Chapter Twenty

1150 Words
Mukha akong tanga na nagme-make face dito sa C.r ng girls. Buti na lang mag-isa lang ako. Nakabalik na kami dito sa Manila nung isang araw pa. Hanggang ngayon inis na inis ako kay Rin, bakit? he's acting like he didn't do anything wrong. Ngayon mame-meet namin 'yung bagong instructor namin for teaching us how to control a damn robot. 'Yung nasa loob ka ng robot at ikaw yung magiging piloto. "Lahat na lang bwiset!" Padabog akong lumabas ng C.r ng girls at pumunta na sa training ground ng school namin. Inis akong pumila sa pinagpipilahan nila Erika at Reena, okay na si Reena. 'Yun nga lang nakasemento 'yung left arm niya but nakakalakad na siya. "Nakabusangot ka?" tanong ni Erika saakin. I rolled my eyes, may kasalanan pa saakin ito eh! Kung hindi lang siya nagdare sana virgin pa ang lips ko! "Ngumiti ka nga!" Utos niya saakin. Nang hindi ko siya pinansin, hinigit niya 'yung pisnge ko. Sa inis ko inapakan ko yung paa niya "Serves you right !" I groaned. "Sumusobra ka na ah!" Itinaas niya 'yung skirt ko. Ibinaba ko naman ito agad good thing naka short ako sa loob. Now it's my turn para hilahin ng malakas ang blouse niya, kaya nagsitalsikan ang mga butones nito. I am a spirit may kakaibang lakas ako. Since naka bra lang siya todo takip siya ng dibdib niya. Girls alam na ah! Laging magsuot ng sando kahit mainit. Lumayo na ko sa kanya baka kasi mamaya gantihan niya ko. "Mika , Erika stop it!" Pumagitna saamin si Reena. Nginisan ko lang si Erika. May lumapit na lalaki saamin, I think ka age namin siya o mas matanda ng two years. He is tall, maputi, maliit na matangos ang ilong, pouted lips na parang kay Angelina Jolie. For short he's handsome. Handsoma ng muka. Kailan ba nagkaroon ng gwapo sa paningin ko? Hinubad niya 'yung coat na suot-suot niya at ipinatong ito sa balikat ni Erika. "T-thank you," she stuttered. Langya nagblu-blush si Erika? Isinuoot naman ni Erika 'yung coat nung lalaki. Every girl is staring at him and guess what? May heart ang mga mata nila. "Take care of her," sambit niya kay Reena, tulala namang tumango si Reena sa kanya. Nginitian siya nito. White set of teeth pero may tinatagong cavities 'yan for sure. Agad namang umalis si Reena at Erika. Napako naman ang mata niya saakin, ang sama niyang makatingin teka sino ba siya? Lumapit siya saakin at hahawakan niya sana 'yung pisnge ko or ako lang ang nag-iisip nun. May humatak saakin palayo sa kanya. "Don't touch her!" A familiar voice coldly said. Lumingon ako sa likuran ko. Shocks si Rin pala ito. Ngumisi yung lalaking nasa harapan ko, "is she your girlfriend?" He teasingly asked. "Nope! I'm not," I replied, oo ako na ang sumagot nung tanong niya. Mamaya magimbento itong Rin na ito. Mas lalong lumawak ang nakakaasar na ngiti nito, "she's one of my student. May kasalanan siya sa ginawa niya sa isang classmate niya. She's a bad girl, and every bad girl deserves to be punish," he said calmly. I gulped, damn this stupid ugly duckling jerk, I  hate him! "Calm down," Rin whispered to my ears. "And I am the one who should punish a bad girl, not you!" Rin gave him a sadistic smile. I saw his jaw clenched. Wooh Rin nadali mo siya. "So what's our lesson 'sir!'" Rin emphasized the word Sir. Pumunta sa harapan yung lalaki, teka anong pangalan niya. Pumila kami ni Rin, "teka sino ba iyon?" Tanong ko sa kanya. "Grey Takshima. The Marshal of ASF," he boredly said. I just nodded in response. Hindi ko alam kung bakit ang intense nilang dalawa pero ito lang masasabi ko ayaw ni Rin sa kanya pati na rin ako. "Sinong mas mataas ikaw o siya?" I curiously asked. "Ako!" He replied, "I am the one who leads the whole PGF. Marshal General lang siya ng ASF," he smirked. Ang yabang niya po! Mga ilang minuto dumating na rin sina Erika at Reena. Nagtarayan lang kami ni Erika but at the same time nagpasalamat siya, bakit? Napansin na daw siya ng crush niya at pinahiram pa sa kanya yung coat nito. In short crush niya si Grey Takshima. "Good morning to all of you," he gave us a sweet smile. Magka-diabetes ka sana. "To all of the students of General Saita, I hope you learned well from him. Since tapos na ang lesson niyo for combat self defense. Tutungo tayo sa susunod niyong lesson ay ang pagpaandar ng gundam robot. You need to group yourself into four. Bakit apat? The first and the second person will be the pilot, while the others will be in charge in killing the opponents." Pagpapaliwanag niya saamin, habang binubuksan ang storage ng mga gundam. "Group yourselves into four," utos niya saamin. "Rin estudyante ka rin ba?" Tanong ko sa kanya. "Hindi na!" He replied. "Bakit nandito ka pa?" Tanong kong muli. "To accompany you," tipid niyang sagot. Magtatanong pa sana ako, nang hilahin kami ni Erika papunta roon sa napili niyang gundam. "Saiyo ito Rin diba?" Tanong niya sa pinsan niya. Rin wrinkled his forehead. "Don't tell me ayan ang gusto mong sakyan?" tanong nito sa kanya. "Of course my dear cousin!" Erika hyperly said. Hindi kami makarelate ni Reena rito, haler baguhan lang kaya kami! Tsk. "Let's go inside," pagyaya saamin ni Erika. Ang gaga nauna na, may kung anung bumabang bakal mula sa itaas ng gundam. Ang taas kaya kasing laki ni hulk ata ito. Parang elevator. May bakal iyon na tutuntungan mo para makaaakyat sa gundam. Dala-dalawa ang pwedeng sumakay sa elevator na iyon, nauna kami ni Reena at sumunod yung magpinsan. 'Yung loob ng gundam, langya hightech po siya, ang daming button na ewan! Tapos 'yung dalawang kamay at paa mo ipapasok mo sa apat na butas. Pero para sa magiging piloto lang iyon, sila kasi yung magpapagalaw at magko-control sa gundam. Habang yung isang piloto alalay lang nung main pilot. Kapag nadistract ang main pilot, ang secondary pilot na ang bahalang umiwas sa mga atake ng mga kalaban. Habang 'yung dalawa roon sa combat side, silang bahala magpaputok ng missile, ilabas ang giant blaster sword para makipagdigmaan. Paano ko nalaman may instruction na ibinigay saamin si Grey na nakafolder at nakapatong sa upuan ng pilot. "Erika, Reena, dyaan kayong dalawa sa combat side, kami ni Mika ang bahalang maging piloto," utos saamin ni Rin. "Teka bakit ako? di ako marunong magpalipad nito no!" Pag-aangal ko. "Huwag ka nang magreklamo Mika! Hindi ka rin naman marunong dito sa combat side diba? tama ang strategy ni Rin. Since parehas kaming may alam dito, ako ang bahala kay Reena. Si Rin ang bahala saiyo," sarcastic na sambit niya. "Kayo na ang may alam!" Inis na saad ko. Sa banas ko umupo na lang ako sa tabi ni Rin. Pinasok ang dalawang kamay at paa ko sa mga butas. "Are you ready?" Dinig namin ang boses ni Grey. May radio dito sa loob ng gundam kaya nariring namin siya. Naramdaman namin ang pag-angat ng floor na kinatatayuan ng gundam. Pagkaraan ng ilang minuto. Nasa itaas kami ng building, hutek paano kami napunta dito. "Fly and kill a Sui android as many as you can, this is your first task!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD