Chapter Eleven

1167 Words
"Sa kanan tayo!" Kanina pa kami nagtatalo ng kasama ko kung sa kanan o sa kaliwa. "Sa kaliwa sabi eh!" Paghatak niya sa posas, hinatak ko rin 'yung posas . "Sa kanan!" Pagkontra ko sa kaniya. Huminto siya saglit at tinitigan ako ng masama. "Alam mo ba kung bakit nasa kaliwa ang t***k ng puso natin?" Ano nanaman trip nito. "Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Kasi sinasabi, ang puso natin is not always right kaya sa kaliwa tayo!" Hinatak niyang muli 'yung posas. "Lintek ka! Anong kinalaman ng puso sa maze!" Nagkandahatakan kami ng posas. Kung kanina ok kami dahil nagkasundo kami sa pagtalo sa Sui android ngayon nagtatalo kami sa kanan at kaliwa! "Hello," napatitig kami dun sa nagsalita. "Chisikir?" ano naman ginagawa niyan dito? "Hello Mika musta na?" ngiting sambit niya. "Kilala mo 'yan?" Tanong saakin ni Erika, I rolled my eyes at her. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Chisikir. Hindi ko na pinansin si Erika bahala siya dyaan. "I'm here to help you, pinadala ako ni Commander Rin para makalabas ka na agad dito miss ka na raw niya," kilig na sabi niya. "Hoy Mika! Paano mo nakilala si Rin pati si Chisikir? Hoy Chisi siya ba 'yung kinuwento ni Rin saatin?" Tanong niya kay Chisikir. Hindi na ko magugulat kung magkakilala sila, anong gustong niyo line ko, what? Magkakilala sila, teka paano? so cliché. Halata naman eh ano magtatanga-tangahan pa ko kagaya ng babaeng ito. Tumango si Chisikir sa kanya, "Siya yun!" Sagot ni Chisikir  kaya pinagmasdan ako ni Erika mula ulo hanggang paa. "Walang taste si insan," napataas naman ang kilay ko roon nang todo, walang taste sino? Si Rin insan niya? "Commander Rin and Mei are cousins," ngiting sambit ni Chisikir saakin. Napatango na lang ako pake ko? Kung magpinsan sila. "Ang Papa ni Commander Rin ay kapatid ng mama ni Mei kaya magkaiba ang surname nila," pagpapaliwanag ni Chisikir. "Muka ba akong tanga? Alam ko naman ganun ang dahilan kung bakit magkaiba ang apelyido nila," I rolled my eyes. "Gusto ko na makalabas dito!" Sambit ko ng may inis sa boses ko. "Demanding masyado," bulong ni Erika na sadya. May lumabas na hologram picture ng maze sa lapag. "It's a map of this maze, at nandito tayo ngayon," zinoom ni Chisikir ang isang place sa maze at mayroong red dot doon na dalawa. "Bakit dalawa lang?" tanong ko sa kanya. "I'm not a human being to recognize inside this maze," tipid na sagot niya, tumango na lang ako. "Nandito kayo ngayon," tinuro niya 'yung dalawang red dot. "Ang kailangan niyong gawing dalawa ay hanapin ang labasan ng maze na ito," sambit niya. "Then gamitin natin ito para malaman ang labasan ng maze na ito," nagstart na akong hanapin ang end ng maze na ito. Pagkaraan ng ilang minuto nilagyan ko ng mark ang bawat dead end at ang nakakainis ang bawat dead end ay nasa iisang lugar, ito lang ang dulo ng maze, kahit kumanan at kumaliwa ka doon parin ang hantungan mo. "Ito na ang dulo ng maze," sambit ko sa kanila. "Walang labasan dyaan," dagdag ko, dahil sa image ng holographic maze wala ka ng dadaanan doon. Natawa na lang ako sa trip ng gumawa ng maze na ito, tawa lang ako ng tawa dahil sa narealize ko. "Nabaliw na," Pang-aasar ni Erika. "I don't think so Mei, I think she already finds the way out," ngiting sambit naman ni Chisikir. "You're right," hindi ko mapigilan ang humagalpak ng tawa, "Ang labasan ng maze na ito ay siyang entrance din," nakakaloko ang gumawa ng maze na ito. "Huh? sigurado ka?" tanong saakin ni b***h. "Malamang oo sige try mong hanapin ang dulo ng maze na ito walang labasan doon, baliw ang gumawa ng maze na ito." Natatawa kong saad. Hinatak ko na si Erika pabalik sa entrance namin. "Bye! Mika and Mei may reward si Mika kay commander," sambit niya at tuluyang naglaho. "Buti pa ko may silbi eh yung isa dyan, nga-nga!" pagmamayabang ko sa kanya. "Ikaw na!" inis na sambit niya sabay taray. "Mika-ti ka noh!" asar niyang sambit. "Mei-landi kang taglay noh!" pangaasar ko din sa kanya. Nagkandangisian na lang kami. "Bakit ba mukang bibig ka ni insan, wala siyang taste pwe!" sa ganda ko kasi nabighani si Rin "Hindi hamak na maganda't matalino ako kaysa sa ibang pipichuging iba dyaan," taray na sagot ko. "Crush mo ba si insan?" W-what the, bakit nagiba ata ang attitude na isang ito naging feeling close si loka. "H-hindi!" Sagot ko agad, ang manyak kaya nun. "Buti naman kung hindi mas lalakas ang lindol," napalaki naman ang mata ko doon ng todo. Seriously? Alam niyang manyak ang taglay ng pinsan niya. "Joke lang ang sweet kaya ni insan," she said as she giggled, wow binawi agad ang sinabi! "Ayokong pagusapan si Rin," naiinis na ko eh! "Bakit nafo-fall kaba kay insan?"Asar niya saakin with matching tusok sa tagiliran. "Mei-landi kang taglay!" Walang gana na sambit ko. Sa 'di kalayuan nakita na namin si panot na nakatayo doon sa entranc at exit ng maze, hinila ko si Mei-landi papunta roon. "We found the way out," bungad kong sambit kay panot, sa galing kong ito? Naman ako pa ba. Tinitigan lang kami ni panot, "Kayo ang pinakahuling dumating dito," napatingin ako sa likuran niya, nandun na lahat ang classmates namin. "Huh?" nagkandatitigan kami ni Mei-landi, umalis sa harapan namin si panot. Paano nangyari iyon, akala ko naman una kaming makakalabas dito! Pero hindi! Nakalabas na kami sa maze at pinapila kaming mga estudyante tinanggal na rin yung posas namin, may sasabihin daw si panot. Pansin ko lang bakit ang daming sinugod sa hospital? Psh. Pake ko kung nasaktan sila. "The real purpose of this activity is to survive with your partner, porket sinabi kong paunahan makalabas sa maze na iyan eh 'yun lang iisipin niyo! Kaya maraming nasaktan dahil karamihan sa inyo sarili lang ang iniisip at ang makalabas sa maze, wala kayong teamwork sa pagtalo sa mga Sui androids, para saan pa at nakalabas kayo sa maze eh 'yung partner mo nagaagaw buhay dahil sa pagiging makasarili niyo!" pagsermon saamin ni panot. Ngumisi na lang ako, hindi naman kami 'yung pinapataaman niya eh. "These are the videos taken while you are fighting with Sui,"nagsilabasan ang mga hologram na naglalaman ng videos namin. Ipinakita isa-isa ang mga videos karamihan sa kanila ay palpak sa paglaban sa Sui android, kami lang ni Mei-landi ang may teamwork sa paglaban sa Sui Android, 'yun nga lang huli kaming nakalabas. "At ang nagwagi sa activity na ito ay ang dalawang engot na babae na iyan!" Tinuro niya kaming dalawa dahil katabi ko lang si Mei. "Hindi kami engot!" sigaw naming dalawa. "Ayun nga lang patuloy parin sila sa pag-aaway kaya natagalan sila sa paglabas ng maze! But they survived na walang nasaktan sa kanila, tinitigan naman kami ng mga estudyante. Yes! bida nanaman ako! Sa galing ko ba naman sige na nga magaling kaming dalawa! "That's the end of our activity, umuwi na kayo," inakbayan ako ni Mei. "Galing natin now I know kung bakit type ka ni insan," ginulo niya 'yung buhok ko. Oh I forgot to tell you, wala kaming klase sa academics subject why? Malamang dahil dito baka makapasok pa kami sa tagal namin sa loob ng maze ngayon makakauwi na ko! Paglabas namin sa gate ni Erika Mei Sata nakaabang doon si Rin, lumapit siya saakin and he hugged me tightly. Let's go on a date tomorrow
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD