CHAPTER 2: The Girlfriend
ANGELIA YVE'S P.O.V
Kinaumagahan ng magising ako ay agad akong naligo at nagbihis ng uniform ko saka ko ginamot ang paa ko at kahit na patingkayad ako maglakad dahil ayoko na maitapak ang palampakan ko na may sugat ay tiniis ko na lang iyon para makapagtrabaho.
"Magandang umaga sa inyong lahat." bati ko sa mga kasambahay na kasama ko at nakita ko namang nagulat sila Manang Elena.
"Kamusta naman ng paa mo? Dapat nagpahinga ka na lang muna Lia dahil yun ang utos sa amin ni Sir Leizer." sabi ni Manang sa akin kaya naman umiling ako ng marahan.
"A-ayos lang ako manang ayoko naman na walang ginagawa kasi di naman akong amo rito para di ako kumilos." sabi ko at nakita ko naman napailing na lang si Manang.
"Hayy, matigas pala ang ulo mo hija... oh siya ikaw ang bahala kung gusto mo tumulong basta siguraduhin mo lang na sa pagkakataong 'to wala ka ng mababasag ah?" sabi naman ni Manang kaya naman tumango na lang ako saka ako tumayo sa may sink para maghugas ng mga hugasin.
At habang naghuhugas ako ay iningatan kong wag makabasag ulit at mabuti na lang ay nagtagumpay ako na hindi makabasag ulit ng pinggan.
Matapos naman nun ay tinulungan ako ni Melissa na gumawa ng tea para kay Sir Leizer na kasalukuyang lumalangoy sa pool.
Inilapag ko ang tea sa may lamesita sa gilid ng pool saka ko nakita si Sir Leizer na kasalukuyang umaakyat ng pool ladder kaya naman agad kong kinuha ang tuwalya na nakalagay sa may pool chair sa tabi ng lamesita saka ako iyon inabot sa kanya at nakita kong nakasuot siya ng black swimming trunks habang nakalantad ang mga abs niya kaya naman napaiwas ako ng tingin.
"What are you doing here?" kunot-noong tanong niya sa akin ng tumingin ako sa mukha niya.
"Hinatid ko lang yung tea niyo Sir," sabi ko sa kanya at nakita ko namang umiling-iling siya.
"What did I told you? I told you to rest so that your wound in your foot will heal faster." seryosong saad niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang kamao ko.
"P-pero gusto ko pong magtrabaho p-para mabawasan yung mga n-nasira ko." mahinang sagot ko naman sa kanya at narinig ko ang pag tikhim niya.
"Tanggap ko na marami kang nasirang gamit sa pamamahay ko pero di mo kailangang magpagod kung kailangan mo namang magpahinga dahil di kita pinagtrabaho dito para lang magkasakit ka o masaktan ka." seryosong turan niya sa akin kaya naman napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.
"Pero kung gusto mo talagang ipilit na magtatrabaho ka ngayon sa ganyang kondisyon mo ikaw ang bahala basta sinabihan na kita na magpahinga ikaw lang ang ayaw makinig kaya wag mo isisisi sa akin kapag hindi agad gumaling ang sugat mo." sabi niya lang sa akin bago siya umupo kaya naman nagpaalam na lang ako sa kanyang babalik na ako sa loob.
Akala ko talaga masama ang ugali niya pero hindi naman pala, kahit papaano naman pala ay marunong siyang maging concern sa mga taong nasa paligid niya.
"Lia tapos ka na ba sa trabaho mo? Pwede bang tulungan mo kaming maghain ng mga pagkain? Pasensya ka na ah marami lang kasi kaming inaasikaso kasi ngayon na ulit ang balik ni Ma'am Rebecca." sabi ni Ruth sa akin kaya naman napakunot ang noo ko dahil di ko kilala kung sino ang tinutukoy niya.
"Sinong Rebecca?" takang tanong ko at nakita ko na napatingin si Ruth sa paligid namin saka siya bumulong sa akin. "Si Ma'am Rebecca 'yung 4 years na girlfriend ni Sir Leizer,"
"M-may girlfriend na pala si Sir Leizer?" mahinang tanong ko sa kanya at marahan naman siyang tumango bago inayos ang mesa sa may kusina.
Hindi ko alam kung bakit parang medyo kumirot ang puso ko nang malaman kong may girlfriend na pala si Sir Leizer at apat na taon sila at ang nakakabigla pa ay dito rin yata nakatira ang babae.
Kaya naman gaya ng sinabi ni Ruth sa akin ay tumulong ako sa paghahanda ng mga pagkain para sa pagdating ng sinasabi nilang girlfriend ni Sir Leizer.
***
Matapos namin maghain ng mga pagkain kanina ay nagpasiya akong diligan na ang mga halaman sa labas ng mansiyon ni Sir Leizer at dahil wala ako sa sarili ko ay naramdaman ko na lang na napaupo ako sa sahig nang may mabunggo ako at naramdaman ko ang pagkirot ng sugat sa paa ko ng tumama yun sa sahig.
"Ano ba kasi iyan hindi tumitingin sa dinadaanan!" nagulat ako at napatingala ng marinig kong may magsalita sa harapan ko at nakita ko ang babaeng naka cocktail dress na kulay pula at nakastilleto din ito na pula at ang buhok nito ay kulay blonde na nakawavy curls at hanggang balikat lang ang haba ng buhok nito at mahahalata mo kaagad na may lahi ang babae.
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Pwede bang tumayo ka na diyan dahil nakaharang ka sa dinadaanan ko!" singhal niya sa akin at nagulat ako ng maramdaman kong may huminto sa tabi niya kaya muli akong napatingala dahil di ko maigalaw ang paa ko dahil sa pagkirot nito.
"Pwede bang wag mo siyang sinisigawan Becca? Can't you see her foot is wounded." paliwanag ni Sir Leizer sa babae at nakita ko ang pag-irap nito sa akin.
"I don't care paharang-harang kasi siya sa dinadaanan ko eh!" reklamo naman ni Rebecca saka naman natawang nailing-iling sa kanya si Sir Leizer.
"Kung may galit ka sa akin wag ka mandamay ng ibang tao pwede? Wala namang kasalanan sayo si Lia so stop treating her that you're her boss," seryosong sabi naman ni Leizer sa kanya at nakita ko namang umupo sa harapan ko si Sir Leizer.
"Can you stand up? Take my hand I will carry you back to your room." mahinahong turan ni Leizer sa akin at naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko kaya nama napakagat ako sa labi ko at nang tumingin ako kay Rebecca ay nakita kong masama itong nakatitig sa akin.
At bago pa ako makatayo ay naramdaman ko na lang ang pagbuhat sa akin ni Leizer ng pabridal style at sa pagkakataong yun ay muli ko na namang naramdaman ang pagwawala ng puso ko at nakita kong seryosong nakatingin sa akin ngayon si Leizer saka siya naglakad habang buhat-buhat niya ako.
Ilang saglit lang din ng makarating kami sa maid quarters at saka niya ako pinaupo sa kama ko at saka siya lumuhod para i-check ang paa ko at tama nga ako ng hinala dahil nakita kong dumudugo na naman iyon at namamaga na.
"Magpapatawag ako ng doctor bukas para magamot itong sugat mo, isa pa namamaga na ang paa mo kaya mas maigi muna siguro kung magpahinga ka na muna dito sa kwarto mo dahil kaya naman nila Manang na magtrabaho sa mansiyon kahit wala ka kaya di mo na kailangan pilitin ang sarili mong magtrabaho." sabi niya na nananatiling hawak ang binti ko kasalukuyang pinapahidan ng betadine saka iyon nilagyan ulit ng bandage.
"And I want to apologize for how Rebecca treated you earlier... hindi ko naman siguro kailangan sabihin 'to but I want you to understand that we're having a fight right now, kaya ganun kainit ang ulo niya. Rebecca is a nice person and she treats well of my maids pero nataon lang na mainit ang ulo niya kanina kaya ka siguro niya nasigawan sana maintindihan mo na hindi niya sinasadyang sigawan ka kanina." mahabang paliwang sa akin ni Leizer saka siya tumingin ng seryoso sa akin ng makatayo siya.
"Naiintindihan ko Sir, hindi niyo naman kailangan magpaliwanag sa akin." sabi ko saka napakagat sa ibabang labi ko at narinig ko namang bumuntong-hininga siya.
"Look Lia, hindi kita kinuha sa mga magulang mo para tratuhin ka rito ng ganun okay? I may look like a heartless man to you dahil sa ginawa ko sa mga magulang mo pero pag dating kasi sa business at sa mga kasunduan ay ayokong hindi tinutupad ang pangako kaya wala akong choice para pagtrabahuhin ka dito kahit di naman kailangan because I want your parents to work hard para mabawi ka, I'm not an asshole if you thinks of me that, dahil ginawa kitang kabayaran sa utang ng ama mo pero di naman ako papayag na may mangmaltrato sa 'yo dito because you don't deserve to be treated like that because all of you here that working in my place is still a living person who needs to be respected kaya kung maulit man ang ginawa sa 'yo kanina ni Rebecca just let me know and I will talk to her," sabi niya sa akin kaya naman napahawak ako sa dibdib ko dahil naramdaman ko na naman ang pagwawala ng puso ko.
Leizer's really a nice person at masaya ako dahil kahit nagtatrabaho lang ako bilang katulong sa mansiyon niya ay hindi niya tinotolerate ang pang-aapi sa mga kasambahay.
"T-thank you Sir Leizer for taking good care of me, I really appreciate that." mahinang pasalamat ko sa kanya at nakita ko namang tumango lang siya sa akin.
"Rest well, for now, don't worry I will let Manang know that you're resting right now so that they don't disturb you." sabi niya lang sa akin bago ako tuluyang iwanan sa kwarto ko.
---