CHAPTER 4

1719 Words
CHAPTER 4: Trouble LEIZER CHROLLO'S P.O.V "So what's the problem?" agad na tanong sa akin ni Garett nang makaupo ako sa table namin sa bar na palagi naming pinupuntahan. "Becca broke up with me," matabang na sabi ko at nakita ko namang nagkatinginan sila ni Joaquin. "Why? What happened?" nagtatakang tanong ni Garett sa akin kaya naman nilagok ko ng diretso ang isang baso ng Johnnie Walker na blue label. "Nag-away kami ng dahil lang sa bago kong kasambahay na anak ng mag-asawang Morales." diretsong sagot ko at nakita ko namang kumunot pareho ang noo nila sa sinabi ko. "At bakit mo naman naging katulong ang tagapagmana ng mga Morales?" sabat naman ni Joaquin kaya naman inilapag ko ang basong ininuman ko saka ko pinagsalikop ang mga kamay ko. "Ginawa ko munang pambayad ng utang ang anak nila kaya hinired ko muna bilang kasambahay pero nangako sila na babayaran ang inutang nilang malaking halaga ng pera mula sa akin kapag nakaahon ulit ang kumpanya nila. At nang dahil lang dun kaya kami naghiwalay ni Becca dahil akala niya ay pinagtatanggol ko ang kasambahay ko," naiinis na paliwanag ko sa kanila at muling lumagok sa baso. "Hindi ka pa nasanay sa mga babae pre! Alam mo naman na mainit ang ulo ng mga babae sa kapwa nila babae lalo na kung malapit sa lalaking pagmamay-ari nila. Bakit naman magseselos si Rebecca sa kasambahay mo?" naguguluhan na tanong pa ulit ni Garett sa akin kaya naman ng matapos kong uminom ulit sa baso ay tumingin ako sa kanya. "Nagalit lang ako sa kanya dahil inaway niya si Lia yung kasambahay na tinutukoy ko tapos hindi niya lang inaway inapakan niya pa sa paa kung saan may sugat yung tao, sige nga kung kayo ba ang nasa lagay ko hindi kayo magagalit kay Rebecca? I just want to tell that she did wrong pero matigas ang ulo niya at gusto niyang ipilit sa akin na tama ang ginagawa niya dahil iniisip niya na may namamagitan sa amin ng babae kahit na obvious naman na siya ang mahal ko." mahabang paliwanag ko sa kanila kaya naman sa sobrang stress nila sa pagkakarinig ng sinabi ko ay sabay silang lumagok sa basong hawak nila saka napahinga ng malalim. "Girls are unpredictable! Lahat talaga ng babae mataas ang pride at kahit nasa maling side na sila gusto pa rin nilang ipaglaban ang mali nila kahit hindi na tama ang ginagawa nila. Well isa lang ang mapapayo ko sa 'yo pre, it's time to move on." natatawang iling ni Joaquin sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Magtigil ka nga diyan Joaquin! Hindi ko basta susukuan si Rebecca, ilang taon na kaming nagsasama ngayon pa ko susuko sa relasyon namin? Sa tingin n'yo ba kung di ako seryoso sa babaeng 'yun tatagal ako sa kanya hindi di 'ba?" seryosong sabi ko at nakita ko namang napatango silang pareho. "Ikaw nasa sa 'yo naman ang desisyon pre, sinasabi lang namin sa 'yo kung anong opinyon namin. At nasa sa 'yo na rin iyon kung makikinig ka sa amin o hindi." seryosong sagot naman ni Garett sa akin kaya naman tumango lang ako at saka muling uminom sa baso ng bigla akong tawagin ni Joaquin. "Pre look! Si Rebecca yun di 'ba?" saad niya saka tumuro sa harapan namin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Rebecca na nakikipagsayaw sa ibang lalaki at napatayo ako agad ng makita kong hinalikan siya ng lalaki at ginantihan niya naman ito ng halik! Naikuyom ko ang kamao ko saka ako naglakad palapit sa kinaroroonan ni Rebecca at narinig ko pang tinawag ako ng mga kaibigan ko pero di ko iyon pinansin at nang huminto ako sa harapan nila ng lalaking kasama niya ay agad kong sinapak sa mukha ang lalaki dahilan para bumulagta ito sa sahig at kasabay naman nun ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin at nang sulyapan ko si Rebecca ay napansin kong lasing na ito at tila nahimasmasan sa nangyari. "What the hell are you doing here?!" galit na tanong ko kaagad sa kanya at saka siya hinawakan sa braso pero nakita kong biglang lumamig ang mga tingin niya sa akin at saka nagpumiglas sa pagkakahawak ko. "What the f**k?!" daing naman ng lalaki ng matauhan ito sa ginawa ko at dahan-dahang tumayo pero hindi ko ito pinansin at nanatili lang ang atensyon ko kay Rebecca. "Answer me!" muling tumaas ang boses ko ng sabihin ko iyon at nagulat ako ng dumapo ang mga palad ni Rebecca sa pisngi ko at naramdaman ko ang init ng pagdampi nito sa mukha ko. "How dare you! What right do you have to interfere with what I want to do? From what I remember I broke up with you so you don't have to care for what I want to do!" singhal niya sa akin saka ako marahas na itinulak sa dibdib kaya naman biglang lumambot ang ekspresyon ko at saka siya muling hinawakan sa braso at saka ako huminga ng malalim. "Babe please let's talk," pagmamakaawa ko sa kanya pero marahas niya lang ulit na binawi ang mga braso niya saka hinila ang lalaking kasama niya sa dance floor kanina. "We're done so stop pestering me!" malamig na turan niya sa akin kaya naman ng tuluyan na silang makalayo ng lalaki ay nanghihina ang mga tuhod na napaupo ako sa sahig at saka ko naramdaman ang paninikip ng dibdib ko at nakita ko rin ang paglapit sa akin ng dalawa kong kaibigan. "Pre hayaan mo na siya," pag-alo sa akin ni Garett ng magsimula akong umiyak na parang bakla. Naikuyom ko ang kamao ko saka tinakip sa mukha ko ang isa kong kamay saka ko nasuntok ang sahig sa sobrang galit ko at narinig ko kung paano magcrack ang tiles nun at nagsimulang dumugo ang kamao ko. "f*****g s**t!" sigaw ko. "Pre tama na yan," awat sa akin ng dalawa at saka ako inalalayang tumayo at saka nila ako hinila pabalik ng table namin kaya naman dahil gusto ko matigil ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay inagaw ko sa kanila ang bote ng alak na kanina pa namin iniinom saka nilagok ang kalahating laman nun. Tahimik lang akong uminom ng gabi na iyon at kahit pa na nakakaramdam na ako ng hilo ay di ako tumigil dahil gusto kong makatulog sa sobrang kalasingan para hindi ko na maramdaman pa ang sakit na dinulot ni Rebecca sa akin at dahil bigla na lang sumusulpot sa isip ko ang mga masasayang pinagsamahan namin ni Rebecca. When I was a womanizer back then, when I started to enter the business industry, when my father passed the CEO title of the company to me, I met her. She's one of the famous models in our country, and when I met her I thought our one night stand would end that night, but I was wrong because when she began to go to my office every time she's on her day off, I started to get attracted to her. Yun din ang dahilan kung bakit bigla kong tinigilan ang mga ex-flings at mga f**k buddies ko noon dahil unti-unti ko sinubukan na magseryoso kay Rebecca at hindi ko pinagsisihan iyon dahil sobrang lambing at napakamaaalalahanin niya at hindi lang yun ang minahal ko sa kanya dahil mahilig din siyang tumulong sa mga mahihirap at hindi siya nakakalimot na magdonate sa mga orphanage kapag may humihingi ng tulong sa kanya kaya naman hindi ako nahirapang seryosohin at matutunan na mahalin siya dahil hindi mahirap mahalin si Rebecca. Pero sa loob ng apat na taon na pagiging magkasintahan namin ngayon lang lumala ng ganito ang away namin dahil hindi naman umaabot sa punto na naghihiwalay kami kapag nagtatalo kami sa isang bagay dahil agad ko rin naman siyang sinusuyo para maayos namin ang problema na dumadating sa amin at hindi lang yun dahil sa tuwing may pagseselosan siya ay alam ko na kaagad kung paano ko siya susuyuin dahil alam ko naman na tiwala siya sa akin na hindi ko siya lolokohin at handa kong talikuran ang ibang babae para sa kanya dahil siya ang first love ko. Pero sa pagkakataong 'to hindi ko maisip kung saan ba ako nagkamali para umabot kami sa puntong 'to na ayaw niya na ako makita at ang masakit pa dun ay ang makitang lumalabas siya kasama ang ibang lalaki matapos niyang makipagbreak sa akin ng dahil lang gusto kong itama ang pagkakamali niya at sa tanang buhay ko ngayon ko lang ginustong mamatay dahil sa sobrang sakit na dinulot niya sa akin. Hindi ko maisip kung ano bang gagawin ko para patawarin niya ako kung ano man yung kasalanang nagawa ko na lubos na kinakagalit niya. Una sa lahat ay wala naman talagang masama na ginawa sa kanya si Lia at hindi naman dahil sa pinagtatanggol ko siya, natakot lang ako makita na ang babaeng minahal ko ay nawawala sa pagkatao ni Rebecca sa tuwing nagseselos siya kay Lia dahil sa akin. Hindi ko lang naman kaya na maging masama sa babaeng 'yun dahil kahit pa na gaano ako kawalang puso noon na saktan ang mga babaeng kinakama ko noon at nahuhulog sa akin ay wala namang ibang dahilan para alilain at maltratuhin ko ang babae na 'yun dahil hindi ko siya pinalamon noon at pinalaki dahil di naman ako ang magulang niya para gawin sa kanya 'yun at kahit pa na katulong lang siya sa bahay ko ay tao pa rin siya at may karapatan na marespeto dahil nagkasambahay siya sa akin para tulungan ang mga magulang niya na makabayad sa utang nila. Hiling ko lang ay maayos ko pa ang relasyon namin ni Rebecca dahil nagbabalak na akong pakasalan siya at hindi yun matutupad kung tuluyan na kaming maghihiwalay. Wala akong ibang ginawa kundi ang mag-inom ng mga oras na iyon at kahit ang dalawang kaibigan ko ay di ako napigilan dahil gustong-gusto kong magpakalunod sa alak ng mga oras na 'yun at wala akong ibang maisip na gawin kung paano kakalimutan ang sakit kahit na isang gabi lang kaya naman hinayaan ko lang ang sarili na malunod sa kalasingan at nang tuluyan ng sumuko sa kalasingan ang katawan ko ay naramdaman kong inalalayan ako nila Joaquin at Garett papunta sa sasakyan ko at saka ako pinagmaneho pauwi sa mansyon. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD