“DID you really have to do that?” manghang tanong sa akin ni Kiel matapos kong ikwento sa kaniya ang tungkol sa ‘CCTV check-up service’ sa bahay ni Annie noong nagdaang weekend. Hindi ako sumagot. Tumingin ako sa labas ng glass walls ng office ni Kiel. “Sira ulo ka ba, Jeff? Paano kung malaman ni Annie na pakana mo iyon? Gusto mo bang masira ang magandang relasyon ng agency nila at ng Hayal?” Ano ba ang ikinakatakot nito? Kontrolado ko naman ang sitwasyon. Alam ko kung anong ginagawa ko. “Ganiyan ka ba kadesperado na mapansin ni Annie?” tanong pa rin ni Kiel na halatang ayaw akong tigilan. Marahan itong tumawa kaya nilingon ko siya. Umiiling si Kiel, nanunuya ang klase ng tingin niya sa akin. “Desperado na ba ang tingin mo ngayon sa akin? Look, kailangan kong mapalapit kay Annie at