Chapter Thirteen

1307 Words
Lumabas ako mula sa fitting room, isang simangot ang ipinakita ko sa kaniya. "Oh!" Inis kong sambit sa kanya. "Pwede na iyan," I looked at him from head to toe naka suit siya at muka siyang desente. "Let's go," ino-offer niya 'yung kamay niya saakin. Tinanggap ko naman, ano pa bang magagawa ko? Nandito na eh! Binayaran niya na 'yung damit namin, pinaayusan niya rin ako sa parlor. Pupunta daw kami sa isang birthday party ng isang spirit. Niyaya niya ko mag-date para dito lintek na! Instant spy agent ako. "Sure ka bang spirit 'yun?" tanong ko sa kanya. Nakasakay na kami sa kotse niya, at on the way na roon. "Kaya nga magspa-spy tayo," so hindi pa siya sure kung spirit nga 'yung nasa party, galing! "Take this," may inabot siya saakin na gun leg holster at knife leg holster, ito 'yung kinakabit sa legs ng mga agents sa pelikula para itago 'yung baril at kutsilyo. "Anong gagawin ko rito?" I asked him, don't tell me assassin din ang peg namin doon. "Ako magkakabit niyan sa legs mo," pangaasar niya saakin. Kaysa makita at mahawakan niya ang legs ko ako na lang, buti na lang kamo na sa back seat ako ng kotse niya at siya 'yung driver. Nang makabit ko na 'yung holster sa legs ko, may inabot naman siyang clutch bag saakin. Tinignan ko 'yung laman nito, "suutin mo 'yung contact lense," utos niya saakin. "Camera 'yan," dagdag niya, pinagmasdan ko 'yung contact lense, transparent ito at hindi halata na camera ito. Isa lang siya at sa kanan ng mata ko siya sinuot. "Parang wala naman eh!" Pag-angal ko. "Talaga?" Ipinakita niya saakin 'yung phone niya, naka-sync 'yung camera roon at kung anong makuhanan nito makikita sa phone niya. "Blink your eyes to capture an image that looks suspicious to you,'' sinunod ko 'yung utos niya and nakuhanan ng picture 'yung muka niya at naka-sync ito sa phone niya. "Cool," sambit ko. Nakahinto pala yung kotse at narito na kami sa destinasyon namin. "Lahat ng kailangan mo na dyaan sa clutch bag, and suutin mo yung visible earphone para pag nagkahiwalay tayo may contact tayo sa isa't isa," lumabas siya sa kotse. Pinagbuksan niya ko ng pinto at ino-offer niya saakin 'yung arms niya. Bumaba ako ng kotse and I clung to his arms. "Are you ready?" Bulong niya saakin. "Of course," ngiting sambit ko sa kanya. Pagpasok namin sa mansion ng may party, napapanga-nga na lang ako sa laki ng mansion. And ang mga tao rito ay napaka classy and so elegant. Nakakapangliit lalo na sa mga kagaya kong hindi mayaman kagaya nila but mararating ko rin ito tiwala lang. "Good evening to you everyone, thank you for coming here to celebrate my birthday." Napako ang atensyon namin sa isang babae na nagsasalita sa harap ng stage. "That's her," bulong saakin ni Rin. "Pagkatapos ng speech niya sundan mo siya," dagdag niya. "Ako lang?" Aba't ano ako lang susunod doon sa babaeng yun. "May iba akong gagawin," pagkatapos niyang sabihin iyon, iniwan niya ko mag-isa. "Rin," tawag ko sa kanya, pero hindi niya ko nilingon. "Thank you everyone and excuse me for an hour," bumaba ng stage 'yung babae. Lintek na masundan na nga, tinignan ko 'yung laman ng clutch bag, bakit puro makeup ito? Anong gagawin ko rito aber? Pumasok siya sa isang room, papasok din ako doon kaso nakalock. "Lintek kang babae ka bakit mo ni-lock," sigaw kong ipit. "Use your mascara, it's a key to any locks," napahawak ako sa tenga ko. Si Rin pala ito kausap ko. "Bakit mo ko iniwan loko ka?!" Inis kong tanong sa kanya. "Kinocontact ko si Chisikir para i-scan ang babaeng iyan, and I have to connect the sattelite to Chisikir para lang ma-scan ang spirit na iyan," pagpapaliwanag niya. "Ah ganun ba," kinalkal ko 'yung mascara, susi pala ito at ayun isinuksok ko sa door knob and sa wakas na buksan 'yung pinto. Pumasok ako sa loob. "Rin kwarto niya ata ito?" I looked around inside. "Kalkalin mo 'yung gamit niya, and if you find out any suspicious thing take a picture of it." Narinig kong parang bumukas 'yung shower, naliligo ata siya. Masimulan na nga baka mamaya mahuli pa ako dito, kinalkal ko yung gamit niya pero wala namang suspicious na bagay. "Rin wala namang suspicious eh!" sambit ko sa kabilang linya. "Sino ka?" Napalingon ako sa nagsalita. "Anong ginagawa mo dito?" She made an ice crystals, hinagis niya saakin ang mga ito. I dodged her attacks. Sa kabutihang palad wala akong natamong sugat. "Girl chill lang," pagpapakalma ko sa kanya, hoy babae spirit din ako 'wag tayong mag-away. Gusto kong sabihin pero hindi pwede dahil lintek na! "Hindi na pala kailangan si Chisikir obvious naman na," rinig kong sabi ni Rin. "Tulungan mo ko," I mumbled. "Are you one of the PGF?" Paglingon ko sa kanya ang daming nakatutok saakin na ice crystals. Napalunok na lang ako sa sitwasyon ko. "Oh my 'wag kang gagawa na hindi niya gusto Mika," sambit ni Rin sa kabilang linya. Nakita niya siguro sa phone niya ang sitwasyon ko. "Answer my questions!" May kung anong kulay blue na lumabas sa kamay niya at itinama sa kinatatayuan ko. Napayuko ako at 'yung wall na natamaan ng kulay blue-ng ilaw nag yelo. "W-wala namang ganyanan," sambit ko sa kanya. "Ayaw mo pala kung ganun answer my questions," inilapit niya saakin ang mga ice crystals mga one inch na lang ang layo nito saakin. Anong gagawin ko, admit that I am from PGF or admit that I am also a spirit. "Mika!" Sigaw ni Rin, sa kanya tinuon ni ateng yelo ang mga ice crystals at pinaulanan siya nito. "R-Rin?!" kinuha ko ang anti-spirt caliber mula sa legs ko at binaril si ateng yelo. Good thing na-activate ni Rin ang shield unit kaya okay siya, bakit wala siyang binigay saakin na ganun? Tinamaan siya sa tagiliran after I shot her I trembled out of shock and fear. Nabitawan ko ang baril na hawak ko. "You!" Sambit niya, saakin niya naman tinuon ang atensyon niya. Nagsimulang kumalat ang yelo sa sahig papunta saakin, sa tingin ko gagawin niya kong instant ice. Ice, ice, baby! No! Hinagis ni Rin ang isang time bomb na siyang nagpatigil ng pagkalat ng yelo papunta saakin. Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinila niya ako papunta sa likuran niya. "Surrender now spirit," inilabas ni Rin 'yung handle ng laser sword mula sa bulsa niya. He activated it at lumabas ang kulay blue-ish white na ilaw 'yung parang sa star wars. "The ASF is here now," dagdag niya. "It's my birthday pero ginulo niyo ko, wala akong plano manakit, what's wrong with you humans?!" Mangiyak-ngiyak niyang tanong saamin. "A creature like you needs to vanish in this world," she tried to attack us by using her icy power. But someone shot her in her head, headshot kumbaga. I think the person who shot her is a sniper. Dumanak ang dugo niya sa sahig at nagsimula ng magkagulo ang mga taong nagsasaya ng pumasok na ang ASF. Rin gave me a tight embrace niyuko niya ang ulo ko sa dibdib niya na parang ayaw niyang makita ko ang mga nangyayari. I shut my eyes to prevent myself from crying. Paano kapag nalaman ni Rin na isa rin akong spirit. Papatayin niya rin ba ko? "Commander Rin, ayos lang po ba kayo?" tanong ng isang ASF. "I'm fine," sagot niya. Hindi ko maiwasan pagmasdan ang spirit na nawalan ng buhay. Sinusuri nila ito. Sabi niya wala siyang planong manakit, ano nga bang problema ng mga tao? "Commander, hindi na natin siya pwede pag expermentuhan, she's already dead," sambit ng isang sundalo muli. "Then we need to find another spirit," he said in cold tone. Hinatid na ko Rin saamin, "sorry about that," yumuko siya at hinawakan ang kamay ko. It made me feel so scared, takot na malaman niya na spirit ako at baka ako na ang sumunod. "I know it's not a real date for us, pero babawi ako," sambit niya saakin nang ihatid niya ko sa bahay matapos ang pangyayari na 'yun. "Huwag mo na akong yayain magdate ayoko na," I tried myself to be usual. He chuckled, "good night," nagpaalam na siya saakin. Pagpasok ko sa loob ng bahay napaupo ako sa sahig na tipong hinang hina ako. Don't attach yourself too much to someone might hurt you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD