Chapter Twenty Two

1133 Words
Nakailang lunok na ko ng laway ko dahil sa kaba, pinapatawag ako ng headmistress ng school na ito. Teka mae-expel na ba ko? Hindi na ko magiging member ng PGF. Hindi na ako magiging ASF kapag nakagraduate na ko, sana ma-expel nga ako. Pero kasi eh! Kinakabahan talaga ako nang todo. Lalabas na ang puso ko sa dibdib ko tapos paglumabas baka kainin ni headmistress dahil I'm sure muka siyang aswang, hindi lang muka, aswang talaga siya. Nakayukom ang palad ko habang naka-upo ako sa sofa. Itong Rin na ito chilax ang loko. Naka-earphone at nagbabasa ng magazine. Naghihintay kami dito sa waiting area. "Rin! Anong gagawin niya saakin?" Tanong ko rito. Hindi niya inalis ang tingin niya sa magazine. "Babayaran mo siguro yung gundam," sagot niya ng tipid. "Walanghiya ka! Magkano 'yung gundam na iyon?" I hysterically asked. Ibinaling niya ang tingin niya saakin. 'Yung tipong parang icecream ako na natutunaw sa tingin niya. "Worth of 2 million yen," he teasingly smirked. Nanlaki ang mata ko doon, 2 million yen? magkano sa pesos yun? Nag-sign of the cross ako, "Lord I think this is the right time, kunin niyo na po ko!" Kunin mo na ako, now na! Ayoko na here kaysa naman kunin ng headmistress ang katawan ko at kainin bilang pangbayad utang. Sorry na guys OA ako, ganito lang talaga ako kapag kinakabahan. "Huwag may hiyas ka pa!" He winked at me. Nabaling ang tingin ko sa kanya. "Hiyas?" Lumawak ang ngiti niyang nakakaloko. May iniisip ba siyang kapilyuhan? Ganyan kasi ang ngiti niya kapag inaatake siya ng sakit niyang perverted Rin syndrome. "Commander Rin and Ms. Javier pinapatawag na kayo sa loob," lumabas ang isang petite na babae sa opisina ni aswang. Hinatid niya kami sa loob ng opisina ni aswang. Langya maglalakad ka pa ng ilang metro para makapunta ka na talaga sa mismong opisina niya. Daming arte pinapagod lang ang magandang ako! Pumasok kaming dalawa ni Rin, umalis na si ate. Ang dilim ng opisina niya. Guys confirm aswang ito! Pero 'yung sikat ng araw tumatagos sa bintana kaya medyo maliwanag pa ng konti. Walang ilaw dito, wala kasing pangbayad ng kuryente. Nakatalikod ang swivel chair niya at may lamesa sa harap nito. Nakaharap siya sa bintana, pinagmamasdan ang view. Ang view na kung saan ang laki ng damage na ginawa ko. Ang view na kung saan kami naglaban ng kasamahan ni Grey. "Good afternoon headmistress," Rin greeted her calmly. Jusko! Ako kinakabahan siya kalmado lang. Pinainom ba siya ng pawis ng blue whale. 'Yung gamot na ibinigay ni Dora sa mga lola at kay Yaya dub para hindi kabahan? Pahingi ako nun! "Good afternoon Commander, especially to you Ms. Javier," bati saamin nito, shocks boses mangkukulam. Hindi parin ito humaharap saamin. Bastos! kapag kinakausap ka kailangan humarap ka sa kausap mo. Ano kakausapin namin yung likod mo? Nasa likod ata 'yung muka nito eh. "Good afternoon rin po," pagbati ko rito. 'Yung moment na kinakabahan ako kanina napalitan na ng inis ng dahil sa aswang na ito. Ako na moody! "I heard the report of our Marshal," sambit nito saamin. "Edi narinig mo, hindi ka bingi congratz!" Napalakas ata 'yung pagkasabi ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Rin sa kamay ko, sabay pisil nito, binabalaan niya siguro ako. "Joke lang po!" Tumawa ako na nanunuyam sabay irap. Madilim dito hindi niya makikita ang pag-ikot ng dalawang mata ko. "Ms. Javier!" Tawag nito saakin. "Po?" Tanong ko rito, hampasin kita ng upo eh! "Did you know what you've done to our school?" Tray na tanong nito saakin. "Yes," I replied calmly. Hindi ako kinakabahan sa kanya peste siya. "And do you also know, you have to pay for that?" Tanong nitong muli saakin. "Pay? Ano klaseng p*****t?" Narinig ko ang mahinang tawa ni Rin kaya siniko ko siya. "Kabahan ka na!" Bulong ni Rin saakin na nakakaasar. "Since busy ang buong PGF officers. Ikaw ang ipapadala ko sa orphanage," Inikot niya ang swivel chair paharap saamin ni Rin. Tinuro ko ang sarili ko, "ako? Ipapaampon niyo ko? May nanay ako, hindi ako ulila!" Pagrereklamo ko. Lumapit saamin si headmistress. Nakakita na ba kayo ng babaeng 50 years old pero maganda at sexy parin? Kahit may wrinkles na ang lola niyo, masasabi kong maganda parin siya. Naka office attire siya at naka-3 inches na takong siya. Matandang dalaga kaya ganito ang apperance nito. "You're an idiot!" Sambit nito saakin. Tumaas ang kilay ko ng bongga doon. "Ipapadala kita sa orphanage para ikaw ang mag-asikaso ng ipapadala ng PA for our charity." Ginawa niya pa akong utusan ah! "Kahit maging ampon ka Ms. Javier walang aampon saiyo!" ngising saad nito saakin. Ouch! ang sakit naman, saiyo kasi walang pumatol na lalaki, amoy lupa. Langya menopause na kasi ang lola, Mika chilax ka lang 'wag mo pasabugin ang muka niyan. "Huwag ka ng umangal. Pag-umangal ka may ipapagawa pa saiyo 'yan ng mas mahirap," Rin warned me. Inirapan ko na lamang siya. Oo na langya! Kasalanan ko naman eh! Sinira ko 'yung gundam na sobrang mahal! "Agree?" Tanong ni aswang saakin. Tumango ako rito kahit labag saakin, "ikaw lang ang ipapadala roon sa loob ng tatlong araw," bumalik at umupo siya sa swivel chair niya. "Huwag kang umangal Ms. Javier, nakasira ka ng building na kung saan may nagkaklase. Idagdag mo pa yung gundam." Pagbabanta nito saakin. Akala mo naman takot ako saiyo! Che! 'Wag mo kong tinatakot. "Nasirang building?" "Yes, 'yung tabing building na kung saan kayo naglaban. Bumanda doon ang bala ng machine gun, good thing walang nasaktan," pagpapaliwanag nito saakin. Tumango na lamang ako. Tatanggapin ko na nga ang parusang ito, parusa talaga ito, I hate kids kaya! "And you Commander, 'wag mong sasamahan ang babaeng iyan, understood?" pinanlakihan niya ng mata si Rin. "Hindi ko naman talaga siya masasamahan, dahil pupunta ako sa PMI (Philippine Machina Industries) para magpagawa ng bagong gundam. Ilang araw rin akong pabalik-balik doon." Langya! feeling mo Rin kailangan kita. I don't need a man. "Inaasahan kita Ms. Javier. You may go," ngiting saad niya saamin. Nagpaalam na kami ni Rin. Hinigit niya ko palabas ng office niya. "Aray! Kung makahigit ka naman!" pagrereklamo ko. Tumigil kami at tinitigan niya ko ng masama. "A-ano?" I stuttered. Bigla naman siyang ngumiti ng malawak,"kain tayong icecream," pagyaya nito saakin. Tama ba narinig ko tayo? date? Yayain ko sina Erika at Reena. Baka mamaya mangyari yung dati, date daw pero naging spy agent ampeg ko. "Sama natin sina Erika at Reena," pagre-request ko. "Ayoko gusto ko kitang masolo!" pagtututol niya. Nanlaki ang mga mata ko dun my ghad! "A-anong masolo, tayo ba? Ayoko!" I sounded like a tsundere! This is so embarassing, my face is so warm. "Bakit kailangan pa ba ng "tayo" para kumain lang ng icecream?"Diniin niya 'yung pagkasabi ng tayo Langya basag ako, "basta isama natin sina Erika at Reena," pagtapos ko ng usapan naming dalawa sabay alis. Pagkatapos ng klase dumeretso kaming apat sa icecream parlor na malapit sa school namin. Nakabusangot ang muka ni Rin. Hindi niya ako kinakausap, bahala siya dyaan. "Here's your buko icecream madam!" Nilapag nung waiter 'yung order ko. Ganun din ang ginawa niya kila Erika. "Salamat!" Nilingon ko yung waiter. Halos mabitawan ko yung kutsara dahil pasubo na ko ng icecream. "Nanami?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD