• JESSICA POV • “Ziane!” Napabalikwas ako ng maalimpungatan ako. Napanaginipan ko ang kapatid ko. Kumunot ang noo ko sa panaginip ko. Bakit sa dami ng mapapanaginipan ko si Ziane pa. Hindi maganda ang panaginip ko sa kanya dahil Nawala daw si Ziane sa amin. Kinabahan ako kaya lumingon-lingon ako sa magkabilaan ko para hanapin ang cellphone ko. Nang makita ko ang bag ko sa bedside table ay kinuha ko ito tsaka hinanap ang cellphone ko. Tatawagan ko na sana siya ng bigla akong huminto at matagal na tumingin sa screen. “Hays! Hindi ko pa rin pala siya kayang kausapin.” Bulong ko sa isip ko tsaka binagsak ang katawan sa kama at tumingin sa ceiling. Nakunot ang noo ko dahil hindi ako pamilliar sa ceiling. “Nasaan ako?” Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. “Kanino kwarto ito?” Takan