“YOU couldn’t imagine the fear of my oldest brother, dear. Dahil lang sa isang walang kwentang lalake, muntik silang mawalan ng anak. Gusto kong kalbuhin ang Trisha na ‘yon!” tukoy ni Lulu sa pamangking babae. Kilala ko si Trisha. Ilang birthdays nito ang nadaluhan ko sa imbitasyon ni Lulu. She’s a sweet and nice girl kaya nagulat ako nang sabihin sa akin ni Lulu ang nangyari sa pamangkin. The girl atttempted to end her life after her boyfriend left her. “Iba talaga ang mga kabataan ngayon. Marami sa kanila, hindi nag-iisip! Mapupusok pero, takot sa commitment.” Sinundan pa iyon ng iling ni Lulu. Noong nakaraang linggo ko pa nalaman ang tungkol doon pero, ngayon na lang ulit nabuksan ni Lulu ang usapan. Kahapon ay lumabas na raw ng ospital ang beinte anyos na pamangkin. “Nasaan na ‘y