• 3rd PERSON POV • “Jessica/Rylan?” Sabay nilang sabi. Nagkatinginan ang mga magulang nila sa isa’t-isa. “Anong ginagawa mo dito?” Takang tanong ni Rylan sa kanya. “I’m with my parents,” sabi nito. “So, you mean ikaw ang anak nila? Ikaw si Sica?” Hindi maipaliwanag ni Rylan ang nararamdam ngayon. Nakahinga ito ng maluwag at mas nabuhayan dahil ibig sabihin lang nito ay si Jessica ang gustong ipakilala sa kanila ng mga magulang niya. Si Jessica ang anak ng isa sa malalaking share holder sa field niya. Si Jessica ang gusto nilang ipakasal sa kanya. Ngiting-ngiti ito sa kanyang iniisip nang biglang maging seryoso rin dahil nakatingin sa kanila ang mga magulang niya. “Hindi na pala natin kailangan ipakilala ang mga anak natin dahil magkakilala na sila. Teka nga mga anak, maupo muna kayo.