"Ayoko na! Ibaba niyo na ko sa gundam na ito!" Saad ko halos lumabas na ang ngala-ngala ko.
Nawiwindang ang mga organs ko sa pagikot-ikot ng lintek na gundam ito!
"Mika! Stop being OA!" Inis na saad saakin ni Erika. Busy siya sa pakikipaglaban sa mga Sui android.
Hindi naman ako takot sa heights. Si Rin kasi kung magpalipad ng gundam akala mo aakyat na kami sa heaven, nakikita ko ng dalawang magagandang mata ko na kasing ganda ko ang langit sa hologram screen na nasa harapan ko.
Take note hindi lang basta pagpapalipad ang ginagawa niya. Iniiwasan niya rin ang mga missile na nanggagaling sa mga Sui android kaya ito ang sitwasyon namin. Iwas dito, iwas there, iwas everywhere!
Kaya ang bunga ito nagkandahilo-hilo na kami ni Reena, sanay na ang magpinsan sa ginagawa nila hindi na sila nahihilo!
"Launch the missiles Reena!" Utos ni Erika sa kanya. Hindi na umangal ang Maria Clara namin dahil bubungangaan lang siya ng wicked witch!
"Don't worry Reena! You don't have to aim the target. Hayaan mo ang rocket missiles na sundan sila kung saanman sila magpunta dahil susundan at susundan sila nito hanggang sa tamaan sila!" Saad ni Erika na parang asong nau-ulol.
Gaya nga ng sabi ni Erika-ng may rabies. Sinundan nga ng mga rocket missiles ang mga Sui android hanggang sa sumabog sila sa ere.
"Woooh we already killed 25 Sui android!" Sigaw ni Rin.
Oo, ako nga-nga lang walang naitutulong dahil nasusuka na ko. Anyminute lalabas na ang magic potion!
Pagkaraan ng ilang minuto naka-thirty na kaming napatay na Sui android and you know what?
May isang stupidong gundam na binbunggo kami. Kaya naman mas lalo akong nasusuka!
"Nanahimik kami dito! Tapos ano bubungguin mo kami bwiset ka!" Inis na saad ko.
Hindi ko naman alam na nakatapat saakin yung microphone eh! Kaya ayun nabroadcast yung sinabi ko.
Binunggo niya kaming muli. Pucha pie! nahihilo na nga ko eh!
Sa inis ko kinontrol ko yung gundam at binunggo siya nang paulit-ulit.
"Kalabanin mo na ang lahat huwag lang si Mikaela Javier!" Sigaw ko na halos gusto ng lumabas ng esophagus ko.
"Erika! ilabas mo ang giant blaster sword!" I said as I gritted my teeth. Umalis ako sa pagiging second pilot, hinila ko paalis si Erika sa combat side.
"Doon ka muna!" Pagtataboy ko sa kanya. I cracked my fingers. I put the helmet on my head.
Link start! Connected ang helmet na ito sa utak ko pati sa program ng gundam. Kung anong sinasabi ng utak ko, gagawin iyon ng gundam.
For example, pag-gusto kong suntukin, sipain, sikmuraan, basagin ang gundam hanggang maging piraso na lang ito. Magagawa iyon ng gundam ko. For short ako ang utak ng gundam ko!
Tama lang ako ang maging utak! Mataba ang utak ko.
"Oh!" Inabot ko kay Erika yung libro na binasa ko kung paano gamitin ang mahiwagang helmet na ito.
"Are you sure?" Tanong ni Rin, na parang hindi naniniwala na kaya ko.
"Of course darling! ako pa ba?" I gave him a grin. He just winked at me in response.
"Battle start!" I said, as the program starts.
"Hinamon mo ang maganda't matalinong gaya ko! Mamamatay ka ngayon!" I hissed.
I wield my sword to this stupid gundam! The gundam blocks it using its bare hands.
I activate the machine gun, hiding inside its forearm. I shoot the opponent which lead to its death!
Teka death agad Mika hindi pa, 'wag excited bullet proof ang gundam kaya useless ang bala. 'Wag masyadong confident.
Now my opponent starts to activate the rocket missiles. Rin dodges those missiles but nakasunod parin ito saamin.
"Reena activate the shield-unit!" Rin commanded.
Sinunod naman ito ni Reena bago tuluyang tumama saamin ang missiles na-activate na ni Reena ang shield-unit. Wohhh!
"Now! It's my turn you stupid little ugly duckling gundamn!" I groaned.
Sa inis at banas ko sa gundam na ito este 'yung apat na taong nakasakay dyaan. Pinagtataga ko sila ng giant blaster sword. Pinagbabaril ko rin sila ng machine gun.
For the last thing that I'm gonna do. "Rin lumipad ka palayo!" Utos ko sa kanya. Agad niya naman itong sinunod.
I launched all the rocket missiles we have to that gundam. Parang nanonood ako ng fireworks sa ginawa ko.
"Sobra ata ang ginawa ni Mika-chan!" Reena said nervously.
"Anong sobra? ang cool nga eh!" Pagkontra ni Erika kay Reena.
Nang humupa na 'yung usok, nakita ko ang gundam na, paano ko ba sasabihin?
Naputol 'yung buong braso nito at butas-butas yung upper body nito. Lumanding ito sa lupa.
"Take off na rin tayo!" Sambit saamin ni Rin. Naramdaman ko ang pagbaba namin sa lupa hanggang sa tuluyang makababa kami. Bumukas ang pintuan ng gundam ng kalaban.
Nakita ko ang apat na tao na bumaba gamit ang elevator. Hindi ko alam kung makokonsensya ako sa ginawa ko.
Dalawa sa kanila ay sugatan. Tinanggal ko ang helmet at naunang bumaba sa gundam. Para icheck ang kalagayan nila.
Teka? Bakit ako concern? Pake ko sa kanila. Tandaan mo Mika kasalanan nila kung bakit nasusuka at nahihilo ka.
They deserve it!
"Look what you've done!" Grey angrily hissed. Ang sama niya makatingin. Nangangatog ako teka Mika lumaban ka!
"Ako? kasalanan ko? Dino ba ang nauna? Kayo diba!" Pagtatangol ko sa sarili ko.
"At isa pa! Estudyante ba kayong apat? Ikaw ang magtuturo saamin diba? Bakit mo kami binabangga kanina?!" Dinuro ko si Grey.
Siya ang instructor namin, anong ginagawa niya?
He smirked, "ayoko kasi kayong manalo!" Saad niyang nakakainis.
"Manalo? Bakit may contest?" Tanong ko rito ng sarcastic sabay irap.
I saw he clenched his jaw, so naiinis na pala siya saakin.
May naramdaman akong umakbay saakin. Napalingon ako rito kasama ko na pala ang tatlong ito.
"Commander, two of my people have ins injured because of her. I'm going to report her to the headmistress," sambit niya kay Rin.
Rin just glared at him with a calm expression, "goahead!" He replied. Tinitigan ko naman siya ng masama. Payag siyang ireport ako sa headmistress?
Muka namang nainis lalo si Grey sa kanya,"why are you so calm?" Tanong nito nang pabulong.
Rin just shrugged his shoulders in response,"I hope your comrades will be fine and please report Mika if you like to," umalis si Rin sa lugar na iyon.
Sa asar ko pumunta muna akong C.r para sumuka, hindi ko na kaya.
Paglabas ko sa C.r nakaabang sa labas si Rin sabay higit saakin.
"Huwag ka ng magtanong pupunta tayo sa headmistress."