CHAPTER 3: Break Up
ANGELIA YVE'S P.O.V
Ilang oras din akong nakatulog nang sabihan ako ni Sir Leizer na magpahinga na muna kaya naman ng may dumating na doctor kanina sa kwarto ko at chineck ang sugat ko ay ginamot din ito ng doctor para hindi raw ma impeksiyon ang sugat ko sa paa at niresetahan niya rin ako ng gamot na pwede kong inumin para mabilis maghilom ang sugat ko.
"Lia gising ka na ba?" dinig kong sabi ni Melissa mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko kaya naman dahan-dahan akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan ng kwarto ko at nakita ko siyang nakatayo sa harap ng pinto ko.
"Pinapatawag ka ni Sir Leizer, sumabay na daw tayo kumain sa kanila," sabi ni Melissa kaya naman tumango lang ako saka ako naglakad ng marahan para di masanggi ng sahig ang sugat ko sa paa at nang makarating kami sa kusina ay nakita kong nakaupo na din sila manang sa mesa at kinakausap ito ni Rebecca.
"Oh andito na pala sila eh," sabi ni manang at nakita kong napatingin sa akin ang lahat at saka ako umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Sir Leizer.
"Let's eat," sabi ni Sir Leizer pagkatapos naming manalangin kaya naman kumuha ako ng kaunting kanin at ulam sa plato ko at nagsimulang kumain ng marinig kong magsalita si Rebecca.
"Uhm, Lia sorry nga pala kanina... pasensiya ka na sa inasal ko ah? Pagod lang kasi ako sa trabaho kanina kaya sa 'yo ko naibunton yung init ng ulo ko, I hope you can forgive me..." sabi niya sa akin at kahit na parang masama ang kutob ko sa kanya at tumango lang ako at ngumiti ng pilit.
"W-wala po yun ma'am kasalanan ko din naman k-kasi di ako tumitingin sa dinadaanan ko." sabi ko na lang sa kanya at saka nagsimula ng kumain.
Marami pang pinag-usapan ang magnobyo kaya naman di na ako sumabat pa sa usapan nila at kumain na lang ako ng tahimik at nang makita kong tumayo si Sir Leizer ay narinig ko siyang nagsalita.
"Something urgent came babe, I need to go to the company now," he said then kissed Rebecca on the lips before he walks out of the kitchen.
Nakaramdam ako ulit ng kirot sa dibdib ko pero di ko lang iyon pinansin at saka ako tumayo at nagligpit ng hapag ng matapos na kaming kumain.
"Lia ikaw na ang bahalang maghugas ng mga pinggan ah? Kailangan pa kasi naming magpunta sa grocery para sa hapunan isasama ko sila Melissa at Ruth sa pamimili kaya ikaw na munang bahala dito ah?" sabi ni Manang at sumang-ayon na lang ako.
Nang maaalis na sila ay nagpunta na ako sa may sink para hugasan ang mga plato ng marinig ko ang footstep palapit sa akin at di nga ako nagkakamali.
"Do you think that I apologize sincerely to you right?" rinig kong sabi ni Rebecca sa akin sa likuran ko.
Tama nga ako ng hinila ko, pakitang tao lang ang babaeng 'to sinasabi ko na nga ba't hindi talaga siya sincere sa paghingi niya ng sorry kaya naman hindi ko siya pinansin at tinuloy lang ang pagsasabon ko sa mga plato at saka ko iyon binanlawan at nang matapos ako ay nagpunas ako ng mesa ng maramdaman kong nasa likuran ko na naman si Rebecca at nabigla na lang ako ng maramdaman kong sabunutan niya ako at napatingin ako sa kanya!
"A-aray ma'am masakit p-po..." mahinang daing ko habang hawak ko ang braso niyang nakasabunot sa buhok ko.
"I don't know who you are b***h but I can see that you like my man! Akala mo ba tanga ako? Akala mo ba di ko nakikitang gustong-gusto mo yung mga ginagawa ni Leizer sa 'yo?" sabi niya saka ako hinila palabas ng kusina at saka niya ako binitiwan ng malakas dahilan para tumilapon ako sa sahig.
Naramdaman ko na ang pangingilid ng luha ko dahil muli kong naramdaman ang pagkirot ng sugat sa paa ko at nagulat ako ng apakan niya ang sugat ko sa paa at dahil nakaheels siya ay dumugo ulit iyon.
"A-aray m-ma'am tama na po!" umiiyak na sigaw ko sa kanya habang pilit na tinutulak ang paa niya para di niya na maapakan ang sugat ko at nagulat ako ng umupo siya sa harapan ko ng di inaalis ang paa niya sa paa ko at saka ako pinisil sa magkabilang pisngi gamit ang isang kamay niya dahilan para mahirapan ako magsalita.
"You're getting on my nerves! What kind of b***h are you?! Anong ginawa mo at ganun ka tratuhin ni Leizer huh? He never treats anyone like the way he treated you!" galit na singhal niya sa akin at nakahinga ako ng maluwag ng bitiwan niya ang mukha ko at saka siya umalis sa pagkakaapak sa paa ko.
Mas lumakas ang hagulgol ko dahil nakita kong ang daming dugo ang dumadaloy sa paa ko dahil malaki ang sugat ko doon.
"Bukod pa dun hindi ako makapaniwala na ginawa ka niyang kabayaran sa utang ng mga magulang mo! I don't know what he's thinking para pumayag sa ganung klase ng set-up! He's the one of the billionaire and that's not necessary kahit di naman bayaran ng magulang mo ang utang nila but still he choose you to work for him huh? At kahit pa na sobrang lalampa-lampa ka at sobrang clumsy mo kumilos wala siyang pakialam? You even broke the vase I bought him at hindi ka manlang niya pinagalitan? What the hell!" sigaw niya at nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso ko ng mariin dahilan para mapatayo ako.
"M-ma'am t-tama na po m-masakit..." daing ko sa kanya at nakita ko namang tumaas ang isa niyang kilay saka siya natawa.
"What the f**k Rebecca?!" nagulat kaming pareho ng marinig namin ang nagsalita at nakita kong nakatayo si Leizer sa harapan namin at nagulat ako ng hilahin ako ni Leizer palayo kay Rebecca at saka niya ako tinago sa likuran niya.
"What the hell are you doing?! Are you thinking straight?!" galit na sigaw ni Leizer sa kanya at nakita kong nabigla si Rebecca sa inakto ni Leizer.
"What the f**k babe?! Bakit mo pinagtatanggol ang babaeng yan ha?!" sigaw naman na sabi ni Rebecca ng matauhan siya.
"I'm doing what's right and you're wrong! Bakit ka ba nagkakaganyan Rebecca?! Hindi ka naman ganyan ka paranoid dati ah! Akala ko naman kaya ka nagsorry sa kanya dahil sincere ka! So you're two-faced now?" seryosong sabi nama ni Leizer kaya naman parang di makapaniwala si Rebecca sa sinabi niya.
"I don't understand you Leizer! Ano bang meron sa babaeng iyan at ganyan ka sobrang nag-aalala sa kanya! Ginawa mo siyang pambayad utang at kahit pa na ang dami niya ng nasirang gamit sa mansiyon mo wala lang sa 'yo?!" sabi niya at nakita kong maluha-luha na siya.
"What's wrong with that?! Pinagtrabaho ko siya rito para mapilitan ang mga magulang niyang maghanap ng maipambabayad sa inutang nilang pera sa akin and I did that not because I like this girl but because I want to make things easier for her parents! Anyone knows how heartless I am Rebecca but I can't take advantage of her family because their company are failing, I'm just doing them a favor so that they can pay for their debt," mahabang paliwanag ni Leizer sa kanya at nakita ko namang napaluha na siya at saka umiling ng marahas kay Leizer.
"No! The way you cared for this b***h, I've never seen you do that to anyone so why her?" sabi pa ni Rebecca at nakita ko namang napanbuntong-hininga na si Leizer saka nagsalita.
"It's my fault, kasalanan ko kung bakit siya nagkasugat kaya ko siya inaasikaso dahil hindi siya makakapagtrabaho kung may dinaramdam siya!" sabi naman ni Leizer at nakita kong natawa ng sarkastiko si Rebecca.
"That's bullshit reasoning Leizer! It hurts seeing you caring for other woman you know... I can't take this anymore let's break up!" sabi ni Rebecca at naramdaman ko ang pagkalas ni Leizer sa pagkakahawak sa braso ko at saka siya lumapit kay Rebecca.
"Babe let's talk... wag mo naman 'to palakihin," mahinahong turan ni Leizer at akmang hahawakan si Rebecca sa kamay ng iniwas nito ang sarili niya.
"I don't want to hear some bullshit explanations to you, let's end this f*****g relationship! Hindi ko kaya makita hati sa babaeng iyan dahil di ko naman deserve na magkaroon ng kahati sa 'yo!" sabi ni Rebecca at akmang aalisan na kami ng magsalita si Leizer.
"What the f**k! It's f*****g four years babe! Sa loob ng four years na magkarelasyon tayo ngayon ka pa makikipagbreak sa akin dahil lang sa maliit na bagay na pinapalaki mo?!" sigaw ni Leizer at nakita ko ang paglandas ng lungkot sa mga mata niya.
"Yeah, that's right... kung gusto mo akong bumalik palayasin mo ang babaeng 'yan dahil di ko mapipigilan ang sarili kong saktan ang babaeng 'yan kapag nakikita ko siya kaya mamili ka, ako na girlfriend mo sa loob ng apat na taon o 'yang malanding babae na yan na pinatuloy mo sa pamamahay mo? It's your decision to make," sabi pa ni Rebecca saka na ito tuluyang umalis at narinig ko naman ang pagsigaw ni Leizer sa hangin saka inihilamos ang mukha niya gamit ang palad niya saka bumaling sa akin at nakita ko kung paano lumambot ang ekspresiyon niya.
"I-I'm sorry for letting this happened to you, siguro wag ka munang magtrabaho ng isang linggo para gumaling na 'yang sugat mo." sabi niya saka ako binuhat pabalik sa kwarto at habang nakatingin ako sa mukha niya ay gumuhit na naman ang lungkot sa mga mata niya.
---