• JESSICA POV • PAGPASOK ko sa opisina ay nanibago ako dahil ang tahimik ng mga ka work ko. Nauna na akong pumasok kay Rylan dahil ayokong pag-usapan pa kami. Nagtaka naman akong umupo sa cubicle ko nang lumapit si Ate Brenda sa akin. “Hi Jessica, coffee?” Bati nito sa akin sabay inabot ang cup of coffee. “Thank you.” “Anong meron bakit ang tahimik yata nila?” takang tanong ko. Na curious na kasi talaga ako. “Naninibago ka ba? Buti nga sa mga ‘yan chismosa kasi. Lalo na si Erine,” sabi ni Ate Brenda sabay humigop ng coffee niya. “Anong nangyari?” “Pinagalitan sila kahapon ni Sir Marcus. Noong umalis ka kasi kasama si Sir Rylan na nakahawak sa bewang mo agad silang nagkumpulan sa gitna at pinag chismisan kayo ni Sir. Alam mo na! Narinig lahat ni Sir Marcus yoon at hindi niya nagustu