• JESSICA POV • “Rylan, uwi na lang tayo, wala akong sakit.” Nandito kasi kami ngayon sa MCC Hospital. pagtapos ng family dinner namin ay dinala niya ako dito nang hindi ko alam. “Hindi puwede. Kailangan mo magpatingin, binilin ka sa akin ng mga magulang mo kaya kailangan kitang alagaan.” “Hindi naman ako baby Rylan, kaya ko na ang sarili ko,” sabi ko pa sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko. “Pero baby kita, kaya kailangan mo magpatingin, para maresetahan ka na rin nang gamot mo,” nakangiting sabi nito. “Baby mo mukha mo, layo!” Mahina ko siyang tinulak kaya ngumisi ito. “Fiance kita, remember.” “Oo alam ko. Pero kapag hindi nag work ang gusto ng mga magulang natin ay puwedeng mabalewala ‘yon kaya wag kang assuming!” Napagkasunduan kasi nila na doon na talaga ako titira sa condo