser sword
4.Laser knuckles
5.Twin laser blades
Gusto mo bigay ko pa ang purpose ng weapons na iyan," para malaman niya na matalino ako!
"Huwag na, may tiwala naman ako saiyo," isinara niya 'yung librong hawak niya.
"Mag date na tayo," he packed all his things.
"Akala ko ba itu-tutor mo ko?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi na kaya mo naman mag self study sa bahay niyo," hinila niya ko sa kamay, oo lintek na holding hands kami hanggang sa paglalakad sa labas naka holding hands parin.
Huminto kami sa isang ice cream store, well I love icecream, "You love ice cream right?" stalker ko nga ito.
"Oo bakit?" Taray kong sambit sa kanya.
"Wala lang ang saya lang kasi malaman ng mga hilig mo," napayuko naman ako sa sinabi niya.
Mikaela Javier 'wag magpapadala sa mga chessy lines niyan! Nagorder ako ng cookies and cream habang siya ube ice cream.
"Why do you love icecream," out of nowhere niyang tanong, I sighed.
"Nakakatanggal kasi ng stress at init ng ulo ko,'' napatango siya sa sinabi ko.
"Magiging living icecream mo ko," what? living icecream ngayon lang ata ako nakarinig nun.
"Para ako 'yung stress reliever mo, hindi mo na kailangan bumili ng icecream kung nandito naman ako."
"Stop with that chessy lines, I hate it!" Kayamot si loko eh, ang daming satsat kaasar!
"Ito naman nagpra-practice lang magpafall ng babae," ngising sambit niya.
"Hindi ako babae," sambit ko, "sapakan pa tayo eh!" Paghahamon ko.
"Ayoko babae ka!" Pag-angal niya, gentledog masyado eh!
"Hindi nga ko babae!" pagdadabog ko.
"Para saakin babae ka, inaalagaan, pinoprotekthan, hindi sinasaktan," hugot niya! Kung maka hugot akala mo may pinagdadaanan sa buhay.
Nilantakan ko na lang 'yung icecream dahil wala akong masabi nabara ako ng husto! Na-speechless ako sa sinabi niya!
Ngiting tagumpay naman siya, "may crush ka?" tanong niyang bigla.
"Wala," I replied
"Ahm boyfriend?" tanong niyang muli.
"Wala!"
"Ako may crush ako," wika niya. Pake ko?
"Gusto mo malaman kung sino?" Hindi ako interesado.
"Tingin ka sa salamin siya 'yung crush ko," halos masamid naman ako sa sinabi niya, ramdam ko ang paginit ng muka ko.
He chuckled, do I look weird?
"Stop it!" Pagsaway ko sa kalokohan niya.
Padabog naman akong lumabas.
Ayoko ng ganun nakakailang kaya! Kapag pumipick-up lines ang mga lintek na lalaki.
"Huy bakit mo naman ako iniwan sa loob?" Iniwas ko 'yung tingin ko sa kanya.
Lumakad ako palayo sa kanya, "bakit ka ba ganyan lagi mo kong iniiwan?" he said bitterly, napalingon ako ng 'di oras sa kanya.
"Kailan kita iniwan?" Tumaas ang boses ko, hoy! Hindi ko pa nagagawa 'yun sa kanya as if naman magkakilala na kami ng matagal.
Ngumiti siya saakin at hinila ako,"saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.
"Sa puso ko," he winked at me.