ISANG buwan na ang lumipas mula nang magsimula ang relasyon namin ni Annie. I know she wouldn’t like it pero, sinabi ko kay Kiel ang tungkol sa amin. Gulat na gulat ang kaibigan ko. “You must be kidding me! Totoo? Kayo na ni Annie?” Walang kangiti-ngiti akong nagtaas ng tingin kay Kiel. “Yes.” Sinundan ko pa ng mga tango ang sagot ko. “Kailan pa?” Nasa hitsura niya na hindi makapaniwala. “Isang buwan na ngayon.” “I can’t believe this! Tinuluyan mo talaga si Annie? At paano mo siya nakumbinsi?” Nagusot ang noo ko. “I told you before that I’m going to pursue her. I just did.” “Is it serious? O kagaya ng sinabi mo sa akin noon?” Hindi ako nakasagot. Iyon ang pagkakamali ko. Inalok ko si Annie na gamitin ako para maka-move on agad siya sa ex niya. That’s how we started our relationshi