• JESSICA POV • “Let’s Go.” Aya ni Rylan sa amin. Kinuha ko ang maleta ko kay Rylan pero hindi niya ito binigay sa akin. “Mauna na kayo. Ms. Felipe. Akin na ang maleta mo.” Nahihiya na binigay ni Ate Brenda ang maleta niya. Kinuha ito ng mga crew pati ang sa akin at ang bag ni Rylan. “Tara na,” aya ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng private plane. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng isang lalaki na hindi namin kilala. Hindi siya mukhang crew dahil naka suot lang ito ng puting t.shirt at jeans na tinernohan ng rubber shoes na halatang mamahalin. “Nandito kana pala,” sabi ni Rylan dito. “Ah! Si Kuya John nga pala, siya ang may-ari ng private plane, kasama rin natin siya.” Pakilala ni Rylan. “Kuya si Ms. Felipe Empleyado ko. Si Jessica Fiancé ko,” pakilala ni Rylan sa amin. Nakit