• 3rd PERSON POV • MAKALIPAS ang ilang minuto ay natapos na silang kumain. Si Rylan na ang nagbayad sa kanilang kinain. Nag-unahan pa sila ni Kristof pero wala ng nagawa ito ng ibinigay ni Rylan ang kanyang credit card sa cashier. “Gusto niyo bang coffee?” Tanong ni Kristof sa mga ito. “Basta ba libre,” sabay na sabi ng dalawang babae at nag-apir pa ang mga ito. Natawa na lang si Rylan sa dalawa. Nagpunta sila sa isang coffee shop at hinintay si Kristof na nag-order. “Ah! Oo nga pala Sir. Natapos ko na ang inventory ng mga laptop at cellphone na dadalhin sa Amanpulo. Ipi-print ko na lang ito tapos ilalagay ko na lang sa office mo.” Baling ni Jessica ng maalala ang inutos sa kanya nito. “Nakapag-impake kana ba?” Takang tumingin si Brenda sa boss nila. “Hindi pa.” “Mag-impake kana. Bu